You are on page 1of 15

HEALTH 4

Quarter 4- Week 5
(describes appropriate safety measures
during special events or situations that may
put people at risk)
MELC-Based
Aralin 5:
Mga Batayang
Pangkaligtasan sa Panahon o
Sitwasyong Hindi Inaasahan
Inaasahan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay
inaasahan na:
-Nailalarawan ang angkop na batayang
pangkaligtasan sa panahon o sitwasyon na
maaring magdulot ng kapahamakan sa buhay
ng tao.
Panuto; Isulat ang TAMA kung ang gawain ay nagsasaad ng
Balik-Aral: wasto at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
patlang.
TAMA
_________1. Nakalagay sa cellphone ni Maria ang numero
ng pulis at bumbero.
TAMA Nagkakantahan at nagsasayawan ang
_________2.
magkakaibigan sa halip na uminom ng alak sa kaarawan ni Aling
Rosa.
TAMA
_________3.Tumulong ang kabataan sa paglilinis ng plasa matapos
ang pista.
MALI
_________4.Namili ng malakas na paputok ang tatay para sa
Bagong Taon.
MALI
_________5. Nagpaputok ng baril si Mang Ruben sa
pagsalubong ng Bagong Taon.
Pagpapakilala ng Aralin
Ang mga okasyon gaya ng pista, Bagong Taon,
Pasko at kaarawan ay mga pagdiriwang na minsan
sa isang taon lamang natin naipagdiriwang at
nararapat lamang na maging espesyal ito.
Subalit nararapat din na isaalang-alang ang mga
kaligtasan ng lahat upang maipagdiwang ito ng
maayos at masaya.
Narito ang ilan sa mga dapat tandaan upang maiwasan ang sakuna
kung may pagdiriwang:

1. Sa pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon gaya ng


Bagong Taon, gumamit ng alternatibong pamamaraan
gaya ng kanyong kawayan, torotot, at iba pa.

2. Sa pagdiriwang ng Pasko, sa halip na magpaputok ay


magpapalitan na lamang ng regalo at manood ng
pailaw sa plasa.
Narito ang ilan sa mga dapat tandaan upang maiwasan ang sakuna
kung may pagdiriwang:

3. Sa pagdiriwang ng pista, manood ng palaro at sumali


sa parada.

4. Sa pagdiriwang ng kaarawan, maari ring magkantahan


at magpalaro na lamang sa halip na mag—inuman
Panuto: Kulayan ng asul ang kahon na nagpapakita ng
Pagsasanay 1: nararapat gawin upang maiwasan ang sakuna at pula naman
kung hindi.
Pagsasanay 2: Panuto: Isulat ang tsek (/)sa patlang kung sang-
ayon at ekis (x) kung di-sang-ayon
sa sinasabi sa bawat bilang:
_______ 1. Nagkantahan at nagsayawan ang magkaibigan sa halip
na uminom ng alak sa kaarawan ni Aling Rosa.
_______ 2. Nagpaputok ng baril si Mang Ruben sa pagsalubong ng
Bagong Taon.
_______ 3. Nanood ng programa sa plasa ang mga bata sa halip na
magpaputok ng labentador.
_______4. Maingat na nagpaputok ng kanyong kawayan sina Ador,
Pablo, at Jose.
_______5. Nakipag-inuman si Arnold sa piyesta ng kabilang nayon
at lasing na nagmaneho pauwi.
Tandaan:
Pagtataya: Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Iguhit ang ☺
kung ang gawain ay nagsasaad ng wasto at ☹ kung hindi.

_______1. Gumamit ng mga lata at malalaking torotot sa


pagsalubong sa Bagong Taon.
_______2. Nagkakantahan at nagpapalaro sa
pagdiriwang ng kaarawan sa halip na maginuman.
_______3. Nagmaneho ng motor si Mang Ben pauwi
kahit siya ay lasing na lasing.
_______4. Kinakailangang may paputok upang masaya sa Pasko at
Bagong Taon.
_______5. Sa tamang pag-iingat mas makasisiguro sa masaya at
ligtas na pagdiriwang
suno d
g s a su
g g a n
Ha n !
r a l i n
na a
References:
Health 4 Self-Learning Module Ika-apat na Markahan – Modyul 4: Injury Prevention, and First Aid Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
file:///C:/Users/Nelda/Downloads/3rd%20quarter%20from%20other%20region/health-150710205804-lva1-app6892.pdf

file:///C:/Users/Nelda/Downloads/3rd%20quarter%20from%20other%20region/MELCs-with-mapped- learning-
resources-G1-to-G10.pdf

https://www.youtube.com/watch?v=mxSO4mc7Pyg, Rainbow Timer 1 Minute Countdown with Music for Kids!

You might also like