You are on page 1of 51

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKAT
IBO NG MGA
PILIPINO
ALAM MO BA!
 DELL HATHAWAY HYMES – mahusay,
kilala, maimpluwensyang lingguwista at
angthropologist na maituturing na isang “
higante” sa dalawang nabanggit na
larangan.
 Mas naging interesado sa simpleng tanong
na “ Paano ba makipagtalastasan ang isang
tao?”
 Ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang
pangkomunikatibo o communicative
competence na nakakaapekto nang malaki sa
mundo ng lingguwista
 Hinimok niya na pag-aralan ang lahat ng uri
ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng
usapan ng tao sa mesa, mito, alamat at
.

Kakayahang Pangkomunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na
matutuhan lang ang mga tuntuning
pangrgramatika. Ang pangunahing layunin sa
pagtuturop mng wika ay magamit ito nang wasto sa
mga angkop na sitwasyon upang maging maayos
ang komunikasyon, maipahatid ang tamang
mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang
dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito,
masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng
kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence at hindi lamang kakayahang
linggwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komnyunikeytor.
. Nagmula sa lingguist, sociolinguist,
anthropologist, at folklorist mula sa Portland
Oregon na si Dell Hymes noong 1966.Nilinang
nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz
ang konseptong ito bilang reaksyon sa
kakayahang lingguwistika na ipinakilala naman
ni Noam Chomsky noong 1965.
Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang
nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang lingguwistika o
gramatikal upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat
din niyang malaman ang paraan ng paggamit
ng wika ng lingguwistikang komunidad na
gumagamit nito upang matugunan at
. Simula nang maipakilala ito, maraming
pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas
ng mga dalubwika patungkol dito.
Sa pagtamo ng kakayahang
komunikatibo, kailangang pantay na
isinaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa
porama o kayarian (gramatika) ng wikang
ginagamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992)
Naniniwala si Dr. Fe Otanes (2002) na ang
paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang dulot nito sa mag-aaral,
na matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa at mapahalagahan ng
.
Ang kakayahang
pangkomunikatibo ay sumasakop
sa mas malawak na konteksto ng
lipunan at kultura. Ito’y ang wika
kung paanong ginamit at hindi
lang basta ang wika at mga
tuntunin nito (Shuy 2009).
Binigyang diin ni Dr. Hynes sa
kanyang mga katrabaho ang pag-
uugnay ng kultura sa wika. Itoy
kakaibang pananaw sa panahong
yaon subalit hindi siya nagpatinag
sa paniniwalang sa pagpapahayag
.
SILID-ARALAN ANG DAAN TUNGO
SA PAGLINANG NG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO NG MGA
PILIPINO
Sa mga silid-aralan nangyayari ang
pormal na pagkatuto ng wika. Ngunit
kung ang magiging tuon ng pagkatuto
ng wika ay para lamang maituro ang
kayarian o gramatika ng wika tulad ng
mga bahagi ng pananalita, bantas,
baybay, ponolohiya, morpolohiya at iba
pang teknikal na aspekto ng wika at
kung ang pagtataya ay nakapokus lang
sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit
A.
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
Natutunan natin ang isang wika buhat sa pakikinig
at pakikisalamuha natin sa komunidad na ating
kinabibilangan. Ito ang dahilan kung bakit hindi
inaaral nang pormal ng isang tao ang wika ng
kanyang komunidad ay nagagamit niya nang
tama ayon sa gramatika ng wikang ito.
Bagaman ang totoo, napapaigting ang kaalaman
sa wika, lalo na sa gramatika nito, kung mayroong
kaalaman ang nagsasalita nito sa mga pormal na
tuntunin sa gramatika ng wikang kanyang
ginagamit. Ito ang dahilan kung bakit habang
tumataas ang antas ng pag-aaral ng isang
estudyante, tumataas din ang kanyang
kakayahang lingguwistiko sapagkat kabilang ang
mga asignatura sa wika sa mga asignaturang
kanyang kinukuha. Sa kaso ng mga istudyanteng
Ano nga ba ang kakayahang lingguwistiko sa
Filipino?

- Sa paliwanag ni Savignon 1997, ito ay ang


kakayahang gramatikal sa kanyang
pinakaestriktibong kahulugan ayon sa
paggamit ni Chomsky (1965)
- Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika
sa lebel ng pangungusap.
- Nahahanay din ito sa kakayahang umunawa
sa morpolohikal, ponolohikal at sintaktik na
kakayahan ng wika at kakayahang magamit
ang mga ito sa pagbuo ng mga salita,
parirala, sugnay at mga pangungusap at
gayon din sa pagbibigay ng interpretasyon o
Kaalamang ponolohikal
- Ito ay tumutukoy sa pamilyaridad sa
tunog ng wika na makatutulong din sa
pagkilala sa mga salita na bumubuo sa
isang wika

Kaalamang Morpolohikal
- Kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang proseso na
ipinapahintulot sa isang partikular na wika. Sa
kaso ng Filipino, halimbawa ay ang paglalapi
na maaaring maging pag-uunlapi, paggigitlapi,
paghuhulapi, paglalaping kabilaan at
paglalaping laguhan.
Kaalamang Sintaktika
Kakayahang makabuo ng mga
makabuluhang pahayag mula sa pag-
uugnay sa mga salita na nakabubuo ng mga
parirala, mga sugnay at mga pangungusap.

Mahalagang Uri ng Ponema sa


Filipino

1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental
1. Ponemang Segmental – tumutukoy sa
mga indibidwal na tunog ng wikang
Filipino. Ang mga tunog na ito ay
nirerepresenta ng mga simbolong
ponemiko na halos katulad din ng titik

A. Patinig
b. Katinig
c. Diptonggo
d. Klaster
e. Digrapo
f. Pares-minimal
A. Patinig
a, e,i,o,u
/ / o tunog na schwa. Prominteng tunog
e
sa

wikang Ilokano.
Halimbawa:
/a/: aliw paso bira
/e/: eroplano sentimyento ate
/i/: ilog prito lalaki
/o/: orihinal propesor
e hilo
/u/: ulap duhat guru
/ /: anihin sabihin sinira
B. Mga Katinig

- 19 ang katinig sa Filipino.


Kinabibilangan ito ng mga
ponemang /b,d,f,g,h,j,k,l,m,n,ñ,
p r s t y z.
- Makikita ito sa inisyal, midyal
at pinal na posiyon ng mga
salita.
c. Mga Diptonggo
May mga tunog na nabubuo sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng
mga patinig at malapatinig na /w/
at /y/. Ang sikwens ng mga tunog na
ito ay tinawag na diptonggo.
Kabilang ang mga ponemang
/aw/,/iw/, /ay/, /iy/,/oy/, at /uy/.
Halimbawa: awtor, baliw, aybol,
eywan, kami’y,
langoy, kasuy- kasuyan
*Nagkakaroon lamang ng
diptonggo kung ang isang patinig at
D.Mga Digrapo sa Filipino

Sikwens ng dalawang katinig


ngunit may iisang tunog lamang.
Sa Filipino karaniwang
maririnig ito sa mga salitang
hiram ngunit maging sa mga
salitang taal ay maririnig na rin
ito dahil sa simplikasyon.
/ts/ : tsismis
/sh/: shabu peshen (Ibaloy)
E.Mga Klaster sa Filipino

Magkasunod na katinig sa isang


pantig at maririnig pa rin ang
indibidwal na ponemang katinig.
Kadalasang may klaster na hiram
sa banyagang wika.

/pw,py,pr,pl,tw,tr,ts,kw,ky,kr,kl,bw,
by,br,bl,dw,dy,gw,gy,gr, gl,mw, nw,
ny, lw, ly, rw, ry, sw, sy, hw, hy, wt,
wn, wl, yp, yt, yk, yb, yd, ym, yn,
yl, ys, rt, rk,rd, rn, rs, ls,sk, nt, ks
E.Mga Klaster sa Filipino
Mga ghalimbawa:
pwede braso laybrari
pyesablusa aplayd
Prito dwelobeysbol
plano drama fayl
twalya gwantes tsart
troso gradorekord
kwento globo nars
krus brawn-awt disk
klase teyp element
bwenas deyt keyk
F. Mga Pares-Minimal sa Filipino
Ito ay pares ng mga salita na
magkaiba ang kahulugan ngunit
magkapareho ang kapaligiran
maliban sa isang ponema
halimbawa:
/p/ at /b/: apo:abo
/t/ at /d/: tayo: dayo
/k/ at /g/: baka: baga
/m/ at /n/: mana: nana
/h/ at /s/: habi:sabi
/l/ at /r/: ilog:irog
2. MGA PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
Ito ay ang mga kaakibat na
tunog upang maintindihan ang
pahayag. Ang mga suprasegmental
na tunog ang diin, hinto at tono.
A. DIIN- tumutukoy sa empasis ng
salita o pahayag.
Halimbawa: tulugan – isang
pandiwang nagsasaad ng pang-
iiwan sa kasama sa pamagitan ng
pagtulog.
tulugan - pangngalan, na
Si Maria ay maganda – nais
bigyang diin na si Maria at hindi
ang ibang babae ang maganda.
Si Maria ay maganda. -
Binigyang diin ang kagandahan
ni Maria at hindi ang kanyang
ibang katangian.
b. HINTO – maaaring mahaba o
bahagyang paghinto sa mga
pahayag. Mahalaga ang paghinto
sapagkat nabibigyang pagkakataon
ang nakikinig o nagbabasa na
maunawaan ang pahayag
samantalang nabibigyang oras
naman ng tagapagsalita na pag-
isipan ang kanyang sinasabi.
Nakapagpapabago din ito ng
kahulugan .
Halimbawa: Hindi ako ang
pumatay! ( Pahayag ito ng pagtanggi
C. TONO – ito ay
tumutukoy sa damdamin ng
pahayag.
Halimbawa: Dumating na
ang Pangulo.
Dumating na ang
Pangulo?
BAHAGI NG PANANALITA:
MGA SALITANG
PANGNILALAMAN

1. MGA NOMINAL
A. PANGNGALAN- Nagsasaad ng
pangalan ng tao, bagay, pook
konsepto, at mga pangyayari.
(Camiella, Baras,bansa,
nasyonalismo etc.
B. PANGHALIP – Pamalit o
panghalili sa pangngalan. Panao o
Pamatlig o demonstratibo
( ito, iyan, iyon, nito, niyan,
noon, dito, doon, diyan.
Pananong o interogatibo
( sino, kanino, ano, saan,
ilan)
Panaklaw o indefinite ( sino
man, kanino man, ano man,
alin man, gaano man, paano
man.)
2. PANDIWA – nagsasaad ng kilos.
Ang mga pandiwang Filipino ay may
tatlong aspekto: (a) perspektibo o
tapos na sumulat (B) imperpektibo
o ginanaganap pa sumusulat at (C)
kontemplatibo o gaganapin pa
lamang susulat.
Mahalaga ding malaman ang
pokus ng pandiwa o ang relasyon ng
pandiwa ng berbal na panaguri sa
kanyang paksa o simuno. ( Aktor,
layon, bebepaktibo, direksyonal,
3. MGA PANURING
A. PANG-URI - mga salitang
naglalarawan sa pangngalan o
panghalip. Ito ay may kaantasan (a)
lantay: dakila (b) pahambing:
simbango (c) pasukdol:
napakahirap.

B. PANG-ABAY – Mga salitang


naglalarawan o nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-
abay. Ito ay nauuri sa (a)
BAHAGI NG PANANLITA: MGA
SALITANG PANGKAYARIAN

1. MGA PANG-UGNAY
A. PANGATNIG - ito ay mga
salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, o sugnay. ( at pati,
subalit, ngunit, dahil, bagaman,
datapwat )
B. PANG-ANGKOP - ito ay ang
mga nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan. (na, ng, g)
2. MGA PANANDA

A. PANTUKOY – mga salitang


laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip. ( si, sina, ang, ang mga)

B. PANGAWING - mga salitang


nagkakawing ng paksa at simuno.
( ay)
PAGBUO NG MGA SALITA

1. PAGLALAPI - Tumutukoy ang


prosesong ito sa paggamit ng
panlapi upang makabuo ng mga
bagong salita.
(a) pag-uunlapi o pagkakabit ng
panlapi sa unahan ng salita:
nagtapos
(b) paggigitlapi – pagkakabit ng
panlapi sa gitna ng salita: tinapos
(c) paghuhulapi- pagkakabit ng
(d) paglalaping kabilaan o
paglalagay ng panlapi sa unahan at
hulihan ng salita: nagpuntahan
(e) paglalaping laguhan o
paglalagay ng panlapi sa unahan,
gitna at hulihan.
nagsumigawan

2. PAG-UULIT – pag-uulit ng salita o


bahagi ng salita. (a) di – ganap:
sasayaw, uuwi (b) ganap : bahay-
bahayan , ang bilis-bilis ( c)
3. PAGTATAMBAL – tumutukoy sa
pagbubuo ng bagong salita mula sa
dalawang magkaibang salita.
a. pagtatambal na walang linker :
hampaslupa, pataygutom,
bahaghari

b. May linker: dalagang-bukid,


dugong-bughaw
PAGPAPALITA NG
PONEMA/GRAPEMA
1. PAGPAPALITAN NG D AT R
A. Kapag napangunahan ang d ng
isang pantig o salita na nagtatapos
sa a. Halimabawa: ang d ng dito ay
nagiging r sa narito o naririto.
Ngunit nanatili ang d kapag andito
o nandito.
B. Nagaganap sa pang-abay na
din, rin, daw at raw. Nagiging
rin/raw ang din/daw kapag ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig o malapatinig na w at y.

Halimbawa:
masaya rin ngunit malungkot din
Uupo raw ngunit aalis daw
okey raw ngunit bawal daw
ikaw raw ngunit pinsan daw
PAGBABAYBAY
1. Ginagamit ang walong titik sa
modernisadong alpabeto: c. f. j.ñ,
q, v, x,z sa pagpapanatili ng
kahawig na tunog sa pagsulat ng
mga salita mula sa katutubong
wika ng Pilipinas
alifuffug ( Itawes) –ipuipo
feyu (kalinga) – pipa na yari sa
bukawe o tambo
kazzing (Itawes) - kambing
2. Gagamitin din ang walong dagdag
na titik sa mga bagong hiram na
salita na salita mula Espanyol,
Ingles at iba pang wikang
banyaga.
wifi, selfie, cellphone, visa

3. Gagamitin din ang mga ito sa


panghihiram ng mga pangngalang
pantangi,. Katawagang siyentipiko,
akademiko at teknikal, at mga
salitang mahirap na dagliang
4. Maaaring ang ispeling ay batay
sa prinsipyong kung anung bigkas
siyang baybay nito maliban kapag
a. Nagiging katawa-tawa ang
anyo nito sa Filipino
b. Nagiging mahirap basahin ang
bagong anyo kaysa sa orihinal
c. Nasisira ang kabuluhang
pangkultura, panrelihiyon o
pampulitika ng pinagmulan
d. Higit na popular ang anyo sa
orihinal
KAALAMANG SINTAKTIK
Tumutukoy sa pagbubuo ng mga
parirala, sugnay at pangungusap na may
kabuluhan.
1. Ang pangungusap na Fiipino ay may
dalawang bahagi ang simuno o ang
paksa ng pangungusap at ang
panaguri na nagsasabi tungkol sa
paksa. May dalawang ayos ito
a. Karaniwang ayos: Naipadala ni
Camiella ang sulat. (Panaguri: naipadala
ni Camiella at ang simuno a: ang sulat)
b. Di-Karaniwang –ayos: Ang sulat ay
naipadala ni Camiella. ( Paksa: ang sulat,
2. Magagamit ng indibidwal ang
pangungusap ayon sa layunin:
pautos, pasalaysay, patanong
at pakiusap.
3. Magagamit ang pangungusap
ayon sa kompleksidad ng
pangungusap o pagbubuo ng
ibat ibang estruktura ng
pangungusap tulad ng (a)
payak (b) tambalan (c)
hugnayan (d) langkapan
4. May mga pangungusap na
walang paksa ngunit buo ang
diwa.
a. Pormularyong Panlipunan-
Magandang umaga
b. Eksistensyal - Wala na.
c. Penominal – Bumabagyo.
d. Pamanahon – Tag-init na naman.
e. Pahanga – Napakaganda.
f. Pautos – Kunin mo.
g. Pakiusap – Pakidala.
h. Sambitla – Aray!
i. Pagyaya – Tara na
j. Modal – Gusto ko rin.
MGA SALITANG MADALAS NA
PAGKAMALIAN NG MARAMI

ng at nang din at rin


kung at kong daw at raw
may at mayroon sila at sina
pa lang at palang ka ba at kaba
ka na at kana na rin
na raw na naman
pa naman sa’yo
sa’kin sa’tin
sa’min pa rin
na lang na ba
Mga Gawain

1. Tamang Baybay. Sumipi o


gumupit ng isang artikulo sa
magasin o pahayagang nakasulat
sa wikang Filipino. Basahin at
suriin ang kawastuhan sa
gramatika ng mga pahayag ayon
sa itinakda ng 2014 Edisyon Ng
Ortograpiyang Pambansa Ng
Komisyon Sa Wikang Filipino na
tinalakay sa aralin. Sundin ang
format.
Pangalan:______________________

Idikit o ilagay rito ang kopya ng


artikulo

Paliwanag/pagsusuri:
2. Pumili ng isang napapanahong
paksa. Sumulat ng talataan na
nagpapahayag ng inyong
paninidigan hinggil dito.
Tiyaking may tatlong talataan.
Sikaping maglahad ng basehan
at siguraduhin ang kawastuan
sa gramatika.
a. Hazing
b. Random Drug Testing
c. Epekto ng Social Networking
Sites sa Kabataan
d. Hidwaan sa Teritoryo ng
3. MOCK INTERVIEW. Humanap
ng kapareah sa klase.
Magsasagawa ng isang mock
interview. Bawat isaa ay bibigyan
ng pagkakataong maging taga-
interview at aplikanteng
iinterbyuhin sa loob ng 15
minuto.
Tayain ang kakayahang
lingguwistiko ng kinakapanayam gamit
ang mga sumusunod:
1- lubhang mababa sa inaasahan
2. Mababa sa inaasahan
KATEGORYA PUNTOS KOMEN
TO
Angkop nba ang ginagamit
na mga salita ng
iniinterbyu?
Makinis ba ang paggamit ng
wika at hindi palagiang
pagpapalit-palit mula sa
Filipino tungo sa Ingles ang
iniinterbyu?
Malinaw bang nabibigkas ng
iniiterbyu ang mga salita?
Napag-uugnay ba ng
iniinterbyu ang kaniyang
mga pahayag tungo sa
ikalilinaw ng kanyang
pananaw at paniniwala
KAHULUGAN:

18-20 Tanggap ka na!

15-17 May potensyal ka

12-14 Tatanggapin sana kita, kaya


lang….

11-pababaTatawagan ka na lang namin.

Matapos mabigyan ng pagkakataon ang


bawat isa na maging tagainterbyu at
matasa ang iniinterbyu, pag-usapan ang
kinalabasan ng gawain. Maging bukas sa
ano mang puna.

You might also like