You are on page 1of 18

MGA PANANDANG SI,

SINA, ANG, ANG MGA


(PANTUKOY)
INIHANDA NI:
BB. MARRY ANNE B. SIASON
(GURO SA FILIPINO)
Halina panuorin at
makinig muna tayo sa
isang kuwento:

https://youtu.be/CVXzV
8r0VBM
Napansin mo ba
ang paggamit ng
Si at Sina?
Ngayon panuorin
naman natin ito:

https://youtu.be/YF
EC3B1hqHU
Alam mo ba kung
ano ang mga
Pananda na
(Si, Sina, Ang,
Ang mga)
at kung kailan nga
ba ito ginagamit?
ANO NGA BA ANG IBIG
SABIHIN NG
PANTUKOY?
Ang Pantukoy ay mga kataga o
panandang ginagamit sa pagtukoy sa
tao, bagay, o pangyayari.
AYON KAY SANTIAGO AT TIANGCO (2003)
Mayroong dalawang pananda sa pantukoy ng tao at ibang uri ng
pangngalan.
a. Pantukoy sa Pantanging ngalan ng tao
Si (isahan) – ginagamit ito kung ang tinutukoy na pangngalan ay isa
lamang.
Sina (maramihan) – ginagamit naman ito kung ang tinutukoy na
pangngalan ay dalawa o higit pa.

Halimbawa:
1. Si Ana ay naglalakad sa labasa ng silid-aralan.
(Si ang ginamit dahil isa lang ang tinutukoy kundi si Ana)
2. Sina Alan at Miguel ay pupunta ng parke upang
maglaro ng eroplanong papel.
(Sina ang ginamit dahil dalawa ang tinutukoy na
pangngalan ito ay sina Alan at Miguel.)
AYON KAY SANTIAGO AT TIANGCO (2003)
Mayroong dalawang pananda sa pantukoy ng tao at ibang uri ng
pangngalan.
b. Pantukoy sa iba pang uri ng Pangngalan liban sa Pantao
Ang (isahan) – ginagamit ito kung ang tinutukoy na pangngalan ay isa
lamang.
Ang mga (maramihan) – ginagamit naman ito kung ang tinutukoy na
pangngalan ay dalawa o higit pa.

Halimbawa:
1. Ang aso ay naglalakad sa parke.
(“Ang” ang ginamit dahil isa lang ang tinutukoy kundi ang aso.)
2. Ang mga pusa ay kumakain ng tira-tirang pagkain sa
kalsada.
(“Ang mga” ang ginamit dahil higit sa dalawa ang
tinutukoy na pusa)
PRAKTIS
Panuto : Bilugan ang tamang Pananda base sa larawan.

1. Ang Ang mga

SAGOT: ANG
PRAKTIS
Panuto : Bilugan ang tamang Pananda base sa larawan.

2. Si Sina

SAGOT: Sina
PRAKTIS
Panuto : Bilugan ang tamang Pananda base sa larawan.

3. Ang Ang mga

SAGOT: Ang mga


PRAKTIS
Panuto : Bilugan ang tamang Pananda base sa larawan.

4. Si Sina

SAGOT: Si
PRAKTIS
Panuto : Bilugan ang tamang Pananda base sa larawan.

5. Ang Ang mga

SAGOT: Ang mga


Naunawaan mo na ba kung
paano at kailan ginagamit ang
mga pananda o pantukoy na
Si/Sina at Ang/ang mga??

Kung gayon,
subukan mo namang sumagot.
PAGSASANAY
A. Panuto : Isulat ang patlang ang tamang pananda.
Gamitin ang (Si o Sina).

1. __________Gab ay mahilig maglaro.


2. Bumili ____________ Avery at Lena ng mga kendi.
3. Tumatalon _________ Rhian sa kama.
4. __________ Tintin ay kapitbahay namin.
5. Masipag mag-aral _____________ Miguel at Jc.
PAGSASANAY
B. Panuto : Isulat sa patlang ang tamang pananda. Gamitin
ang (ang o ang mga).

6. ____ bata sa loob ng paaralan ay masisipag.


7. ____ nanay ni Alan ay nasa loob ng bahay nila.
8. Hindi mabilang sa dami _________ langgam na nagkalat sa
lamesa.
9. _______ taga-DPS ay mababait at matatalinong tao.
10. ________ ibon sa himpapawid ay matataas lumipad.
TAKDANG-ARALIN
Panuto : Gumawa ng pangungusap sa pamamagitan ng mga
larawan at gumamit ng mga Pananda.

1. 4.

2. 5.

5.
3.
Paalala:
Ang mga kasagutan po ng mag-aaral ay maaari
lamang pong isulat sa kuwaderno 7, sagot lamang po ang
ilalagay. Pagkatapos po, kuhanan po ng litrato ang
sinulat na kasagutan ng bata. Ipasa na lamang po sa
aking e-mail ang litrato ng isinulat na kasagutan ng bata
para sa Pagsasanay at Takdang-Aralin, Maraming
Salamat po!:)
marryannesiason22@gmail.com

You might also like