You are on page 1of 20

Kakayahang pangkomunikatibo

Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua


(1990) ang ilan sa mga pangunahing dahillan sa
hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-
uusap ay pwedeng mag-ugat sa tatlong
posibilidad na maaring magmula sa taong
nagsasalita
• Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita
ang kanyang intensyon
• Hindi maipahayag nang maayos na
nagsasalita ang kanyang intensyon.
• Hindi narinig at hindi naunawaan
D E L L H AT H AWAY H Y M E S
• Sociologist, anthropologist linguist
• Mula sa Portland, Oregon at isinilang noong
Hunyo 7, 1927
• Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature
and Anthropology sa Reed College – 1950
• Nagturo sa University of Virginia
( 1987-1998); Harvard University; University
of California, Berkeley at sa University of
Pennsylvania.
• Namatay noong 13 Nobyembre2009 sa edad
na 82 dahil sa komplikasyong dala ng sakit na
Alzheimer’s
• Naging interesado sa simpleng tanong na
“Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?”
• Sa kanya nagmula ang konsepto ng kakayang
pangkomunikatibo o Communicative
Competence
• Ang kakayahang pangkomunikatibo ay
nilinang niya kasama si Jonh I. Gumperz
bilang reaksyon sa kakayahang lingguwistika
na ipinakilala ni Noam Chomsky.

• Ang kakayahang lingguwistika ay tumutukoy


sa abilidad ng isang tao
na makabuo at makaunawa nang maayos at
makabuluhang pangungusap.
• Ang kakayahang komunikatibo ay
nangangahulugang abilidad sa angkop na
paggamit ng mga pangungusap batay sa
hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes
1972)
• Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes
ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang lingguwistika o
gramatikal kundi nararapat ding malaman ang
paraan ng paggamitng wika ng lingguwistikong
komunidad upang matugunan at maisagawa ito
nang maayos sa kanyang layunin.
• Sa pagtamo ng kakayahang
pangkomunikatibo, kailangang pantay na
isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng
nakapaloob sa teksto sa porma at
katangian(Higgs at Clifford)
• Naniwala naman si Dr. Fe Otanes na ang
paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabang idudulot nito sa mag-aaral.
• Pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na
makabuo ng isang pamayanang marunong,
mapanuri, kritikal at kapaki-pakinabang.
• Ang daan tungo sa paglinang ng kakayahang
pangkomunikatibo ng mga Pilipino ay ang
silid-aralan.
• Dito nila matutunan ang mga kayarian o
gramatika ng wika
 Bahagi ng pananalita
 Bantas
 Baybay
 Ponolohiya at morpolohiya
• Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa
pagsasalita ng wika, umunawa at makagamit
ng tamang salita o wika sa angkop na
pagkakataon lalo na sa mga awtentikong
sitwasyong hindi sila sinamay.
• Nangangailangan ng higit na partisipasyon ng
mag-aaral upang malilinang ang limang
makrong kasanayan.
• Ayon kay Cantel-Pagkalinawan, isang
propesor sa Hawaii, ang mahusay na klasrum
pangwika ay ang pagkakaroon ng aktibong
interaksiyon .
• Interaksiyon sa pagitan ng guro at ng
estudyante at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante.
• Ang guro ay ang tagapagdaloy lamang sa iba’t
ibang gawain sa klasrum.
• Matatasa ang mga natutunan ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Pagsasagawa ng mga gawaing
pangkomunikatibong aktwal sa totoong
mundo at sa totoong buhay
 Pagbuo ng malikhain at makabuluhang
pagpapahayag gamit ang wika tula,
maikling kuwento, sanaysay
 Pagtatanghal, fliptop, pick -up lines, hugot
lines, e-mail, Facebook post, blog, diyalogo
o dula-dulaan, video tape at iba pang
gawaing lilinang sa kakayahan ng mga
mag-aaral.
• Tanong:
• Paano naiiba ang kakayahang
panglingguwistiko na ipinakilala ni Chomsky
sa kakayahang pangkomunikatibo si Dell
Hymes?
• Bakit mahalagang kakayahang
pangkomunikatibo ang maging layunin sa
pagtuturo ng wika?
Maraming
salamat!
RESOURCE PAGE

You might also like