You are on page 1of 16

Basahin ang kasunod na mga piling saknong ng tulang Sa

Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal at pansinin ang mga


talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit
at pagkatapos ay bigyan ito ng kahulugan. Tandaang
gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Saknong 1: Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,


Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Saknong 3: Ang hindi magmahal sa kanyang
salita Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na
tulad sa inang tunay na nagpala.

Saknong 5: Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya
nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa
lawa noong dakong una.
Mga halimbawa ng
eupemistikong pahayag na
may pangungusap:
1. Hikahos sa buhay = Mahirap

“Mas marami ang mga h i k a h o s sa buhay ngayon dahil sa


inflation at mga proyekto ng a d m i n i s t r a s y o n na lalong
nagpapayaman lamang ng mga
Burgis at  korporasyon.”

“Hikahos sa buhay ang marami sa mga manggagawa dahil


marami sa kanila ay hindi nababayaran nang tama, mga
kontraktwal, at pinababayaan sila ng mga kapitalistang walang
puso sa kanyang mga tao.”
2. Magulang = Maraya

“Masyado nang magulang ang mga


kapitalistang hindi na nga ini-regular ang
kanilang mga manggagawa, binubugbog pa
at ipinahaharas sa mga pulisya.”
3. Lumulusog = Tumataba
“Kapag sinabi ng tita mo na tumataba ka na, ang sabihin mo na lang ay
lumulusog ka dahil umaasenso ka na at wala naman kamong masamang
lumusog dahil hindi naman pagkain niya ang kinakain mo.”
4. Balingkinitan = Payat
Hindi dapat maging balingkinitan para lang masabing sexy. Ang pagiging
sobrang balingkinitan ay resulta rin ng hindi magandang diet.”

5. Tinatawag ng kalikasan=Nadudumi
“Tinatawag na ako ng kalikasan. Wala bang c.r. dito?”“Bakit ka
nagmamadaling makauwi? Tinatawag ka ba ng kalikasan?”
6. Sumakabilang-bahay = May kabit

“Kahit pa sumakabilang-bahay ang ama, may tungkulin at mga obligasyon pa


rin ito sa orihinal niyang pamilya.”

“Ang tsismis dito sa barangay ay sumakabilang-bahay na ang nanay nila, ang


hindi nila alam ay kinukuha itong labandera sa halos buong compound kaya
laging wala sa bahay.”
7. Kasambahay = Katulog

“Ito ang aming kasambahay, Sir. Ikukuha ko siya ng SSS, Philhealth, at Pag-
IBIG.”

“Huwag mong nila-lang-lang ang mga kasambahay. Napakamarangal ng


trabaho nila at kung wala sila, ang isang pamilyang nangangailangan nito ay
mahihirapan maging maayos sa bahay at buhay.”
8. Mapili = Maarte o pihikan
“Pihikan ka ba sa pagkain o busog ka na?”
“Hindi ako pihikan sa pagkain. Pihikan akong pumili ng kasintahan.”

9. Malikot ang isip = Masyadong maraming


imahinasyon

“Ang galing ng nakaisip ng pelikulang ito. Malikot


siguro ang isip ng sumulat ng kwento.”
“Kailangan ko ng malikot ang isip para maganda ang
graphics ng website ko!”
10: May amoy = Mabaho

“May amoy na ang ulam. Huwag nang kainin.”


“Hindi ko gusto ang sumakay ng train dahil may amoy ito lalo na sa hapon.”

11. Ibaon sa hukay = Kalimutan na

“Ibaon mo sa hukay para walang makaalam.”


“Ibinaon mo na yata sa hukay ang birthday ko.”

You might also like