You are on page 1of 15

EPP HOME ECONOMICS

ARALIN 14:WASTONG PAGLILINIS


NG TAHANAN
Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masaya
at nagkakasundo na kasapi ng pamilya. Mula sa
magulang hanganag sa nakababatang kapatid ay
dapat na tulong –tulong sa pagganap ng tungkulin sa
pagpapanatili nang masinop, maayos at malinis na
tahanan.
MGA TANONG
1.Bilang kasapi ng pamilya ano ang maitutulong mo para sa
kalinisan ng inyong tahanan?
2.Ginagampanan mo ba ang iyong tungkulin para mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng sariling tahanan?
3. Ano ang naidudulot sa atin ang isang malinis na tahanan?
4. Bakit mahalagang malaman ang wastong paraan sa paglilinis ng
ating tahanan?
5.Gaano kayo kadalas maglinis sa inyong tahanan?
6.Paano mo ginagawa ang paglilinis?
7. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi tayu maglilinis ng sariling
tahanan?
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naglalarawan ng
malinis na tahanan.
1. Maayos ang
pagkakalagay ng
mga kagamitan sa
loob ng tahanan.
2. Makintab at walang
alikabok ang sahig, pati
mga kagamitan tulad ng
mesa, mga upuan at
palamuti.
3. Maaliwalas
4. Mabango ang
pakiramdam.
WASTONG PAMAMARAAN NG PAGLILINIS NG BAHAY

1.Pagwawalis-Gumamit ng walis tambo


sa pagwawalis ng sahig.
Dahan-dahan ang pgwawalis
upang hindi lumipad ang alikabok.
Simulan sa mga sulok at
tabi ng mga silid patungong
gitna ang pagwawalis.
Gumamit ng pandakot at
dakutin agad ang naipong dumi.
2. Pag-aalis ng alikabok- Ang mga
kasangkapan ay madaling
maalikabukan. Kailangang punasan
ang mga ito araw-araw.Ang
lumang damit o lumang kamesita
ay mainam gamitin kung malambot
at hindi nag iiwan ng himulmol.
Simulan sa mataas na bahagi ng
mga kasangkapan,pababa. Ang
mga dekorasyon at palamuti ay
kailangang punasan din.
3. Paglalampaso ng sahig
Gamit ang mop ang ginagawa
pagkatapos walisan ang sahig.
Basain at pigain ang mophead.
Ilampaso ito sa sahig sa pagitan
ng muwebles,sa sulok at ilalim ng
mesa at cabinet.Kapag marumi
na ang mophead banlawan ito at
pigain hangang maalis ang dumi.
3. Pagbubunot
Binubunot ang sahig upang kumintab.
Punasan muna ang sahig bago
lagyan ng floorwax.Gawing manipis
at pantay-pantay ang paglalagay.
Patuyuin muna ito bago bunutin.
Punasan ng tuyong basahan upang
lalong kumintab.
TANDAAN NATIN

Ang tulong-tulong na paggawa ng mag anak ay kailangan upang


maging malinis at maayos ang tahanan. Ang pagsunod sa wastong
paraan ng paglilinis ng tahanan ay may malaking maitutulong
upang makatipid sa oras,salapi at lakas.
GAWIN NATIN
Piliin sa kahon ang wastong karugtong ng pangungusap. Isulat ang titik
nito sa patlang. a. tuyong basahan d.sulok
b. dahan-dahan e.pababa
c. gitna f. binubunot
1.Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan.Kailangang
punasan ang mga ito ng_____araw-araw.
2.Ang sahig ay____upang kumintab.
3.Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang____upang hindi lumipad
anh alikabok.
4.Sa pagaalikabok,simulan sa mataas na bahagi ng mga
kasangkapan______.
5.Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa
mga______patungo sa gitna.

You might also like