You are on page 1of 47

MORPOLOHIYA

Uri ng Morpema sa wikang Filipino


1. Morpemang Ponema
2. Morpemang Salitang-Ugat
3. Mopemang Panlapi
MORPOHOLOHIYA

• Ang makaaghma na pag-aaral ng mga morpema


o makabuluhang yunit ng mga salita.
• Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema..
• Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na may angking kahulugan. Ito ay
maaring panlapi o salitang ugat.
Morpemang Ponema /a/ at /o/

• Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa


pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa
/a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.

• Halimbawa :
– Gobernador - Gobernadora
– Konsehal - Konsehala
– Kapitan - Kapitana
– Abogado - Abogada
Morpemang Salitang-Ugat

• Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay


ang payak na anyo ng isang salita.

• Halimbawa :
• Indak sayaw sulat
• Ganda sipag bata
• Buti payat bunso
Morpemang Panlapi

• Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa


salitang-ugat na maaring makapagpabagong
kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong
mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa
salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan.

• Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng


kahulugan.
• Ang mga panlaping Filipino ay maaring ikabit sa
mga pangngalan at tinatawag itong panlaping
makangalan; sa pandiwa ay tinawatag naman
itong panlaping makadiwa at sa pang-uri ay
tinatawag itong panlaping makauri.
• Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di-
malayang morpema. Bagamat’t may kahulugan,
hindi makikita ang tiyak na taglay na kahulugan
hangga’t hindi naisasama sa isang salitang-ugat.
Morpemang Kahulugan Salitang-ugat Bagong
Panlapi Morpema

Ma- Pagkakaroon ng Bait Mabait


katangiang taglay
ng salitang ugat

Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit

-an Lugar na Aklat Aklatan


pinaglalagyan

Ma- Nagsasaad ng Pera mapera


pagkakaroon
• Morpemang Leksikal at Pangkayarian

– Morpemang Leksikal
» May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-
abay.
– Morpemang Pangkayarian
» Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa
isang kayarian o konteksto ang mga ito upang
magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa

• Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa


kanyang mga kaklase.
– Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay
nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase,
naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang
pangungusap.

• Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase


ni Pedro.
– Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si
pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang
kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
Pagbabagong Morpoponemiko
Pagbabagong Morpoponemiko

 Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng


isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing
ponemang (panlapi).

 Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring


yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod
dito.
Halimbawa :
[pang-] + paaralan = pampaaralan
Limang Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin
Assimilasyon
• Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging
nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito.
• Uri ng Asimilasyon
– Asimilasyong Parsyal o di ganap
– pagbabago sa unang morpema
Halimbawa
hal: pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas
– Asimilasyong Ganap
– Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Hal: mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot
Pagpapalit ng Ponema
• kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang
patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang r.
hal: ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
Metatesis
• pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in /
kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang (l,y,o)
hal: lipadin -nilipad
yakapin -niyakap
Paglilipat-diin
• kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi,
ito ay nagbabago kapag ito'y nilalapitan.
hal: laro + an = laruan
dugo + an = duguan
Pagkakaltas ng Ponema
• mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
hal: takip + an = takpan
sara + han = sarhan
labahan = labhan
dalahin = dalhin
Kayarian ng mga Salita

1. PAYAK
- ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat
lamang, walang panlapi at walang katambal
na ibang salita (Santiago&Tianco)

halimabawa:
ina bata anak ama
kapatid sulat
2. Maylapi
-sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang
salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-
kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza & Breva, 2010)

- ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga


panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa
unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May
ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi
Halimbawa:
Ma- + tubig matubig (maraming tubig)
Pa- + tubig patubig (padaloy ng tubig)
Tubig + -an tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig + -in tubigin (pinarusahn sa tubig)
Lakad + -um lumalakad
Sagot + -in Sinagot
3. Inuulit
-ay maaring ganap, parsyal o magkahalong
parsyal at ganap (Ampil, Breva & Mendoza,
2010)
-inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit
pang pantig nito
-may dalawang uri, ang “pag-uulit na Ganap
at Di-ganap
a) Pag-uulit na Ganap
- inuulit ang salitang-ugat

Halimbawa:
taon taon- taon
bahay bahay-bahay
araw araw-araw
b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap
- ang isang salita ay nasa pag-uulit na PARSYAL
kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit

Halimbawa:
usok uusok
balita bali-balita
tahimik tahi-tahimik
Kanta kakanta
c) Magkahalong Parsyal at Ganap
- kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo
ang salitang-ugat.

Halimbawa:
Sigla masigla-sigla
Saya masaya-saya
Matuto matuto-tuto
4. Tambalan
- ang pagbubuo ng salitang-ugat
-dalawang salitang pinagsasama para
makabuo ng isang salita
-may dalawang uri ng tambalan ang
tambalang ganap at di-ganap
a) Tambalang Di-ganap
-ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang
salitang pinagtambal ay hindi mawawala
-Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Halimbawa:
asal-hayop kulay-dugo
bahay-ampunan pamatid-uhaw
b) Tambalang Ganap
- ang dalawang salitang pinagtambal ay
nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad
ng mga salitang pinagsama.
-Tambalang salitang nagbibigay ng bagong
kahulugan

Halimbawa:
bahaghari hampaslupa
dalagambukid anakpawis
Bahagi ng Pananalita

1. Mga Salitang Pangnilalaman ( Content Words)


a. Mga Nominal
 Pangngalan
 Panghalip
b. Pandiwa
c. Mga Panuring
 Mga pang-uri
 Pang-abay
2. Mga Salitang Pangkayarian ( Function Words)
a. Mga Pang-ugnay
» Pangatnig
» Pang-angkop
» Pang-ukol

b. Mga Pananda
» Pantukoy
» Pangawing na ‘ay’
MGA SALITANG PANGNILALAMAN
1. PANGNGALAN

• ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay


ngalan ng hayop, bagay, pook, at pangyayari.

Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan


1 Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat.
2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa
isang bagay na tahas o hindi tahas
Pantangi

• tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay,


pook at pangyayari
halimbawa

1.Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao


Pedrito Melissa
Marilou Rita

2. Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop


Brownie Pinky
Blacky Spot

3.Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay


Mongol
Magasing liwayway
Bic Ballpen
4. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook
Bundok Apo Talon Maria Cristina
Davao City

5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Panyayari


Paligsahan ng Bb. Pilipinas
Buwan Ng Wika
Pambalana
• -tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao,
hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Halimbawa:

1.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Tao


bata guro
lalaki abogado

2.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Hayop


aso baka
pusa kalabaw

3. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Bagay


laptop radyo
bahay relo
4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Pook
ilog
bulubundukin
kapatagan

5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng


Pangyayari
sayawan gulo
banggan digmaan
tahas
-tumutukoy sa bagay na materyal
Dalawang Uri:
1. palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang
uri ng tao o bagay.
halimbawa:
buwig kumpol
hukbo lahi
tumpok tangkal
di-palansak
-tumutukoy lamang sa mga bagay na
isinasaalang-alang ng isa-isa.

Halimbawa:
saging bulaklak
sundalo tao
Kamatis manok
di-tahas o basal
-basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay
hindi materyal kundi diwa o kaisipan.

Halimbawa:
Buti ganda
sama bait
pag-asa kaligayahan
Kasarian ng Pangngalan
• Panlalaki
– Bicolano, lolo, bayaw, G. Cruz
• Pambabae
– Ilokana, Ilongga, ate, inday, Gng. Chan
• Di-tiyak
– guro, bata, anak, nars
• Walang Kasarian
– bundok, ilog, halaman, buwan
2. PANGHALIP
-ito ay salitang panghalili sa ngalan ng tao.

Halimbawa:
Si Manuel L. Quezon ang kinilalang “Ama ng
Wikang Pambansa”.

Siya ang kin.ilalang”Ama ng Wikang Pambansa”.


Tatlong panauhan:
1. Unang Panauhan
-tumutukoy sa taong nagsasalita
(ako,ko,kami,tayo)
2. Ikalawang panauhan
-tumutukoy sa taong kausap sa
pangungusap.
(ikaw,ka,kayo,inyo,inyo)
3. Ikatlong panauhan
-inihalili sa taong tinutukoy sa pangungusap.
(siya,sila,nila,kanya,kanila)
Source ( pinagmulan )

Aklat
– Wika at Komunikasyon: Filipino 1 kolehiyo Batayan at
sanayang-aklat
Internet
– http://mamsha.tripod.com/id23.html
– http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_kayarian_ng_salita
– http://e-filipino101.blogspot.com/2009/09/kayarian-ng-
mga-salita.html
– http://www.scribd.com/doc/96393660/1-Ponolohiya
– http://prezi.com/sau0kfuhjy9p/pagbabagong-
morpoponemiko/

You might also like