You are on page 1of 11

KAHULUGAN

FORUM
Ito ay tumutukoy sa isang usapan o asembliya na binubuo ng dalawa o higit
pang tao. Ginagawa ito upang magkaroong ng palitan ng ideya tungkol sa isang
paksa. Ang forum din ay maaaring maging anyong lecture/lektyur. Mahalaga ito
upang magkaroon ng maayos na diskurso sa pagitan ng mga tao. Ito ay
nangangahulugan ding discussion/diskusyon.
LEKTYUR
Ito ay tumutukoy sa pagtuturo ng isang paksa. Maaari din itong sermon
ng seryosong pagsasalita na ginagawa sa publiko sa isang bagay na
konektado sa relihiyon.
SEMINAR
Ito ay ang normal na pagpupulong para sa pagpapalitan ng mga ideya, na kung
saan ang mga kalahok ay dumalo para matuto tungkol sa partikular na paksa. Ito
ay karaniwang maliit na grupo at may tagapagsalita.
SYMPOSIUM
Ito ay isang okasyon, pagpupulong, o panayam kung saan nagtitipun-tipon ang mga
kalahok upang talakayin ang isang partikular na paksa. Ito ay maihahalintulad sa
kumperensya ngunit mas maliit ang sakop ng simposyum. Sa isang simposyum,
karaniwan ay may isa o iilang taong gumaganap bilang pangunahing tagapagsalita.
Siya o ilang piling eksperto ang tumatalakay sa paksa o usaping nakapaloob
sa simposyum. Papakinggan naman sila ng mga kalahok, bisita, kapwa eksperto sa
paksa o tagasubaybay sa nagaganap na simposyum.
 
KUMPERENSYA
Ang kumperensya ay isang pagtitipon ng mga tao sa isang tukoy na
paksa, maging sa panlipunan, relihiyon, pampulitika, korporasyon,
akademiko, o iba pang interes. Sa pangkalahatan ay pinangangasiwaan
ito ng isa o higit pang mga tao na may mataas na antas ng
kadalubhasaan o kaalaman sa paksang pinagtutuunan.
ROUNTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION
Ito ay parehong uri ng talakayan kung saan ang mga kalahok ay nag-uusap
tungkol sa partikular na paksa. Sa Roundtable at Small Group Discussions,
ang lahat ng mga kalahok ay binibigyan ng pagkakataon upang talakayin ang
kani-kanilang opinyon o saloobin tungkol sa paksa o usapin. Karaniwang
ginagawa ang parehong uri ng talakayan sa akademya o kaya naman sa
pananaliksik na nangangailangan ng partisipasyon ng mga pangkat na kasama
sa sinusuri.
PULONG

Ito ay isang pulong na ginanap ng mga miyembro ng isang pangkat


na may layunin na ipagdebate ang ilang mga isyu at pagpapasya
tungkol sa kanila. Mula sa kahulugan nito, lumitaw ang ilang mga
kahulugan ng konsepto.
ASEMBLEYA
(Assembly) ay tumutukoy sa pagtitipon ng grupo ng mga tao
para sa iba’t-ibang dahilan. Maaaring pagtitipon may
kaugnayan sa negosyo, relihiyon, o iba pang bagay.
PASALITANG PAG-UULAT
Ito ay isang uri ng pagpapahayag. Upang maging epektibo, kailangan na ang
isang mag-uulat ay handa. Siya ay may nakahandang outline script ng
sasabihin. Pero hindi nito sinasabi na babasahin mo lamang ito. Ito ay giya mo
lamang. Ang ilan ay ginagawa na mismo ito gamit ang isang biswal na kita na
ang lahat.
 
Maraming Salamat

You might also like