You are on page 1of 9

Kakayahang

Estratehikal

PALINES, KAMI KATZEMBERG


PALINES, ROCHELLE JOY S.
SINGH, JAGJIT
Kakayahang Estratehikal
◦ Ay ang kakayahang makilala at maisaayos ang anumang
suliranin na maaaring naging bunga ng sagabal sa proseso
ng komunikasyon. Hindi maaaring isawalang-bahala ang
presensya ng mga posibleng sagabal sa komunikasyon na
maaaring magbunga ng negatibo. Ang kakayahang
estratehikal ng isang ispiker ay ang pagkakaroon niya ng
kakayahang maisip, bago pa man mangyari, ang posibleng
suliranin sa usapan at agad nang gagawan ng solusyon.
Halimbawa ay alam ng ispiker na mahirap
ang kanyang paksa kung kaya’t sa daloy ng
kanyang pagsasalita ay nagbibigay siya ng
mga pahayag na makakatulong sa kanyang
kausap sa pag-unawa. Maaari rin na sa
sandaling nagaganap ang komunikasyon at
may mga sagabal na pumapaimbabaw,
gagawan ng paraan ng ispiker na mabigyan
ng tugon ang mga ito.
Nabanggit sa Teaching goals ang methods
(2004) sa kakayahang estratehikal, ang tanong
ay: Paano ko malalaman kung hindi ko
naunawaan ang mensahe o kung ang mensahe
ko ay di naunawaan? Ano ang aking sasabihin
upang maunawaan ako? Paano ko mailalahad
ang nais kong sabihin kung hindi ko alam kung
ano ang wastong salita?
Kakayahang Estratehikal
Masusukat ang kakayahan ng isang ispiker na maging
sensitibo di lamang sa kanyang kausap ngunit maging sa
buong konteksto kung saan at kalian nagaganap o
magaganap ang usapan.Kabilang din dito ang kanyang
kakayahang maging mapanuri kung saan matapos ng usapan
nagagawa niyang muling balikan sa kanyang isipan ang
katatapos na usapan at bibigyang-pansin kung saan naging
matagumpay ang usapan at kung ano-ano ang mga naging
suliranin nang sa gayon,sa hinaharap ay maiiwasan ito
Binanggit din ni Sinoicic (n.d) na ang kakayahang
estratehikal ay ang kakayaha ng ispiker na mapanatili
ang maayos na daloy ng komunikasyon sa pagitan
niya at ng kausap ng tao sa pag kakataong tila nag
kakaroon ng breakdown sa komunikasyon. Nabanggit
niya ang ilan sa mga pamamaraan na maaring
maisagawa upang upanag maisaayos ang mga
communication breakdown;
Paraphrase- Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng
mensaheng gamit ang mga salitang higit na mauunawaan ng
tagatanggap. Ito ay maaaring maisagawa sa dalawang paraan;

1. Ang ispiker ay maaring gumamit ng estilong approximation


kung saan gagamitin ng salita o paraan ng pagpapahayag na
maaaring hndi tuwirang wasto ngunit hndi na angkop sa
sitwasyon .
2. Ang ispiker ay gagamit ng word coinage o paglikha ng bagong
salita upang maiparating ang mensahe. Halimbawa nito ay ang
mga batang gumagawa ng salitang upang tukuyin ang bagay.
Circumlocution – Inilalarawan o binibigyang-kahulugan ng
ispiker ang bagay o maari ring ipinaliliwanag kung ano ang
layunin nito.

Transfer – Maaari naman na mula sa isang wika ay isasalin


ng ispiker sa wikang higit na nauunawaan ng kausap,
halimbawa mula sa wikang Ingles tungo sa Filipino o
lalawigan tulad ng Bisaya o Kapampangan.
Iba pang estratehiya;

1. Pahingi ng tulong
2. Mine
3. Pause fillers –tulad ng pag gamit ng ‘er’, ‘um’, ‘alam mo,
‘tingan natin, ‘katulad ng; at iba pa.
4. Pag iwas sa paksa – Iniwan ng ispiker o di kaya ay pinapalitan
ang paksa kung alam niyang hndi siya ganoon ka pamilyar sa
paksa.
5. Paghinto – Ihihinto ng ispiker ang kanyang pagsasalita dahil
wala na siyang kakayahang tapusin ang nasimulan.

You might also like