You are on page 1of 9

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATI
BO NG MGA
PILIPINO
IKALAWANG BAHAGI
Ay tumutukoy sa kakayahang makaunawa, makabuo, at
makapagbigay interpretasyon ng iba’t ibang
komunikatibong kaganapan na nagbibigay interpretasyon
ng iba’t ibang komunikatibong kaganapan na nagbibigay
konsiderasyon hindi lamang sa kanilang pansariling
pakiramdam kundi pati na ang implikasyon ng mga ito.

KAKAYAHANG Ito rin ay tumutukoy sa nais ng tagapagsalita na


PANGKOMUNIKATIBO O sabihin, nais maunawaan ng tagapakinig, ang
COMMUNIKATIVE kanilang relasyon sa isa’t isa, ang panlipunang
COMPETENCE konteksto at iba pa.

Samakatwid, Ang kakayahang Komunikatibo ay tumutukoy


sa sosyal, kultural at sikolohikal na panuntunan na siyang
nagdidikta sa paggamit ng wika sa isang particular na
sitwasyon.
Ang terminong ito ay nagmula sa linguist, sociologist, anthropologist at
folklorist na si DELL HATHAWAY HYMES noong 1966.

KAKAYAHANG
Nilinang nila ng kasamahan niyang si JOHN J. GUMPERZ ang
PANGKOMUNIKATIBO O konseptog ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika
COMMUNIKATIVE (linggguistic competence) na ipinakilala naman ni Noam Chomsky
COMPETENCE noong 1965.

Ayon sa orihinal na ideya ni HYMES, ang nagsasalita ng wika ay hindi


lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal
upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng
lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at
maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
 Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo,
kailangang pantay na isaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at
sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang
ginagamit sa teksto.
 Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang
paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na
matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang
kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang
kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
 Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng
wika na makabuo ng isang pamayanang
marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-
pakinabang.
Ang kakayahang komunikatibo ay
sumasakop sa mas malawak na
konteksto ng lipunan at kultura –
ito’y ang wika kung paanong
ginagamit at hindi lang basta ang
wika at mga tuntunin nito.
Bilang lingguwista, binigyan-diin ni
Dr. Hymes sa kanyang mga
katrabaho ang pag-uugnay ng
kultura sa wika.
KOMPONENT NG
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay isang malawak na
isapin. Hindi lamang ito ay tumutukoy sa kasanayan ng
isang tao na maipakita ang kanyang mga kasanayan sa
mga sumusunod na aspekto:

Lingguwistiko o gramatikal
Sosyolinggwistik
Pragmatiko
Diskorsal
Ang kakayahang komunikatibo rin ay
tumitingin sa kasanayan ayon sa mga
sumusunod na kakayahang makro.

Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Pagsulat
panonood
Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga
tanong.
1.Sa papaanong paraan nagiging mas
makabuluhan ang pagkakaroon ng kakayahang
pangkomunikatibo sa halip na kakayahang
panlingguwistika lang?
2.Bakit mahalagang kakayahang
pangkomunikatibo ang maging layunin sa
pagkatuto ng wika?
3.Masasabi bang ikaw ay nagtataglay na ng
kakayahang komunikatibo sa kasalukuyang
antas mo ng pag-aaral? Magbigay ng mga
patunay.

You might also like