You are on page 1of 12

AGENDA

AT
KATITIKAN NG PULONG
Layunin:
a)Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa
isang pulong.
b)Nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin na sumusunod istilo at pamamaraan ng
agenda at katitikan ng pulong.
c) Napapahalagahan ang pagkatuto ng paksa sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng ideya sa
kahalagahan ng agenda at katitikan ng pulong.
Agenda
• listahan, plano, o balangkas ng mga pag-
uusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang
pulong

• nakasulat nang kronolohikal o ayon sa


pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito

• ginagamit sa pagtukoy sa mga gawaing dapat


aksiyunan o bigyan ng prayoridad
Kahalagahan ng Agenda:
 Nabibigyang katuturan at kaayusan ang daloy ng
pulong.
 Nalalaman ang pag-uusapan at mga isyu o
suliraning dapat tugunan.
 Natatantiya ang oras ng pulong dahil malinaw
kung ano ang dapat pag-usapan.
 Naiiwasan ang pagtalakay sa usaping hindi
kabilang sa prayoridad.
 Nabibigyang tuon ang usaping inilatag.
Haba ng Agenda:
• ang haba ay nakadepende sa mga paksang pag-
uusapan
• isaalang-alang ang interes ng tagapakinig upang
maging produktibo at matugunan ang agenda
ng pagpupulong
• maaaring hatiin ang agenda sa pulong, pwede
namang ipagpatuloy sa susunod na araw
Uri ng Agenda:
1. Agendang nagbibigay impormasyon - pakikinig
lamang ang gagawin ng dadalo dahil walang
dapat tugunan

2. Agendang kailangang tugunan – kailangang ang


pagbibigay ng desisyon
Katitikan ng Pulong:
• Opisyal na tala o rekord ng mahahalagang
puntong napag-usapan sa pulong ng isang
organisasyon.

• tinatawag na minutes of the meeting sa Ingles

• mahalagang detalye at hindi verbatim ng


pulong ang isusulat
Katitikan ng Pulong:
• Ililista sa katitikan ang sumusunod:
- pangalan ng organisasyon
- petsa
- lugar o pook na pagdarausan ng pagpupulong
-dumalo at hindi nakadalo
- oras ng pagsisimula at pagtatapos
- rekord ng pinag-usapan, napagkasunduan, at usaping
natugunan
- taong magsasagawa ng aksiyon at panahon ng
pagsakatuparan
- suhestiyon at ang nagrekomenda
- isyung pinagbotohan at ang resulta
Kahalagahan ng Katitikan:
• daan para maalala ng dumalo, at malaman ng mga hindi
nakadalo ang pinag-usapan
• madaling mabalikan ang napagkasunduan at napag-usapan

Haba ng Katitikan:
• nakasalalay ang haba sa napag-usapang desisyon
• maaaring isulat nang verbatim ang ilang bahagi
• Sinasagot ang 5Ws at H na katanungan
Karagdagang Impormasyon:
• Madalas na inihahanda ng sekretarya.
• Mas mainam irekord ang pinag-usapan at isaayos ito
pagkatapos mismo ng pulong.
• Kapag natiyak na walang kamalian at naaprubahan na ang
katitikan ay maaaring mamahagi ng kopya.

You might also like