You are on page 1of 84

MGA BATAYANG

KAALAMAN
SA PANANALIKSIK
LAWRENCE P. MENDOZA, MFil
Guro sa SHS
GAWAIN: Magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng pananaliksik gamit ang
concept mapping.

Pananaliksik
“The purpose of
research is to serve
man and the goal is
the good of life”
(Good at Scates, 1972, sa Bernales, et. al., 2008)
Ang research ay mula sa
matandang salitang Pranses
na recherche’ (galing sa
recercher) na ang ibig
sabihin sa Ingles ay to seek
out o to search again.
Ano ang Pananaliksik?

Ayon kay O’Hare at Funk (2000)


ang pananaliksik ay isang
pangangalap ng impormasyon
galing sa iba’t ibang hanguan sa
pamamaraang impormatibo at
obhetibo.
Ayon naman kina L. Brandon at K.
Brandon (2008) na nagsabing ang
papel pampananaliksik ay isang
mahabang sulating natutungkol sa
isang tiyak na paksa na may
tamang dokumentasyon ng mga
pinaghanguan ng datos at ideya.
Ayon naman kay Aquino (1974), ang
pananaliksik ay isang sistematikong
paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin.
Ayon naman kay Good (1963), ang
pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at
disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t
ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon.
Samakatwid, ang
pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap
ng datos/impormasyon
ukol sa isang bagay upang
lubusang maunawaan ito.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

 Makadiskubre ng mga bagong kaalaman


hinggil sa mga batid na
Halimbawa:

Ang niyog na tinatawag na “tree of life” ay maraming


gamit. Kamakailan lamang ay natuklasan ang tinatawag
na “Virgin Coconut Oil”. Ano ang kamangha-manghang
epekto nang pag-inom nito? May negatibo bang epekto
ito? Ang riserts ng mga siyentista ang makasasagot nito.
 Makakita ng mga sagot sa mga suliraning
hindi pa ganap na nalulutas.

Halimbawa:

Bagama’t may mga tuklas na gamot para sa


mga biktima ng HIV/AIDS, hindi pa ganap na
ganap ang pagsupil sa sakit na ito na patuloy na
lumalaganap. Kailangang makatuklas pa ng mga
bagong gamot na tuluyang pupuksa sa sakit na
ito.
 Makadevelop ng episyenteng instrumento,
kagamitan o produkto.

Halimbawa:

Kamangha-mangha ang imbensyon ng tao sa


kasalukuyang panahon – halos digital (pinipindot
ng daliri) computer, cellphone, fax machine,
internet, e-mail, wireless communication, laser at
mga gamit sa panggagamot. Ito ay produktong
imbensyon at lahat ay nagsimula sa riserts.
 Makatuklas ng mga bagong sabstans o
elemento at lalo pang makilala ang
kalikasan ng mga dati ng sabstans o
elemento (komposisyon o kabuuan ng
isang bagay).

Halimbawa:

Ano ang maaaring taglay na elemento ng mga


toxic, missiles, nuclear, lead na maaaring
pumuksa sa tao at kapaligiran, nasasagot ito ng
riserts.
 Makalikha ng mga batayan para
makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga
panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t
ibang larangan.
Halimbawa:

May mga “building code” na ngayon; permiso para sa


pagtatayo ng mga gusali, regulasyon sa
pagtaas/pagbaba ng pamasahe, buwis na maaaring ang
maging o magiging basehan ay ang mga pag-aaral o
riserts.
 Matugunan ang kuryositi, interes at
pagtatangka ng isang mananaliksik.
Halimbawa:

Ang lahat ng imbentor ay dumaraan sa proseso ng


pananaliksik – mula sa pangangalap ng datos hanggang
sa makalikha ng isang imbensyon. Ang lahat ng pag-
aaral ng MA at Doctoral ay naghahanap ng solusyon sa
inilalatag nilang riserts proposal. Bakit nga ba may test
tube babies, human cloning at kung anu – ano pang
nagaganap sa mundo? Lahat ng iyan ay bunga ng
pananaliksik.
 Madagdagan, mapalawak at maverify ang
mga kasalukuyang kaalaman.

Halimbawa:

Sa mga riserts umuunlad ang sibilisasyon.


Iba’t ibang modelo ng kotse, aplayanses,
makina, elektronikong kagamitan at sari-
saring imbensyon ang lumalabas at nalilikha.
Bunga ito ng mahabang panahon ng
pananaliksik.
KATANGIAN NG MAHUSAY
NA RISERTS

 Sistematiko

May sinusunod na proseso/hakbang


tungo sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon ng suliranin, o ano pa mang
layunin ng pananaliksik
 Kontrolado

Konstant ang mga varyabol sa


pananaliksik. Di dapat baguhin ito
upang kung may pagbabagong
magaganap sa sabjek na pinag-
aaralan ay maiugnay sa eksperimental
na varyabol. Ito ay kailangang gawin
lalung-lalo na kung eksperimental ang
pananaliksik.
 Empirikal

Ang mga datos na nakalap ay


maaaring i-verify o isabjek sa
eksperimentasyon. Ito ang ginagawa
kapag ang mga datos ay empirikal
sapagkat base lamang sa
obserbasyon at karanasan ang mga
ito.
 Analitikal at Kritikal na
Pagsusuri

Kailangang suriin nang maingat ng


mananaliksik ang mga nakalap na
datos, partikular ang mga sagot sa
navalidate na talatanungan
“questionnaire” upang mabigyan niya
ng tamang interpretasyon.
 Obhektibo, Lohikal, at Walang
Pagkiling

Isang pagtinging walang “biases”,


walang manipulasyon, lohikal na
inihahanay at walang pagkiling sa
kalalabasan. Ang resulta (findings) ay
kailangang totoong natuklasan sa mga
sagot ng respondents at interbyu ng mga
kasangkot sa pag-aaral.
 Kwantiteytiv o Istatistikal na
Metodo
Numerikal ang presentasyon upang masuri ang
kantidad ng mga nakasaad na datos. Gumagamit ng
mga statistical treatment sa pag-aanalays ng mga
bilang upang ipakita ang kahalagahan, gamit at kung
bakit ito (treatment) ang gagamitin sa riserts.
Mahalagang iispesifay kung sampung porsyento, tatlo
sa sampung mag-aaral (ratio); sampung tanong bawat
respondents (distribution). Isang pagtiyak/pagtaya sa
tamang bilang na malinaw na maiintindihan sapagkat
kwantifayabol.
 Akyurasi ng Investigasyon,
Deskripsyon at Obserbasyon

Ang isang siyentipikong paglalahad ang


isinasagawa sa riserts. Kailangan ang
katumpakan sa pagsasabi ng natuklasan.
Walang hinuha, agam-agam at alinlangan
sa sinasabi. Ang katibayan, ebidensya ay
bunga ng isang siyentipiko at
sistematikong pag-aaral.
 Orihinal na akda na
matiyagang isinasagawa at
sinusulat sa iskolarling
pamamaraan

Likha at sarili ng manunulat ang


kanyang riserts na kinuha ang mga
resulta mula sa mga pangunahing
sources at mga sanggunian o
hanguan first – hand.
KATANGIAN NG ISANG
MABUTING MANANALIKSIK
Ayon kay Lin (2002), kailangang maging
mausisa, agresibo, at bukas ang isipan.

Ayon naman kay Salloum (2007),


kailangang ang mananaliksik ay maging
matiyaga, at maging mapagmatyag sa
mga datos.
Ayon naman kina Bernales. et.
al., (2008), ang sumusunod
ay mga katangian ng isang
mabuting mananaliksik:
masipag, matiyaga, maingat,
sistematiko, at
kritikal/mapanuri.
PANANAGUTAN NG ISANG
MANANALIKSIK
Bilang isang mananaliksik, ang ETIKA ay
kaakibat ng INTEGRIDAD sa pagsulat nito.

Ayon kina Phurr at Busemi (2005), ang


paggamit ng ideya o salita na hindi
nabibigyan ng karampatang pagkilala ng
pinaghanguan ng ideya at/o salita ay isang
seryosong krimen na tinatawag na
PLAGYARISMO.
Ang simpleng pagkopya
(cut/copy and paste) ng mga
materyales sa internet o di
kaya ay ang pag-uulit sa isang
ideya na narinig/nabasa ay
plagyarismo, sinasadya man o
hindi.
Dito sa Pilipinas, ang plagyarismo ay
paglabag sa R.A. 8293 o Intellectual
Property Code of the Philippines na may
kaparusahang pagkakakulong at/o
pagmumulta ng halaga.
Kung ang plagyarismo ay matuklasan at
mapatunayan at nakatapos na ang mag-
aaral sa kursong kinuha, ang naturang
mag-aaral ay maaaring matanggalan din
ng digri.
ILANG TAGUBILIN NA KAILANGANG
ISAALANG-ALANG UPANG MAIWASAN ANG
PLAGYARISMO:
 Bawat hiram na termino at ideya ay
gawan ng karampatang tala at
pagkilala ng pinaghanguan.

 Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin


ang mga ito at bigyan ng karampatang
pagkilala.
 Huwag magkubli ng mga datos para
lamang palakasin o patibayin ang
argumento o para ikiling ang pag-aaral
sa isang partikular na pananaw.

 Tiyaking mapaninindigan ang lahat ng


interpretasyong binuo batay sa
kanyang masinop at maingat na
pagsusuri ng kanyang mga datos na
nakalap.
 Ang datos na nakalap na nasa
ibang wika na isinalin sa wikang
Filipino ay bigyan ng karampatang
pagkilala upang mabatid na ito ay
salin at hindi orihinal

 Tiyakin ding mabigyan ng pagkilala


ang inspirasyon ng isang himig,
tono, o ideya.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

 Preliminaring Pahina

 Fly leaf – isang balangkong papel na


walang nakasulat.

 Pahina ng Pamagat – nagpapakilala ito ng:


pamagat ng riserts; kanino inihaharap o
ipinapasa ang riserts; kung saang
asignatura o kurso nabibilang ito; kung
sino ang mga mananaliksik, at ang
panahon kung kailan natapos.
 Dahon ng pagpapatibay – pahina ito para sa
pagkukumpirma o pagpasa at pagtanggap ng
papel ng tagapayo.
 Dahon ng pasasalamat – iniisa-isa rito ng
mananaliksik ang mga tao, organisasyon,
institusyon o tanggapan na nakatulong sa kanya
sa panahong siya’y nagririserts.
 Talaan ng Nilalaman – nakasulat dito ang
nilalaman ng papel at kaukulang pahina kung
saan ito matatagpuan.
 Talaan ng mga Talahanayan, Graf – nakalista ang
lahat ng talahanayan at graf na ginagamit sa
riserts at ang kaukulang pahina kung saan ito
matatagpuan.
 Ang Nilalaman ng Papel Pananaliksik

 Kabanata I

• Panimula o Introduksyon – isang


maikling talataang tumatalakay sa
pangkalahatang paksa ng pananaliksik.
• Bakgrawnd ng Pag-aaral – isang
pagtukoy sa kaligiran ng paksang pinag-
aaralan.
• Theoretikal Framework – inilalahad dito
ang mga teoryang maaaring maiugnay
sa ginagawang pag-aaral.
• Konseptwal Framework – sarili ng
manunulat ito. Ano ang nabuong konsepto
batay sa kanyang pag-aaral.
• Paglalahad ng Suliranin – inilalahad dito ang
pangkalahatang suliranin o dahilan kung
bakit isinasagawa ang pag-aaral. Iniisa-isa
rin ang mga ispesipikong suliranin na
tutugunan ng pag-aaral.
• Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral –
inilalahad ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Anong mga varyabol ang
kasama at di-kasama sa pananaliksik.
Tinitingnan dito ang parameter ng pag-
aaral.
• Kahalagahan ng Pag-aaral – pinapakita
dito kung kanino mahalaga ang isang
pag-aaral.

• Depinisyon ng mga Salitang Ginamit –


inililista rito ang mga salitang ginamit sa
pag-aaral. May dalawang bagay na
binibigyang-pansin sa pagbibigay ng
kahulugan – una, maaaring konseptwal
ang kahulugang ibinibigay ayon sa
istandard na depenisyon o konsepto;
ikalawa, operasyunal ayon sa
pagkakagamit sa pag-aaral.
 Kabanata II – Rebyu ng mga
Kaugnay na Literatura at Pag-
aaral

• Mga Literatura at Pag-aaral sa Labas


ng Bansa – ang lahat ng literatura at
pag-aaral sa labas ng bansa ang
magiging salalayan niya sa mga
kaugnay na pag-aaral at literatura.
Isinasama ang mga naunang pag-
aaral – ang disenyo ng pag-aaral,
layunin at resulta.
• Mga Literatura at Pag-aaral na
Lokal – ang mga aklat, journal,
lathalain, at iba pang sanggunian
na pinagkuhanan ng mga
tala/datos na may kaugnayan sa
pag-aaral ay inilalahad dito. Ang
mga pag-aaral na naisagawa na ay
binabanggit din kasama ang awtor,
disenyo ng pananaliksik, resulta at
layunin.
• Mahalagang gamitin ang pag-aaral at
literaturang tutukuyin na bago. (hangga’t
maaari ay nalimbag sa loob ng huling
sampung taon). Mahalagang maipakita ng
mananaliksik ang kalagayan o estado ng
kaalaman kaugnay ng kanyang pag-aaral.
Kailangang maisaalang-alang ang mga
sumusunod sa mga materyal na
gagamitin:

• Objektiv
• Relevant o mahalaga sa pag-aaral
• Kasapatan (di-marami at di-naman
kaunti)
 Kabanata III – Disenyo at Metodo ng
Pananaliksik

• Disenyo ng Paglalahad – tinatalakay rito


ang uri ng pananaliksik na ginamit
(deskriptiv, analitik, eksperimental, case
study, komparativ, evalwativ, kwaliteytiv,
at iba pa.)

• Populasyon – tinatalakay rito ang lawak o


sakop na bilang ng populasyon, ang
sample size.
• Respondents – tinatalakay kung sino
ang mga respondents – ang kanilang
deskripsyon o profayl, ilan, bakit at
paano sila pinili.

• Instrumento ng Pananaliksik –
inilalahad dito ang mga bahaging
nakapaloob sa instrumento
(talatanungan) maging ang
interbyu/pakikipanayam na
isinagawa.
• Prosidyur sa Pangangalap ng Datos –
inilalahad dito ang hakbang na isinasagawa
– kung paano at bakit ginawa ang bawat
hakbang.

• Istatistikal Tritment ng Datos – ang mga


istatistikal na paraan na ginamit sa
paglalarawan ng mga numero o “figures”
ay ginagawa rito upang ang numerical na
datos ay mailarawan. Kumukunsulta sa
mga istatistisyan sa bagay na ito upang
matanto ang uri ng istatistiks na dapat
gamitin sa pag-aaral.
 Kabanata IV – Presentasyon
at Interpretasyon ng mga
Datos

• Inilalarawan dito ang mga datos


sa pamamagitan ng tabular o
grafik na presentasyon. Sa
teksto, inilalahad ang analisis o
pagsusuri sa lahat ng
presentasyon.
 Kabanata V
Lagom, Kongklusyon at
Rekomendasyon

• Lagom – sa isang
komprehensibong talakay ay
binubuod ang mga datos at
informasyong nakalap sa
Kabanata III.
• Kongklusyon – ang kinalabasan ng
pag-aaral ay binibigyan ng
inferences, abstraksyon,
implikasyon, interpretasyon, at
pangkalahatang paglalahad; sa
madaling salita, ng kongklusyon.

• Rekomendasyon – ito ay ang mga


mungkahing solusyon,
rekomendasyon, suhestiyon para
sa mga suliraning
natukoy/natuklasan sa pag-aaral.
GAWAIN:
 Ano ang pananaliksik?
 Ano-ano ang mga katangian ng isang
mabuting pananaliksik at mananaliksik?
 Kailan matatawag na ang isang
pananaliksik ay may mabuting kalidad?
 Magbigay ng dalawang bagay na dapat
pakaingatan bilang isang mananaliksik.
 Kailan matatawag na guilty ng
plagyarismo ang isang mananaliksik?
PAGPILI AT
PAGLILIMITA
NG PAKSA
SURIIN ANG LARAWAN

Magbigay ng limang paksa batay sa inyong


pagkakasuri o pagkakaunawa sa larawan
Ang unang hakbang sa pagbuo ng
pananaliksik ay ang PAGPILI NG PAKSA.
Ito rin ang bahaging pinakamahirap
simulan dahil hindi sapat na gusto mo
lamang o kabilang sa mga hilig mong
gawin ang nais isulat. Kailangan din ng
magandang dahilan kung bakit ito ang
napiling saliksikin upang maipakita ang
kahalagahan nito at ang maiaambag
nitong kaalaman.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng
Paksa:

 Interes at kakayahan – dahil ang kalikasan


ng pananaliksik ay ang aktwal na
pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo
ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa
hilig mo ang paksang nais saliksikin.

 Pagkakaroon ng mga materyal na


magagamit na sanggunian.
 Kabuluhan ng paksa
 Limitasyon ng panahon
 Kakayahang pinansyal
Hangga’t maaari, iwasan ang mga
paksang may kaugnayan sa sumusunod:

 Mga pinagtatalunang paksa na may


kinalaman sa relihiyon at usapin ng
moralidad na mahirap hanapan ng
obhektibong pananaw at nangangailangan ng
maselang pagtalakay.
 Mga kasalukuyang kaganapan o
isyu dahil maaaring wala pang
gaanong materyal na magagamit
bilang saligan ng pag-aaral.

 Mga paksang itinuturing nang


“gasgas” o gamit na gamit sa
pananaliksik ng mga mag-aaral.
PAGLILIMITA NG PAKSA: Suriin ang
dalawang sisidlan. Ibigay ang obserbasyon
tungkol sa mga ito. Paano maihahambing ang
dalawang sisidlan sa paglilimita ng paksa
para sa pananaliksik?
 Ang malapad ngunit mababaw na
sisidlan ay tulad ng isang malawak
na paksa. Marami kang maaaring
sabihin tungkol sa iyong napiling
paksa dahil malawak ang
nasasakupan nito kaya may
malaking posibilidad din na maging
mababaw ang pagtalakay dahil
wala itong tiyak na dapat
pagtuunan ng pansin.
 Samantala, ang sisidlan na
makitid subalit malalim ay
katulad din ng isang paksang
nilimitahan. Dahil ang paksa ay
espisipiko, higit na may lalim
ang pagtalakay dito sapagkat
tiyak ang bahaging
pagtutuunan ng pansin at
tatalakayin.
MGA ELEMENTONG
MAKAPAGLILIMITA NG PAKSA

 Panahon
 Uri o kategorya
 Edad
 Kasarian
 Lugar o espasyo
 Pangkat o sektor na kinasasangkutan
 Perspektiba o pananaw
Halimbawa:

Paksa: Teknolohiya at Kabataan

 Perspektiba

Nilimitahang paksa: Ang Epekto ng


Teknolohiya sa
mga Kabataan
 Panahon

Nilimitahang paksa: Ang Epekto ng


Internet at
Smartphone sa paggamit ng
social media
mula noong 2010
hanggang sa kasalukuyan.
 Uri

Nilimitahang paksa: Epekto ng


pagsasalarawan ng
lipunan at media sa
kagandahan
 Edad

Nilimitahang paksa: Ang persepsyon ng mga


kabataan mula edad 16
hanggang 18 sa impluwensiya ng
Facebook

 Kasarian

Nilimitahang paksa: Ang epekto ng


paglaganap ng teknolohiya
sa sektor ng kababaihan.
 Lugar

Nilimitahang paksa: Ang epekto ng social


media sa mga mag-aaral ng
Naga National High School

 Pangkat

Nilimitahang paksa: Persepsyon ng mga mag-


aaral ng Naga National High
School sa paglaganap ng social
media
Maaaring gamitin sa
paglilimita ng paksa
ang kombinasyon ng
iba’t ibang elemento
upang higit itong
maging espisipiko.
 PAGSASANAY

Limitahin at gawing espisipiko ang


paksa: “Pagte-text at pagkatuto
ng mga kabataan” gamit ang
elementong nakapaglilimita ng
paksa
 GAWAIN:
Punan ang hanay bilang gabay sa
pagkakaroon ng buong paksa na gagamitin sa
pananaliksik

Paksa o ideya
Tanong sa Pananaliksik 1.
2.
3.
4.
5.
Mga ginamit na elemento sa
paglilimita ng paksa
Nilimitahang paksa gamit ang
iba’t ibang elemento
PAGBUO NG
KONSEPTONG
PAPEL
 GAWAIN:
Punan ng angkop na datos ang graphic
organizer upang maipakita ang pagkakasunod-
sunod ng proseso at kabuuang ideya.

PAGKAHUMALING SA INTERNET

Impluwensiya ng
Teknolohiya

Sino-sino ang
naiimpluwensiyahan?

Ano-ano ang
ibinubunga nito?
Bilang panimulang
gawain sa pananaliksik,
mahalagang paghandaan
ang pagbuo ng isang
konsepto.
Ano ang Konsepto?
 Isang plano na nagpapakita kung
ano at saang direksyon patungo
ang paksang nais pagtuunan.

 Mahalagang ilahad kung paano


isasakatuparan ang napiling paksa
bago nang pagsasagawa ng
mismong pananaliksik.
Ano ang Konseptong Papel?
 Tinatawag itong pang-unang
mungkahing papel, na panimulang
mahalagang hakbang bago
magpatuloy sa pagsusulat.

 Nagsisilbi itong gabay upang


maipakita ang potensyal ng
gagawing pag-aaral.
MGA BAHAGI NG
KONSEPTONG PAPEL
 Pahinang Nagpapakita ng Paksa.

 Ang pamagat ng konseptong


papel ay kailangang ganap na
naglalarawan ng pinakabuod ng
manuskrito.
Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta
Tentatibong
sa Seguridad
paksa

Isinumite sa Departamento ng Environmental


Science Bilang bahaging pangangailangan sa
asignaturang Biotechnologgy

Isinumite ni

Juan Dela Cruz May-akda


Grade 12 – Oxygen

Isinumite kay

Prop. Rosemarie Tiongson Guro

Taon kung kailan


2015 natapos isulat
ang pananaliksik
 Kahalagahan ng Gagawing
Pananaliksik (Rationale)

 Tinatalakay sa bahaging ito ang


saligan o batayang dahilan sa
pagsasagawa ng pananaliksik
upang maipahiwatig na rin ang
kahalagahan ng gagawing
pananaliksik.
 Makikita rito ang paglalahad
ng suliranin bilang
pagpapakilala sa proyektong
nais simulan.

 Nakatala rito ang


mahahalagang impormasyon
tungkol sa paksa at
pinagmulang ideya.
 Ang mga suportang
dokumentasyon katulad ng mga
datos at estatistika ay maaaring
banggitin upang mabigyang-diin
ang pangangailangang
maisakatuparan ang
pananaliksik.

 Ilahad kung bakit mahalaga ang


gagawing pananaliksik.
 Iugnay ito sa mga nauna nang
pag-aaral pati na ang mga
teoretikal at praktikal na
implikasyon ng proyekto.

 Bahagi rin ng Rationale ang mga


kaugnay na literatura na siyang
nagpapatatag sa pananaliksik.
 Layunin

 Sa bahaging ito inilalahad ang


nais makamit sa pamamagitan
ng pananaliksik.

 Ito ang tinutukoy na adhikaing


nais patunayan, pabulaanan,
mahimok, maiparanas, o
ipagawa ng pananaliksik
 Isinusulat ito bilang mga pahayag
na nagsasaad kung paano
masasagot o matutupad ang mga
tanong sa pananaliksik.

 Kapag natapos nang isulat ang


buong pananaliksik, alalahaning
balikan ang mga layunin at
siguruhing natupad o nagawa nga
ang mga ito.
 Kung hindi nasagot sa
kongklusyon ang mga
layunin, maaaring hindi
nasunod ang wastong
proseso, lumihis sa pokus
ng pananaliksik, o naiba
ang tunguhin nito.
Paano bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay


kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag
ang mga tanong sa pananaliksik. Sa
pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik,
mahalagang isaalang-alang ang
sumusunod:

 Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o


maliwanag na nakalahad kung ano ang
dapat gawin at paano ito gagawin.
 Makatotohanan o maisasagawa

 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng


mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang
tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag


ng proseso:

Matukoy Maipaliwanag Masuri


Mailarawan Maiulat Makabuo
Maihanay Makapaghulo Makagawa
Makilala Maibuod Masukat
Mailahad Magamit Makapag-organisa
Maisa-isa Mapili Makapili
Maihambing Masaliksik Makatalakay
 Metodolohiya

 Tinutukoy rito kung paano


maisasakatuparan ang proyekto.

 Ibigay ang pangkalahatang


ideya ng metodolohiyang
maaaring gamitin. Kabilang dito
ang lahat ng mga makabagong
dulog, teknik, o mga proseso.
 Anong paraan ng pangangalap
ng datos ang balak gamitin para
sa pananaliksik? Siguruhing
magkaugnay ang mga layunin at
metodo.

 Ilakip din ang iskedyul ng


pananaliksik, kung kailan ito
sisimulan, at kung kailan ito
inaasahang matatapos.
 Inaasahang Bunga

 Nakalahad dito kung sino


ang makikinabang sa
proyekto. Nakalahad din
kung ano ang inaasahan sa
proyekto at paano ito
mapakinanabangan.
 Mga Sanggunian

 Ilista ang mga sangguniang


ginamit sa pagkuha ng
paunang mga impormasyon,
ang mga sangguniang
maaaring magamit, at
nabanggit sa mga kaugnay
na pag-aaral.

You might also like