folklorist. -Interesado sa tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?” -Pinag-aralan ang lahat ng diskursong nangyayari sa buhay, usapan sa tao sa mesa, mito, alamat, at mga bugtong;testimonya sa korte, talumpating pampolitika, at mga salitang ginagamit sa pamamaalam. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Hymes, ang kakayahang komunikatibo
ay nangangahulugang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksyong sosyal. Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito depende sa sitwasyon. Mga dapat alamin ng tao: Tamang ayos ng sasabihin Dapat sabihin Dapat pag-usapan Kanino lamang pwedeng sabihin Saan sasabihin Paano sasabihin KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na
matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatika. • Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang: 1.Maging maayos ang komunikasyon 2.Maipahatid ang tamang mensahe 3.Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap. -Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang komunikatibo at hindi lang basata kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman maituturing na isang mabisang komyunikeytor.