You are on page 1of 13

Mga Kasanayan sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 2
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Maunawaan ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos


magbasa
• Makilala ang pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan
• Matukoy ang Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto
• Maisa-isa ang paraan ng pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at
Rebyu
Daloy ng Talakayan

• Bago, Habang at Pagkatapos Magbasa


• Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan
• Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto
• Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
Bago Habang Pagkatapos
Magbasa Nagbabasa Magbasa

• Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa


pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang
layunin ng pagbasa.
• Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng
mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
• Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang
kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin. Nakabubuo ng
mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa
isinagawang pagsisiyasat.
Bago Habang Pagkatapos
Magbasa Nagbabasa Magbasa
• Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2) Biswalisasyon ng
binabasa; 3) Pagbuo ng koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5) Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6)
Muling pagbasa; 7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
• Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang
memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na
imahen. Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa
impormasyong natutuhan mula sa teksto. Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa
pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng
biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang
nagbabasa.
Bago Habang Pagkatapos
Magbasa Nagbabasa Magbasa
• Nakapaloob sa bahaging ito ang:
• Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa
upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
• Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing
ideya at detalye sa binasa.
• Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng
teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at
pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
• Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
impormasyong nabasa sa teksto.
Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan
Katotohanan Opinyon
Ang katotohanan ay mga Ang opinyon naman ay mga
pahayag na maaaring pahayag na nagpapakita ng
mapatunayan o mapasubalian preperensiya o ideya batay sa
sa pamamagitan ng empirikal personal na paniniwala at iniisip
na karanasan, pananaliksik, o ng isang tao. Maaaring kakitaan
ito ng mga panandang diskurso
pangkalahatang kaalaman o
tulad ng “sa opinyon ko,” “para
impormasyon.
sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin
ko.”
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto
• Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating
Layunin at motibo ng manunulat sa teksto.
Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng
diskursong ginamit sa pagpapahayag.
• Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay
nagkukuwento lang ng isang tiyak na
Pananaw karanasan o sitwasyon? Maaari ding
nangangatuwiran ito o kaya naman ay
hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa
opinyon o paninindigan niya.
Damdamin • Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o
pangunahing tanong ng akda na nais
solusyonan ng may-akda.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto
• Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung
Layunin ano ang preperensiya ng manunulat sa
teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano
ang distansiya niya sa tiyak na paksang
tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal ang
Pananaw perspektiba niya sa paglalahad, o kaya
naman ay nasa ikatlong panauhan na
nagbibigay ng obhetibong pananaw at
paglalahad sa paksa?
Damdamin • Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw,
nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang
kahihinatnan ng isang teksto.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto
• Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig
Layunin na pakiramdam ng manunulat sa teksto.
Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan,
tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay
na paniniwala o paninindigan tungkol sa
isang pangyayari o paksa.
Pananaw • Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng
teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang
nagiging pakiramdam ng mambabasa sa
pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa,
Damdamin maaari ding tasahin ng isang mambabasa
kung nagtagumpay ba ang manunulat na
iparamdam ang layunin ng teksto.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu

Paraphrase • Ang paraphrase ay tumutukoy sa


muling pagpapahayag ng ideya ng
may-akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin
Abstrak ito para sa mambabasa.
• Mahalaga ang paraphrase sa
pananaliksik upang tukuyin ang
pinagmulan ng isang ideya o kaisipan
Rebyu at ipahayag ito sa pamamaraan na
makatutulong sa pananaliksik.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
• Ang abstrak naman ay isang buod ng
Paraphrase pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng
isang komperensiya o anomang pag-
aaral sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
Abstrak • Ang abstrak ay nakatutulong upang
mabilis na makita ng isang mambabasa
ang kabuuang latag ng pananaliksik
kabilang ang mga layunin at
Rebyu kinalabasan nito. Sa ilang publikasyon,
tinatawag din itong precis o synopsis.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu
• Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang
kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat
Paraphrase batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat
nito.
• Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o
ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw
Abstrak ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Ang mga
nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online
portal ay gumagamit ng panunuri upang
magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta
Rebyu o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat.
• Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng maikling
buod ng aklat upang magkaroon ng ideya ang mga
mambabasa.

You might also like