You are on page 1of 19

ARALING PANLIPUNAN 6

I. Layunin
Natatalakay ang programa ng pamahalaan sa
panahon ng pananakop – Katarungang Panlipunan

Paksa: Katarungang Panlipunan


AP6KDP-IId-4.1.1
https://www.youtube.com/watch?v=mJ42LK8PY1U
Ppt. by: amlb – SVES Bińan
(http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/e/02_2.pdf) r
Balitaan (Pre-assigned)
Panuto: Ang batang
makakasalo ng bola
Magbalitaan tungkol sa mga
ay magbibigay ng
pangyayari sa ating bansa na may
isang mahalagang
kinalaman sa mga programa ng
pangyayaring may
pamahalaan.
kinalaman sa unti-
unting pagsasalin
ng kapangyarihan
sa mga Pilipino
Balik-aral
tungo sa pagsasarili

Gawain: Catch the Ball


• Tungkol saan
Panoorin ang isang ang inyong
video tungkol sa napanood na
Katarungang Panlipunan video?

https://www.youtube.com/watch?v=mJ42LK8PY1U Ipaliwanag ang


kahulugan ng
Katarungang
Panlipunan?
Pangkatang Gawain
PANGKAT 1: Broadcasting / News Report
Panuto: Ang mga bata ay magbabalitaan tungkol sa Minimum Wage Act

ANO ANG MINIMUM WAGE?


Ang minimum wage ay ang pinakamababang sweldo, ayon sa
batas, na maaring ibigay sa mga empleyado. Hindi pwedeng mas
mababa pa sa minimum wage ang ibibgay na sweldo sa mga
empleyado.
Sino ang nagtatakda nang Minimum Wage?
(a) Ang Congress of the Philippines;
(b) National Wage Productivity Commission (NWPC)
(c) Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB)?
Tandaan laman na kahit na may minimum wage, maaari paring
makipagnegosasyon ang mga empleyado sa kanilang employer
para mataasan ang kanilang sweldo.
Maari din na kahit na ang perang natatanggap nang mga
empleyado ay mababa sa minimum wage, KUNG may mga ibang
benepisyong mga pasilidad (facilities) na binibigay sa kanila at
kapag pinagsama ang perang natanggap at presyo nang pasilidad
ay aabot ito sa minimum wage. Tandaan lamang na ang presyo
nang pasilidad ay reasonable at walang kinikita ang employer
dito.
 Tungkol saan
ang batas
Minimum
Wage Act?
Pangkat 2: Dula-dulaan
Panuto: Gumawa ng dula-dulaan tungkol sa batas Public
Defender Act

Ang public defender act ay isang


batas na nagtatalaga sa isang
pampublikong abogado o
tagapagtanggol na magbigay ng
libreng serbisyo sa mga taong
inakusahan ng pagkakasala
ngunit hindi kayang magbayad ng
pampribadong abogado.
RUBRIKS
Pangkat 3: Sabayang Pagbigkas
Panuto: Bibigkasin ng sabay-sabay
ang batas Eight-Hour Labor Act.
(http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/e/02_2.pdf)
reference:

Oras ng trabaho at oras ng pagpapahinga Bilang alituntunin, hindi


dapat lalampas sa mahigit sa 8 oras sa bawat araw at 40 oras sa bawat
linggo ang oras ng trabaho. Hindi kasama sa oras ng trabaho ang oras
ng pagpapahinga, subalit kung isasaad ng employer na kasama sa oras
ng trabaho ang oras ng paghahanda bago ng trabaho at pagliligpit
pagkatapos ng trabaho, maaari itong makasama sa tinatawag na oras
ng trabaho. Kung lalampas sa 8 oras ang oras ng trabaho, kailangang
bigyan ang manggagawa ng higit sa isang oras na pagpapahinga o
overtime pay na hindi baba ng 25% ng kanyang sahod.
Pangkat 4: Pagsulat
Panuto: Magsulat ng isang talata tungkol sa batas
na Tenancy Act.

Gabay na tanong:
 Tungkol saan ang isinulat ng mga bata?

Ang batas na Tenancy Act ay tumutukoy sa mga bagay


tulad ng bahay o lupa na pinapaupahan ng mga
nagmamay-ari nito. May mga karapatang napaloob sa
pagpaupa. May kontratang kailangan mapagkasunduan
ang may-ari at ng mangungupahan.
Kung ikaw ay nagmamay –ari ng isang bahay
at nais mong paupahan ito kailangang
magkakaroon ikaw ng kontrata sa taong uupa
nito. Gumawa ng isang kontrata at ang
nilalaman nitong kasunduan.

Gabay na tanong:
 Tungkol saan ang isinulat ng mga bata?
Pagsusuri:
• Ano ang layunin ng Katarungang Panlipunan?
• Tungkol saan ang batas na Minimum Wage
Act?
• Sinu-sino ang pumapaloob sa batas na Eight-
Hour Labor Act?
• Ano ang kahalagahan ng batas Tenancy Act sa
mga umuupa at nagpapaupa?
• Sa iyong palagay, ano ang maitutulong ng
batas na Public Defender Act sa mga
manggagawa?
Paglalahat:

Ano ang layunin ng Katarungang Panlipunan?


Nakatutulong ba ang mga batas na ito sa pangangalaga
sa kapakanan ng mga mamamayan?

Layunin ng Katarungang Panlipunan o Saligang Batas


1935 na mabigyan ng pantay na mga karapatan ang mga
mamamayan. Malaki din ang naitutulong ng mga batas
na ito sa pangangalaga sa kapakanan ng mga
mamamayan at pagkakapantay-pantay.
Aplikasyon / Paglalapat

Sumulat ng isang talata


tungkol sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng
Katarungang Panlipunan.
Pagtataya:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

1.Ipaliwanag ang batas Eight-Hour Labor Act


2.Ibigay ang kahalagahan ng batas Tenancy Act?
3.Mgbigay ng sariling opinion tungkol sa batas
Public Defender Act?
4.Ano ang naitakda ng batas Minimum Wage Act?
5.Sa iyong palagay, ano ang naibunga ng
pagkakaroon ng Katarungan Panlipunan?
Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa patakarang


Homestead. Isulat sa kwaderno

You might also like