You are on page 1of 27

Wastong Gamit ng Uri ng Pandiwa sa

Pakikipag-usap sa Iba-ibang Sitwasyon


Dalawang uri ng pandiwa:

Pandiwang Katawanin

Ito ay nagpapahayag ng ganap na kilos ng


paksa. Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang
layon sapagkat kumpleto ang diwang
ipinahihiwatig ng pangungusap.
Dalawang uri ng pandiwa:

Pandiwang Katawanin
Mga halimbawa:

1. Si Ana ay kumakain araw-araw.


(Ang pandiwang kumakain ay walang tuwirang layon kaya’t ito ay
katawanin.)

2. Si Mang Kosme ay nagtitinda tuwing umaga.


(Ang pandiwang “nagtitinda” ay walang tuwirang kayon kaya’t ito ay
katawanin.)

3. Nagsulat si Rey sa kuwaderno.


(Ang pandiwang “nagsulat” ay walang tuwirang layon kaya’t ito ay
katawanin.)
Dalawang uri ng pandiwa:

Pandiwang Palipat
Ito ay nangangailangan ng tuwirang layon upang maging
buo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang
layon ay tumutukoy sa pangngalan o panghalip na
tumatanggap sa kilos ng pandiwa. Nagbibigay ito ng
kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng paksa.
Karaniwan itong sumasagot sa tanong na ano o kanino.
Ang tuwirang layon ay pinangungunahan ng mga
katagang ng, sa, kay at kina.
Dalawang uri ng pandiwa:
Pandiwang Palipat
Mga halimbawa:

1. Si Ana ay kumakain ng puto araw-araw.


Ano ang kinakain ni Ana? Puto. (Ang pandiwang “kumakain” ay may
tuwirang layong “puto” kaya ito ay palipat.)

2. Si Mang Kosme ay nagtitinda ng taho tuwing umaga.


Ano ang itinitinda ni Mang Kosme? Taho. (Ang pandiwang “nagtitinda” ay
may tuwirang layong “taho” kaya ito ay palipat.)

3. Nagsulat ng takdang-aralin si Rey sa kuwaderno.


Ano ang isinulat ni Rey? Takdang-aralin. (Ang pandiwang “nagsulat” ay may
tuwirang layong “takdang-aralin” kaya ito ay palipat.)
Paggamit ng
Bahagi ng Aklat sa
Pagkalap ng
Impormasiyon
PABALAT
Ito ang pinakamakulay na bahagi
ng aklat. Mababasa rito ang
pamagat, pangalan ng may-akda at
ang naglimbag ng akda. Ang mga
impormasiyong nasa pabalat ay
mahalagang maitala para sa
dokumentasyong kakailanganin sa
ginawa o ginagawang pananaliksik.
PAHINA NG PAMAGAT
Kinapapalooban ng buong pamagat
ng aklat, pangalan ng may-akda at
tagapaglimbag. Karaniwang ang
ibang bahagi ng pahina ay makikita
rin sa ibang bahagi ng aklat.
PAHINA NG
KARAPATANG-URI
Makikita sa bahaging ito ang taon ng
pagkalimbag, ang naglimbag at ang
lugar ng pinaglimbagan ng aklat.
DEDIKASYON
Ito ang pahinang kakikitaan ng
pangalan ng taong pinaghahandugan
ng may-akda bilang paggalang at
pasasalamat.
PAUNANG SALITA
Nakasaad sa bahaging ito ang
dahilan kung bakit isinulat ang aklat
at ang paliwanag sa paggamit nito.
TALAAN NG NILALAMAN
Dito makikita ang pahina ng bawat
paksang tinalakay sa bawat yunit ng
aklat. May mga aklat na detalyadong
nakatala ang mga kabanata at aralin,
kasama ang kanilang mga bilang at
pahina, bukod pa sa mga yunit na
nakapaloob sa aklat.
KATAWAN NG AKLAT
Narito ang kabuuan ng paksa at
araling nilalaman ng aklat. Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng
aklat.
SANGGUNIAN
Nakatala sa bahaging ito ang mga
akdang pinagkunan ng mag-akda ng
ilang mahahalagang impormasiyon
sa kaniyang pananaliksik upang
mabuo ang kaniyang aklat.
TALATINIGAN
Dito nakatala ang kahulugan ng mga
konsepto at mahihirap na salitang
ginamit sa aklat. Ang mga ito ay
nakaayos ng alpabetisado.
TALATUNTUNAN
Makikita ito sa huling bahagi ng aklat
na kinapapalooban ng
alpabetisadong listahan ng pangalan,
lugar, konsepto at paksang tinalakay
kabilang ang pahina kung saan
makikita o matatagpuan ang mga ito
sa aklat.
POKUS NG PANDI WA
Pokus sa Tagaganap

Ang pandiwa ay nasa pokus tagaganap kung ang


paksa ng pangungusap ay ang tagaganap o
gumagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. (Sino?)

Halimbawa:
1. Pauwi na ang mag-ina.
2. Naglaro si John.
Pokus sa Layon

Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kapag ang


tuwirang layon ng pangungusap ang gumagawa ng
kilos na isinasaad ng pandiwa. (Ano?)

Halimbawa:
1. Iniuwi namin ang natirang pagkain.
2. Binili ko ang sapatos na ito.
Pokus sa Ganapan

Ang paksa o pokus ng pangungusap ay ang lugar o


pinangyarihan ng kilos. (Saan?)

Halimbawa:
1. Pinagliguan namin ang dagat.
2. Ang palasyo ay pinagdausan ng kainan.
Pokus sa Tagatanggap

Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang pokus ng


pangungusap. (Kanino?)

Halimbawa:
1. Ipinagluto ko ng ulam si Maria.
2. Ibinili ko ng bag si Ayra.
Pokus sa Gamit

Ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos.

Halimbawa:
1. Ipinanungkit nila ng bayabas ang tikin.
2. Ipinambungkal nila ng lupa ang asarol.
Pokus sa Sanhi

Ang pokus na ito ay ang dahilan ng kilos. (Bakit?)

Halimbawa:
1. Ikinadumi ng ilog ang labis na kalat ng
basura.
2. Ikinasakit ng kaniyang tiyan ang pagkain
ng mangga.
Pokus sa Direksiyon

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng


pandiwa.

Halimbawa:
1. Pinasyalan namin ang parke.
2. Binisita namin ang paaralan.
PAN GK ATA UH AN G
PAG L AL AR AW AN
Ang pangkatauhang paglalarawan ay
isang anyo ng sanaysay na kadalasang
naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa
isang tao at sa kaniyang mga katangian na
maaaring taglay niya sa kaniyang pisikal na
anyo o mababanaag sa mga binibitawan
niyang salita o sa kaniyang mga ikinikilos.
MGA GABAY SA PAGBABALANGKAS NG CHARACTER SKETCH

1. Panimula - Ipakilala ang tao o tauhang paksa ng character sketch

2. Ipaliwanag kung paano mo siya nakilala.

3. Magbigay ng katangian ng tao o tauhang paksa ng character sketch sa kaniyang


kaanyuan (hitsura, pananamit, boses, gawi at kilos).

4. Magbigay ng kaniyang mga panloob na katangian at katibayan sa bawat isa.

5. Iugnay ang pagwawakas ng character sketch sa ginawang panimula.

You might also like