You are on page 1of 18

ANG MAGSASAKA, PALAY,

AT BIGAS
ARALIN 2
WIKA: Pang-abay na Panlunan at Pang-
abay na Pamanahon
Maglaro tayo ng “Animation”. Kung ikaw ang
sumusunod ano ang wish mo para sa mga tao.
Ang Wish ko ay Ang Wish ko ay
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________

MAGSASAKA PALAY (BUTIL)

Ang Wish ko ay
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

BIGAS (ISANG KABAN)


Ang alamat ay isang uri ng
panitikang maaaring maglahad ng
mga pangyayaring makatotohanan o
likha ng guniguni.
Tinatalakay rito ang mga bagay na
makasaysayan lalo na ang tungkol sa
kung paano nagkaroon o nabuo ang
pangalan ng isang lugar, ang
pinagmulan ng halaman, hayop, at
iba pang bagay.
Nagpapahiwatig din ito ng
damdamin, pag-iisip, at pag-uugali
ng mga tao noong unang panahon
na nasisinag pa rin natin sa
kasalukuyan.
Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga bahagi
nito…….
Ang alamat ay binubuo ng tatlong elemento: simula,
gitna at wakas.

1. SIMULA- Kabilang sa simula ang mga:


a. Tauhan- Ang nagsisiganap sa kuwento na maaaring
bida, kontrabida, o pantulong na tauhan.
b. Tagpuan- Ang lugar na pinangyarihan ng mga
pangyayari gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kwento.
2. GITNA- Nakasaad sa bahaging ito ang kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan ng kwento.
a. Ang kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang
pagtatapo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin.
b. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggalian o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
mga suliraning kakaharapin.
c. Samantala ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi
kung saan nakatuon sa pangunhing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban .
3. WAKAS – Binubuo ang wakas ng
kakalasan at katapusan.
a. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita
ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan.
b. Ang katapusan ang bahaging naglalahad
ng magiging resolusyon ng kwento.
Ang tula ay isang anyo ng sining o
panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang pagsusulat.
Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod.
 Kung minsan ito ay maiksi o mahaba.
PANG-ABAY NA PANLUNAN AT
PANG-ABAY NA PAMANAHON
Sa ating pagsasalaysay o pagpapahayag ng
saloobin, maaaring gamitin ang pang-abay
na pamanahon at ang pang-abay na
panlunan sa paglalahad ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa lugar at
panahon.
Suriin mo ang mga pang-abay na ginamit
sa pahayag na ito:
• Noong nakaraang ani, nakahunos ako ng isang
kaban. Ngayon man, marahil, baka sakali.
dalawampu’t limang salop. Labinsiyam na
pamalit. May anim na salop pang matitira
hanggang sa isa pang-aani.
Ang Pang-abay na PAMANAHON
- Ito ay nagsasaad ng oras o panahon kung
kailan naganap o gagawin ang kilos.
Hal.
sa isang araw gabi-gabi
ilang saglit araw-araw
kahapon tuwing bakasyon
bukas mamayang hapon
sa Miyerkuyes kanina
alas 2:00 ngayon
sa Disyembre tuwing pasko
1. Ang mga bata ay naglalaro tuwing hapon.
- Ang mga bata ay naglalaro tuwing hapon

2. Sa Biyernes mag bibisikleta sila Justin at Cymon


- Sa Biyernes mag bibisikleta sila Justin at Cymon

3. Si Patrice ay kanina pa nag-aantay kay Bernice.


- Si Patrice ay kanina pa nag-aantay kay Bernice.
4. Pumupunta ang pamilya ni Gab sa
Singapore taon-taon.
- Pumupunta si Gab sa Singapore taon-taon.
5. Si Zandjie at DK ay mamamasyal
mamayang hapon sa Bay Park.
- Si Zandjie at DK ay mamamasyal mamayang
hapon sa Bay Park.
 May pang-abay na pamanahon na hindi
nagsasaad ng tiyak na panahon, kung
pahiwatig lang kung kailan nangyari o
mangyayari ang sinasabi sa pangungusap.

Hal. bago, muna, parati na

1. Bago ka umalis ng bahay magpaalam ka


muna kila Inay at Itay.
- Bago ka umalis ng bahay magpaalam ka muna
kila Inay at Itay.
 May pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng
tiyak na panahon nang pagkaganap ng kilos.

Hal. araw-araw, kagabi, maaga

1. Si Cate at Liane ay mag-kausap sa telepono


kagabi.
- Si Cate at Liane ay mag-kausap sa telepono kagabi.
Ang Pang-abay na PANLUNAN
- Ito ay tumutukoy sa pook o lugar na
naglalarawan kung saan naganap o
nangyari ang kilos.
- Hal.
sa paaralan sa dagat
sa bahay sa ilalim ng puno
sa Amerika sa likod ng bahay
sa kwarto sa parke
1. Ang bahay ni Kaychelle ay malapit sa OLAA.
- Ang bahay ni Kaychelle ay malapit sa OLAA.

2. Sa mainit na dalampasigan naninirahan ang


kaibigan kong si Sebastian.
- Sa mainit na dalampasigan naninirahan ang
kaibigan kong si Sebastian.
3. Tuwing bakasyon nag-lalangoy ang pamilya nila
Kesiah sa Palawan.
- Tuwing bakasyon nag-lalangoy ang pamilya nila
Kesiah sa Palawan.

4. Sa Manila ang paboritong pasyalan ni Lilian.


- Sa Manila ang paboritong pasyalan ni Lilian.

5. Si Lance ay dahan-dahang umupo sa silya.


- Si Lance ay dahan-dahang umupo sa silya.

You might also like