You are on page 1of 90

ALAALA

NI
LAURA
(saknong 26-68)
 Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng
Langit, basta maaalala siya ng puso ni Laura.
 Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang alaala ni Laura
ang bumubuhay sa kanya.
 Matutuwa si Florante nang lubos kung iniisip siya ni
Laura. Yaon nga lamang, nalulungkot siya nang lubos
gawa nang pagtataksil.
 Iniisip ni Florante siya’y patay ng nakagapos sa
may puno.
 Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang
alaala ng mga nakaraan, mga dati niyang luha sa
bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan
ang kahirapan.
 Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon
na tahimik na ang aking sinta at may kapiling nang
iba.
 Gusto nang mamatay ni Florante sa tuwing naiisip
niya na magkasama si Laura at Konde Adolfo.
 Dito tila namatay si Florante sa lahat ng sakit at
hinagpis na kanyang nadarama.
 Mababakas sa buong katawan ni Florante ang
hirap na kanyang dinanas, mga marka ng sugat na
tila nakaukit sa kanyang balat mulo ulo hanggang
paa.
 At kung sinuman ang makakikita sa kalagayan
ni Florante, ang taong iyon ay mahahabag sa
kalagayan ng binate.
 Kahit ang taong tila tuyo na ang mga mata sa
pag-iyak, muling luluha kung makita nila si
Florante.
 Malalim na awa ang mararamdaman ninumang
makarinig sa mga daing at tunog na galing sa
paghihirap ni Florante.
 Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang
sumasagot sa kanya ay mga alingawngaw.
 Tinatanong ng binata sa hangin kung bakit tila kinalimutan
ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
 Sinusumbat kay Laura ang sumpa ng kanilang
pagmamahalan. Naging tulala, hindi maisip kung bakit ito
nangyayari sa kanila at kung bakit nagtaksil ang aking sinta.
 Akala ko’y buo ang pagmamahalan natin. Hindi
akalain na sa kabila ng kagandaha’y may
nakatagong pagbabalatkayo.
 Hindi inakala na ang mga luhang iniyak noon ni
Laura ay walang saysay.
 Naaalala noong gumawa ang aking sinta ng
sagisag para sa akin, mga mata’y buhay na buhay.
 Alalang-alala ko pa noong ika’y gumawa ng aking
plumahe (para sa ulo/helmet).
 Maraming beses noong inabot ni Laura ang
bandana ni Florante, basa sa mga luha sapagkat
alalang-alala siya sa kapakanan ni Florante sa
digmaan.
 Tinitingnan dati ni Laura ang baluti (armor) ni
Florante at baka may kalawang na ito. Ayaw ni
Laura na marumihan ang damit ni Florante.
 Kapag tumitingin si Laura sa hukbo mula
sa malayo agad niyang hinahanap si
Florante.
 Yaong turbante ni Florante ay may
dyamanteng hugis letrang “L”.
 At kapag bumabalik na si Florante mula
sa digmaan, hindi pa rin mapalagay si
Laura.
 Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi
niya nakita at nahugasan.
 At kung may gumugulo sa isipan ni Florante,
tatanungin ni Laura kung ano iyong bagay na yon? At
habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ito.
Hahalik sa pisngi ni Florante ng Paulit-ulit.
 Kung tahimik si Florante, dadalhin lamang siya ni
Laura sa hardin upang maaliw sa mga bulaklak doon.
 Ilalagay ni Laura ang mga magagandang bulaklak
sa leeg ni Florante at hindi titigil hangga’t hindi
niya naaalis ang anumang nagbibigay lungkot kay
Florante.
 At kung malungkot pa rin si Laura iiyak.
Hinahanap na ngayon ni Florante ang dating
pagmamahalan nila.
 Hinahanap ni Florante si Laura ngayon at malapit
na siyang mamatay.
 Kahit isang patak ng luha mula kay
Laura, sapat na iyon para kay Florante.
 Pinapahanap ngayon ni Florante kay
Laura ang kanyang mga sugat sa katawan.
 Pinapapalitan ni Florante kay Laura ang
kanyang mga maruruming damit.
 At kung titingnan ngayon ni Laura si Florante,
mapahahaba pa niya ang buhay nito.
 Para kay Florante tanging kanyang sinta lamang
ang may kakayahang magpagaling at muling
magbigay buhay sa kanya.
 Subalit para kay Florante, wala si Laura dahil
ito’y nagtaksil sa kanya.
 Iba na ang kasama’t kayakap ni Laura para
kay Florante.
 Wala ng kaibigan si Florante at tila ako’y
nilimot pa ng aking sinta.
 Masakit ang kalooban, nalulungkot sa
pagkawala ng aking ama, nagseselos dahil kay
Laura at masakit na masakit ang aking
damdamin.
 Ang pinakamasakit sa lahat ng aking sugat at hinagpis
yaong pagtataksil ni Laura sa akin.
 Magpapasalmat kay Konde Adolfo kung lahat ng hirap ay
gawin sa akin huwag lamang ang pag-agaw sa puso ni
Laura.
 Umiyak nang malakas si Florante na umalingawngaw sa
buong gubat ang kanyang paghihirap.
 Tila patay na si Florante sapagkat maputla ang kanyang
mukha.

You might also like