You are on page 1of 32

1

 Ginagawa upang maipahayag ang ideya’t


kaisipan sa kapwa sa iba’t ibang
kadahilanan
 Upang maiparating ang ating
nararamdaman hinggil sa isang paksa
 Upang libangin ang sarili at ang kapwa
 Upang magturo at magbahagi ng kaalaman
 Makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan
ng ibinibigay na opinyon
 Ang anumang dahilan ng sumusulat ang
nagtatakda sa kanyang direksyong
tatahakin kapag hawak na ang lapis at pael
o dili kaya’y sa pagtipa sa mga letra sa
kompyuter
2
 Ang kasanayan sa pagsulat ay sinasabing
higit pa sa paggamit ng mga simbolong
ortografik
 Ayon ka Arapoff, ang pagsulat ay isang
proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay na pagpili at
pag-oorganisa ng karanasan
 Si Smith ay naniniwalang ang pagsulat ay
isang tao-sa-taong komunikasyon
 Kung kaya’t kinakailangang pinipili ang
mga salita at isinasaayos ang istruktura
upang maging malinaw ang mensahe
3
 Mas madalas kaysa hindi, ang mga
manunulat ay hindi pa tiyak sa kung ano
ang kanilang isusulat hangga’t hindi pa sila
nagsisimulang sumulat
 Maituturing din itong isang paglalakbay-
isip nang hindi alam ang destinasyon
 Ayon kay Royo, ang pagsulat ay paghubog
ng damdamin at isipan ng tao
 Naipaparating niya ang kanyang mithiin,
pangarap, damdamin, bungang-isip at mga
agam-agam

4
1. Expresiv – nakafokus sa pangangailangan ng
manunulat na malayang maipahayag ang
kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan
- walang ginagamit na teorya ngunit
nakaimpluwensiya sa inobasyon sa pagtuturo
ng pagsulat
2. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bilang isang
pag-iisip at isang kompleks na gawain
- may makalayuning oryentasyon at
naniniwalang it’oy isang pabalik-balik na
gawain
3. Sosyal na antas – ang mga manunulat ay
hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi
bilang kasapi ng isang sosyal

5
at kultural na pangkat na nakakaimpluwensya
sa kung ano at paano sila sumulat
4. Komunidad ng diskurso – nadevelop mula
sa paniniwalang ang pagsulat ay isnag
gawaing sosyal
- ang pagkaunawa ng mambabasa at ang
genre ay napakahalaga rito
- ang atensyon ay nakatuon sa
pantersyaryang pagsulat kung saan
kailangang makasulat sila nang katanggap-
tanggap sa akademik na komunidad

6
Paggawa ng Burador

Pag-iistruktura Muling Pagtingin Pagfofokus

Paglabas ng Ideya Evalwasyon


Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-
ulit at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat

7
 Ang mga gawaing brainstorming ay
nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa
mga manunulat na masabi ang nasa
kanyang iskema
 Ang pagfofokus naman tulad ng mabilis na
pagsulat ay nauugnay sa pangkalahatang
layunin sa pagsulat tungkol sa isang paksa
 Ang paggawa ng burador ay transisyon ng
kaisipan mula sa manunulat patungo sa
tekstong para sa mambabasa. Sa bahaging
ito, maraming burador ang maaaring
mabuo batay na rin sa gfidbak mula sa mga
guro at/o kasama

8
 Sa pagtataya o evalwasyon, makatutulong ang
paggamit ng tseklist upang makakuha ng
fidbak at mga puna na makatutulong upang
maisaayos muli ang binuong burador
 Ang muling pagtingin sa teksto ay ginagawa
upang matiyak kung tama ang ginawa.
Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at
mabisang pagsulat na makadedevelop sa
kasanayan ng manunulat

9
 Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat
 Hindi sumusunod sa iisang daan
 Ang anumang gawain ay naghahatid ng
naiibang hamon
 Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat
manunulat

10
 Ekspresiv – pangunahing layunin nito ang
maipahayag ang nararamdaman at
nasasaloob
- may malayang pamamaraan, hindi gasinong
pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng
mga salita bagkus minamahalaga ang
mailabas ang tunay na iniisip at nadarama
ng isang tao
- kinapapalooban ng sariling karanasan at
mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa
ilang pangyayari sa paligid
- Hal. jornal, talaarawan, personal na liham at
mga reaksyon
11
 Transaksyunal – sa layuning ito ng pagsulat,
nagbibigay ng interpretasyon,
nangangatwiran, naghahatid ng
impormasyon, nagsusuri, nanghihikayat o
dili kaya’y nakikipagpalitan ng mga ideya sa
iba ang manunulat
- Gumagamit ito ng mas formal at
kontroladong paraan sapagkat may format
o istilo na dapat isaalang-alang
- Hal. artikulo, sulating-pananaliksik,
editorial, ulat, revyu, sanaysay,
dokumentaryo, memorandum

12
 Akademik – formal ang istruktura
- maayos na naihahanay ang mga pangungusap
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng ideya
- kadalasang seryoso, nakabatay sa sinaliksik na
kaalaman
- ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat
ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal
- Hal. pamanahunang- papel, tesis, disertasyon,
suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing
pagsulat
 Jornalistik – ang mga sulating hango sa mga
pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at
mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na
pagsulat

13
 Referensyal – ang pagtatala ng mga sangguniang
gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa
pagpapadali ng gagawing pagsulat
- maaaring ang mga ito’y mula sa mga aklat,
pahayagan, polyeto, magazin, brochure,
diksyunaryo, jornal, tesis at disertasyon
- Hal.
Aban, E.B. (1999). Pananaliksik: Teorya at
Pamamaraan. Komisyon sa Wikang Filipino.
Alcantara, R.B., et al. (2003). Teaching Strategies I.
Makati City: Katha Publishing Co., Inc.
Arrogante, J.A. (2006). Malikhaing Pagsulat. Quezon
City: Great Books Trading.
Garcia, L.C., et al. (2006). Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Cabanatuan City, JIMCY
Publishing Home.
Raimes, A. (1983). Techniques in Teaching Writing.
Oxford: Oxford University Press.

14
 Teknikal – ang Filipino ay kinakailangang
gamitin bilang wikang panturo. Kung
gayon, kailangang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
wika ng pagkatuto sa sistemang pang-
edukasyon. Subalit isang katotohanan na
nakasulat ang napakaraming aklat lalo na
sa matematika at siyensa sa wikang Ingles.
Dahil dito, malaking papel ng pagsasalin ng
mga babasahing ito sa wikang Filipino.
Tandaang walang wikang imperyor o
superyor na wika sapagkat ang bawat wika
ay may sistemang tutugon sa
pangangailangan ng gumagamit nito

15
 hal.
Paggawa ng Algorithm
1. Simula
2. I-input ang tatsulok, tawagin itong TAAS.
3. Tiyakin kung negatibo ang valyu ng TAAS.
Kung negatibo, bumalik sa hakbang 2.
Kung hindi,
4. I-input ang base ng tatsulok, tawagin
itong BASE.
5. Tiyakin kung negatibo o positibo ang valyu
ng BASE. Kung negatibo, bumalik sa
hakbang 4. kung hindi,
6. AREA NG TATSULOK=(BASE*TAAS)
7. I-output ang AREA NG TATSULOK
8. Tapos.

16
 Sa pagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa
isang paksa, gumamit, kumukuha at nagsasaayos
ng mga datos ang mananaliksik
 Gumagamit siya ng iba’t ibang sanggunian upang
makapangalap ng mga impormasyong susuporta sa
ideya o argumento
1. Pangunahing datos – nagmumula ang mga
impormasyon sa mga indibidwal na tao, mga
akdang pampanitikan, mga pribado o publikong
organisasyon, batas, dokumento at iba pang
orihinal na talaan
2. Sekondaryang datos – kinalap ang mga datos mula
sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis,
disertasyon, magazin, pahayagan at iba pang aklat
na naisulat ng mga awtor
17
1. Direktang sipi – ang mga eksaktong salita o
pahayag ng isang awtor
- kinokopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa
sanggunian
- ginagamit ito ng mananaliksikkapag nais niyang:
 idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor
upang suportahan ang argumento
 nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang
argumento ng awtor
 bigyang-diin partikular ang isang malinaw o
makapangyarihang pahayag o sipi
 naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista

18
 Hal.
Sinabi ni Almario (2005):
“Noong araw, inaawit ang tula ng mga Tagalog.
Hindi sapagkat iisa ang tula at awit. Ngunit waring
may kalapat na himig ang mga tula o nakalilikha
alinsunod sa mga takdang himig. Kaya’t kung
sabihin na may sinaunang tula ukol sa bawat
gawain at yugto sa buhay ng tao, lumilitaw na may
gayon ding bilang at uri ng sinaunang awit.”
Ayon kay Cover (2006), magkalakip ang
ugnayan ng wika at kultura. Ang kultura ay likha ng
tao. Ang wika ay taal sa tao. Kahit na nga ito’y taal,
ang wika ay likha ng tao, gaya ng kultura

19
2. Parapreys o Hawig – nangangahulugan ito ng
pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa
ginamit na sanggunian gamit ang sariling
pangungusap
- maaari itong tingnan bilang transleysyon ng
orihinal na pinagmulan ng ideya
- isang pagpapasimple ng tekstong binasa
upang mas madaling maunawaan ng babasa
- gumagawa ng pagpaparapreys kapag:
 nais gumamit ng mga impormasyon sa
notecard at umiwas sa panggagaya o
pangongopya
 nais iwasan ang masyadong paggamit ng
direktang sipi
 nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad
ng impormasyon

20
Hal.
Orihinal na Teksto
Kung ang lugar o setting ay
nakakaapekto sa varayti ng paggamit ng
wika sa pagsalita o pagsulat ng isang
komunidad, gayundin ang katangiang
personal ng bawat nakikipag komunikeyt
Parapreys
Ang varayti ng pasulat at pasalitang wika
ay natutukoy ayon sa kapaligiran at
personalidad ng taong gumagamit nito

21
3. Sinopsis o Buod – pinagsasama-sama ang mga
pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat
gamit ang sariling pangungusap
- ang mga binuod na ideya ay kadalasang hindi
ipinipresenta sa paraang tulad sa orihinal.
- mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng
kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal
- gumagawa ng sinopsis kapag:

 nais magbigay ng background at pananaw hinggil


sa isang paksa
 nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman
mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
 nais na madetermina ang pangunahing ideya ng
pinagbatayang teksto

22
 Hal.
Orihinal na teksto
Ang paglinang ng mga materyales at
sangguniang panturo na ginagamit sa iba’t ibang
sabjek ay nangangahulugan lamang ng
pangangailangan sa pagsasaling-wika o
transleysyon ng mga teksto mula Ingles tungo sa
Filipino. Ayon kina Sibayan at Gonzales (1991),
magsisilbing isang pangunahing pamamaraan ang
pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang
intelektwalisasyon ng wika. Sa madaling salita,
malaki ang tungkulin ng pagsasaling-wika sa
pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay
sa makabagong takbo ng buhay sa daigdig.
Sinopsis
Ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales
at sangguniang panturo ay isa sa pangunahing
pamamaraang magagamit tungo sa
intelektwalisasyon ng Filipino.
23
 May mga lohikal na hakbang na sinusunod
ng mga manunulat sa pagbuo ng isang
papel
 Isang proseso ang pagsulat
 Prosesong may dalawang direksyon: Una,
para tuklasin sa sarili ang kakayahang
makapagpahayag ng mga ideya na ito’y
hindi pala isang trabahong mekanikal na
basta agarang lalabas ang alam pag
gustong sabihin anumang oras; pangalawa,
para makabuo ng sulating naaayon sa
tamang pagkakasunud-sunod, at
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan

24
1. Unang yugto - Ang Paghahanda ng Sulatin
a. Paglalagay ng sarili sa isang malinaw na
direksyon ng pagsulat ayon sa sumusunod na
kaparaanan:
 Pumili ng paksa- magtala ng marami
- sa mga nakalistang paksa, pumili ng isa o dalawa
na inaakalang makatawag pansin at posibleng
sulatin
- isulat ito sa taas ng susulating papel
- simulang magtala
- isipin ang kakailanganing haba ng sulatin at ang
panahong gugugulin
- kitiran o mlawakan ang paksa ayon sa tinatayang
sukat ng sulatin
- itala ang dinisyunang paksa
25
 Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang
tiyak na babasa nito
- Ang matamang pagkakaunawa sa layunin at sa
mambabasa ang magpapalinaw sa paksang
tatalakayin
- Ang layunin ng pagsulat ay para
makapagpahayag ng kaisipan at damdamin sa
mambabasa
- Magkukuwento ka ba ng sariling
karanasan?maglalarawan ka ba ng isang
tauhan?Pangangatwiranan mo ba ang isang
isyu?O maglalahad lang ng mga impormasyon
- Laging dalawang panig ang nasasangkot, ang
nagbibigay ng impormasyon at ang tumatanggap
ng impormasyon
- Ang tagatanggap ang mambabasa. Sinu-sino ang
babasa ng sulatin – estudyante, titser, kaibigan
26
b. Pangangalap ng materyal at pagsasaayos
ng mga kaisipan
 Maraming mapagkukunan ng maisusulat –
sa pagbabasa, sa pagmamasid, sa
pakikipag-usap, sa sariling karanasan
 Magtalang mabuti nang tiyak, nang tama
 Pagkatapos, grupu-grupuhin ang mga
detalye ayon sa makahulugang
pamamaraan
 Para magkaroon ng orihinalidad, tumuklas
ng pansariling pamamaraan kung paano
lalabas na kaakit-akit/kawili-wili ang
epekto sa mambabasa
27
2. Ikalawang yugto – Ang pagsulat ng
Burador
 Hindi madaling mag-umpisa ng sulatin.
Nakaharap ka sa nakaladlad na blankong
papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip
para lumakad ang nakaumang na pansulat.
Sa biglang mauudlot na parang may
bumabara sa bukana ng utak kaya mabagal
ang pagbukal ng mga salita, o di kaya’y
may sadyang wala, gayong sa tangka ay
punong-puno naman ang isip ng mga diwa
 Ito ang karaniwang nasusumpungan ng
karamihan sa pagsisimulang sumulat
 Datapwat, kung natupad ang mga
kahilingan sa uanang yugto ng pagsulat,
ang nabanggit na sitwasyon ay maiiwasan

28
3. Ikatlong yugto – Pagsasaayos ng mga
detalye
 Ito ang huling hakbangin para
makapagsimulang sumulat
 Maraming paraan sa pagsasaayos ng mga
detalye – pwedeng pakronolohikal,
paespesyal, pahambing at pataliwas,
paanggulo, patiyak, pasaklaw, papayak,
pasalimuot

29
1. Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa
pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit,
pagsipi
- isa itong pagbabalangkas ng iniisip – isang
impresyunistang balangkas na malalaman
kapagdaka
- karaniwan nang ginagawang pahalang at
pababa ang paglilista
- masusundan dito ang pagkakasunud-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga detalye tungkol
sa paksa pag magsusulat na
- hindi pa ito gaanong pagbuong baybay ng mga
salita 30
2. Palitang-kuro – grupo ang karaniwang
gumagawa rito
- mag-uumpok sila sa isang lugar na
inaakalang makapag-uusap-usap sila nang
malaya at mahusay
- Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba’t
ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin
- Ang mga potensyal na opinyon ang
bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan
ang mga hakbangin para marating ang
mapagkasunduang layunin
- Bukod sa napakaepektibo ng pamaraang
ito, ang pangangalap ng kaisipan ay
napakadali

31
3. Malayang Pagsulat – pamamaraan itong
kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip
ay isinusulat
- Pabayaang malayang dumaloy ang isipan
nang walang anumang pagkontrol, sa gayon,
maging ang mga di-inaasahang nakabaong
ideya ay lumitaw
- Hayaang magawa ang inisyal na teksto na
magsisilbing burador o rafdraf dahil
pagkatapos namabasa ito, madali nang
mapagpasyahan kung alin sa mga ideya ang
may potensyal at imporatnte

32

You might also like