You are on page 1of 47

Setyembre 08, 2009

Sergio S. Osmeña Sr. Fidel V. Ramos


Manuel L. Quezon Gloria Macapagal Arroyo
Diosdado Macapagal Joseph Estrada
Corazon C. Aquino Manuel Roxas
Emilio Aguinaldo Elpidio Quirino
Jose P. Laurel Ramon Magsaysay
Carlos P. Garcia Ferdinand Marcos
Emilio Aguinaldo Carlos Garcia
Manuel L. Quezon Diosdado Macapagal
Jose P. Laurel Ferdinand Marcos
Sergio Osmeña Corazon Aquino
Manuel Roxas Fidel Ramos
Elpidio Quirino Joseph Estrada
Ramon Magsaysay Gloria Macapagal-Arroyo
1. ____ Erap at Gloria ay magkalaban sa
kandidatura bilang pangulo.

2. ____ Elpidio ay isang guro bago mabigyan


ng pagkakataong pumasok sa pulitika.
3. _____ lalawigan ng Batanes ay kilala sa
kagandahan ng likas na yaman nito.

4. _____ lalawigan ng Bataan, Laguna ,


Pampanga at Tarlac ay ilan lamang sa walong
lalawigang nakipaglaban sa digmaan noong
Panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
mga katagang laging nangunguna sa
pangngalan at panghalip. Ito rin ay
nagbibigay-linaw sa kailanan ng kasamang
pangngalan at panghalip.
1. Si at Sina – mga pantukoy na tiyak na
pantanging ngalan ng tao. Ang si ay
ginagamit sa isahan at ang sina ay
ginagamit sa dalawahan at maramihan.

2. Ang at Ang mga – ang mga pantukoy sa


pangngalang pambalana at pangngalang
pantanging ngalan ng pook o bagay.
 Mga salita o katagang ginagamit sa pag-
uugnay ng isang salita sa kapwa salita,
parirala o sugnay.
 Marami sa mga Pilipino ngayon ang umaalis
____ bumabalik sa sariling bayan.
 Idagdag mo na ang paksang kolonyalismo
____ nasyonalismo sa iyong ulat.
 “Hindi ko na tatapusin ang aking takda ____
ang aking pagsusulit, wala rin namang
mangyayari.”
 “____ piso o singkong duleng hindi man lang
tayo inabutan ng mamang iyon.”
 “ _____ang iyong guro ay hindi panig sa iyong
baluktot na pangangatwiran.”
 Kahit ang ina’y ______ ita’y ay hindi papayag
sa iyog napagpasiyahan
 Marahil tama ang paniniwala ng iyong
kapatid __________ hindi ito akma sa
sitwasyon na iyong hinaharap.
 __________ mahirap ang aming leksiyon
susubukan ko pa ring makakuha ng mataas
na marka.
 ________ hindi papayag ang iyong ina na
ikaw ay sumali sa patimpalak sundin mo na
lamang siya.
 Pandagdag – nagsasaad ng pagdaragdag ng
impormasyon. Kabilang dito ang at, saka at
pati.

 Pamukod – ginagamit upang itanggi ang isa


sa isa pang bagay. Ilan sa mga ito ay ni,
maging at o.
 Paninsay o pasalungat – ginagamit kung
nagsasaad ng pagsalungat. Ang subalit,
datapwat, at bagama’t ay ilan dito.

 Pagbibigay konklusyon o panlinaw-


nagsasaad ng panubali o pasakali. Kabilang
dito ang kung, kapag, at pag.
 Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit at
nagsasaad ng kadahilanan. Ilan sa mga ito
ang sapagkat, dahil, at palibhasa.
Ang Pangungusap ay salita o lipon ng mga
salitang nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay
may dalawang panlahat na sangkap: ang
panaguri at paksa o simuno.
Ang paksa o simuno ang bahaging
pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap. Ito ang pinag-uusapan sa loob
ng pangungusap.

Ang kinabukasan ay nakasalalay sa kamay


ng mga boboto.
Ang panaguri ang bahagi ng pangungusap na
nagbibigay kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa.

Marami na namang tatakbong senador ang


tatakbo sa pagkapangulo ngayong darating na
eleksyon.
Barirala– ang tawag sa agham na tumatalakay
sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-
ugnay. Mahalagang alam ng isang
tagapagsalita at manunulat ang mga
tuntuning nakapaloob dito.
Retorika – ang tawag sa mahalagang
karunugnan ng pagpapahayag na tumutukoy
sa sining ng maganda at kaakit-akit na
pagsasalita at pagsusulat.
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay
nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan
at sitwasyong ipapahayag. May mga
pagkakataon na ang mga salitang tama
naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop
na gamitin. Tignan ang mga sumusunod na
halimbawa.
1. Tanaw na tanaw namin ang maluwang na
bibig ng bulkan.
2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na
bunganga.
3. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong
dating na bisita.
4. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
1. Tanaw na tanaw namin ang maluwang na
bunganga ng bulkan.
2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na
bibig.
3. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong
dating na bisita.
4. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
 Tandaan din na sa ating wika ay maraming
salita na maaaring pare-parehas ang
kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na
gamit sa pahayag.

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan, lahukan
May pagkakataon din na kinakailangang
gumamit ng eupimismo o paglulumay sa
ating pagpapahayag kahit na may mga
tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa:
namayapa sa halip na namatay
palikuran sa halip na kubeta
pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
Alamin ang tiyak na gamit ng mga sumusunod:
1. nang at ng
2. kung at kong
3. may at mayroon
4. din at rin, daw at raw
5. sila at sina, kina at sila
1. Ang nang ay karaniwang ginagamit na
pangatnig sa mga hugnayang pangungusap
at ito ang panimula ng katulong na sugnay.

Halimbawa
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa
pagsusulit.
Nagsisimula na ang programa nang dumating
ang mga panauhin.
2. Ang nang na nagmula sa na at inaangkupan
ng ng at inalagay sa pagitan ng pandiwa at ng
panuring nito.

Halimbawa
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si Bb. Agcaoili.
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
3. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang
salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
neutral na inuulit at dalawang pandiwang
inuulit.

suklay nang suklay


mag-ipon nang mag-ipon
nagdasal nang nagdasal
4. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang
layon ng pandiwang palipat.

Halimbawa
Nag-aral siya ng liksyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang
anak.
Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
5. Ang ng ay ginagamit sa pananda ng aktor o
tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
Pinangaralan ng mga guro ang mga nahuling
mag-aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa
pagtawid.
6. Ang panandang ng ay ginagamit kapag
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay
o katangian.
Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang
buwayang pulitiko.
Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.
Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y
karaniwang ginagamit sa hugnayang
pangungusap.

Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin
kung iisantabi ng mga pulitiko ang kanilang
pamumulitika.
Ang kong ay nanggaling sa panghalip na
panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

Halimbawa
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo
munang tulungang ang iyong sarili.

Maaasahan sa mga gawain ang matalik kong


kaibigan.
Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip
panao.

Halimbawa:
Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbigyan
nito.
May virus ang nahiram niyang usb.
Ang mayroon ay ginagamit kapag may
nagpapasingit na kataga sa salitang sinusundan
nito.

Halimbawa:
Mayroon pa bang natirang ulam?

Si Ella ay mayroon ding magagandang


katangian tulad ni Joseph.
Ang sila ay panghalip panao samantalang ang
sina ay panandang pangkayarian sa pangalan.
Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit
na panandang pangkayarian.

Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.


Sila ay mabuti mabubuting anak.
Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa
patinig at sa malapatinig na w at y.

Halimbawa:
Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral.

Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na


kakatawan sa ating pamantasan.
Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa
w at y.

Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya


nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng
Filipino.
Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para
maging mabisa ito. Kung bawat bahagi ng
pangungusap ay tumutulong para maihayag
nang malinaw ang pangunahing diwa nito,
masasabing may kaisahan ang pangungusap.
1. Tiyakin ang timbang na ideya at pareralismo
sa loob ng pangungusap.

Matapos magsitangis ay agad na nagbalot


ng mga gamit ang mga napaalis na
iskawater.

Matapos magsitangis ay agad na


nagsipagbalot ng mga gamit ang napaalis
na iskwater.
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng
pandiwa sa pangungusap.

Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin


ko kanina.

Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko


kanina.
3. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang
hindi magkakaugnay na kaisipan.

Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi


natin ito ginamit at nahilig tayo sa
kalayawan.

Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin


ito ginamit.
4. Iwasan ang pagsasama ng maraming
kaisipan sa isang pangungusap.

Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng


mga bata kung gabing walang buwan at ng
pagdadama ng mga lalaking walang magawa
at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay
tunay na nakaaliw.
Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng
taguan ng mga bata ay tunay na nakalilibang.
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin
ang pangunahing sugnay at ang panulong na
sugnay.

Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang


aklat.

Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.

You might also like