You are on page 1of 10

MAGANDANG UMAGA

BAKIT KAILANGAN
NINYONG MAKINIG NG
MABUTI?
Ang makrong kasanayan sa pakikinig ay
isang mabilis at mabisang paraan
ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa
kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang
ibayong konsentrasyon sa pag-unawa,
pagtanda at paggunita sa narinig.
Batay sa pag-aaral, ang mga mag-aaral sa loob
ng silid-aralan ay mas gusto
pa ang pakikinig sa talakayan sa guro at kapwa
mag-aaral kaysa aktibong
makilahok.
45% ay nagagamit sa pakikinig; 30% sa
pagsasalita; 16% sa pagbasa at
9% naman sa pagsulat.
BAKIT KA NAGBABASA? BAKIT
KAILANGANG BASAHING MABUTI
ANG ISANG TEKSTO?
Ang makrong kasanayan naman sa pagbasa ay
pagtanggap ng mga mensahe
sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at
simbolismong nakalimbag sa pahina. Ayon kay
Toze, ang pagbabasa ay nagbibigay
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
karunungan.

You might also like