You are on page 1of 17

AWITING-BAYAN AT

MGA URI NITO

PAHINA 154-155
AWITING-BAYAN
• Tinatawag ding kantahing-bayan
• Isa sa mga sinaunang panitikang Pilipino na
naging popular bago pa dumating ang mga Kastila
• Anyong patula na inaawit / karaniwang
lalabindalawang pantig
• Karaniwang paksa- pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa bayan
• Masasalamin- kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay
AWITING-BAYAN
• Umiiral na damdamin; kaligayahan sa tagumpay
at pag-ibig, kalungkutan sa pagluluksa at
kabiguan, galit sa gitna ng digmaan o labanan at
kapanatagan ng kalooban habang gumagawa ng
mga gawain.
• May iba’t ibang awiting-bayan para sa ibat ibang
okasyon o pagdiriwang.
BALITAW
• Awit ng pag-ibig na ginagamit sa
paghaharana ng mga bisaya.
KUNDIMAN
• Bersiyon ng mga awit ng pag-ibig
sa mga tagalog.
• Pananapatan-isa pang uri nito na
inaawit kapag dumadalaw o
nanghaharanan ang binata sa
kanyang nililigawan.
DALIT
• Awit na panrelihiyon o himno ng
pagkadakila sa Maykapal.
DIYONA
• Awitin sa panahon ng
pamamanhikan o sa kasal.
DUNG-AW
• Awit sa patay ng mga Ilokano.
KUMINTANG
• Awit ng pakikidigma o
pakikipaglaban.
KUTANG-KUTANG
• Mga awiting karaniwang inaawit sa
mga lansangan.
SOLIRANIN
• Awit sa paggagaod o pamamangka.
MALUWAY
• Awit sa sama-samang paggawa.
OYAYI O HELE
• Awiting panghele o pampatulog na
bata at tinatawag na lullaby sa
Ingles.
PANGANGALUWA
• Awit sa araw ng mga patay ng mga
Tagalog.
SAMBOTANI
• Awit ng pagtatagumpay.
TALINDAW
• Isa pang uri ng awit sa
pamamangka.
GAWIN NATIN
PAHINA 156

You might also like