You are on page 1of 34

Ibong Adarna

ANG KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG
KORIDO
Ang salitang KORIDO ay galing sa
salitang Mehikanong “corridor” na
nangangahulugang “kasalukuyang
pangyayari”,ang Mehikanong salitang
“corridor” ay mula naman sa kastilang
“Occurido” . Isang anyong ng tulang romansa
ang korido. Naglalarawan ito ng
pakikipagsapalaran sa buhay ng mga
kababalaghan at pantasya, nagpamalas ng
kagitingan, kabayanihan at pagmamaginoo.
Lumaganap sa Europa ang korido bilang isang
mataas na uri ng libangan. Sinasabing ang
korido ay batay sa mga alamat at kwentong
bayan sa Europa gaya ng Espanya, Gresya,
Italya, Germany, Denmark, Pransiya,Austria at
maging sa Tsina at Malay o Polenesia.
Nakarating ang korido sa Pilipinas
nang dalhin ito ng mga Kastila mula
sa Europa na ang layunin ay
mapalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo sa bansa. Mula sa
banyagang padron ang korido ngunit
pagdating sa Pilipinas ay
sinangkapan ito ng mga katutubong
kaugalian upang maitanghal ang
natatangi at naiibang kaligiran nito.
Kinagawiang basahin ng mga katutubo
ang korido dala na rin ng kawalan ng
iba pang anyo ng panitikang mababasa
noong panahon iyong sanhi na rin ng
kahigpitan ng mga paring kastila sa
pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t
ibang uri ng akdang maaaring basahin
ng mga tao. Hindi kailanman
pinahihintulutan ang pagkalat ng mga
babasahing hindi naglalaman ng
magandang pagtingin sa relihiyong
kanilang pinalaganap.
Bagama’t ang Ibong Adarna ay
itinuturing na hindi katutubo,
nagtataglay naman ito ng mga
halagang pangkatauhan at kaugaliang
taglay rin ng mga Pilipino gaya ng
pananampalataya sa Panginoon,
Pagmamahalan sa pamilya,
pagpapahalaga sa edukasyon,
pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa
nangangailangan, pagdiriwang,
pagtanaw ng utang na loob at marami
pang iba.
Kaya naman hanggang
sa kasalukuyan ay patuloy na
pinag-aaralan ito bilang
bahagi ng kurikulum sa unang
taon upang mapalaganap
hanggang sa susunod pang
henerasyon ang kalinangan ng
Kulturang Pilipino na taglay ng
koridong Ibong Adarna.
Isa-isahin natin ang ilang
mahahalagang kaalaman tungkol sa
Ibong Adarna bilang isang akdang
pampanitikan.
•Ang pangyayari ay nagaganap sa isang
kaharian.
•Ang pangunahing tauhan ay
dumaranas ng pakikipagsapalaran at sa
bandang huli ay nagbubunga ng
magandang kapalaran.
•Ang paniniwala sa pagpapala ng Diyos
ay lutang na lutang na siyang dahilan
ng pagtatagumpay ng pangunahing
tauhan.
•Ang ba tayang moral na “Ang masama
ay hndi kailanman magwawagi laban sa
kabutihan”ay kitang-kita sa loob ng
akda.
•Lutang na lutang sa ganitong akda ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng
malinis na kalooban.
•May antagonista at protagonista o ang
tinatawag na bida at kontrabida.
•Ito ay nasa anyong patula na
sumusunod sa tradisyon ng sukat na
wawaluhing pantig at tugma.
Mga Piling Tauhan sa Ibong
Adarna

You might also like