You are on page 1of 39

Welcome to

Kindergarten

Adviser: ___________
Panalangin

Panalangin:
Ama naming nasa langit, salamat po sa araw na ito na muli nanaman
ninyong ibinigay sa amin, Salamat po sa pagkakataong ito na muli
nanaman kaming matututo ng maraming bagay, salamat po sa
ibinigay ninyo sa aming lakas ng katawan upang makapag-aral sa
araw na ito, nawa po ay gabayan mo ang bawat isa sa amin na
maisaisip at maisapuso ang bawat leksyon na aming matutunan,
nawa po na lahat po ng ituturo sa amin ng aming guro/magulang ay
aming maunawaan upang magamit namin sa pagtupad ng aming mga
pangarap.
Iba’t ibang uri ng
klima/panahon
Bago tayo tumungo sa ating
aralin,
ay sabay-sabay muna nating
awitin ang kantang
“Magandang Araw”
Ngayon mga bata, pagmasadan
ninyo ang kalangitan.Ano ang
kundisyon ng panahon natin
ngayon?
Mga bata narito ang Limang
uri ng panahon na ating
nararanasan.
Uri ng Panahon/Klima
Maaraw
Madalas ay mainit ang nararamdaman natin
tuwing panahon ng tag-araw. Nakakatulong
ang panahong ito upang matuyo ang nilabhan
na damit, maarawan ang mga halaman at
maaaring makapaglaro sa labas ang mga
batang tulad mo.
Uri ng Panahon/Klima
Maulan
Madalas ay malamig ang nararamdaman natin
tuwing panahon ng tag-ulan. Nakakatulong
ang panahong ito upang madiligan ang mga
halaman na nakatanim. Madalas ay nasa loob
ng bahay ang mga batang tulad mo tuwing
maulan ang panahon.
Uri ng Panahon/Klima
Mahangin
Madalas ay malamig din ang nararamdaman
natin kapag mahangin ang panahon katulad
kapag maulan. Maaring may matumbang
puno o lumipad na bubong kapag sobrang
lakas ng hangin. Maaari karin magpalipad ng
saranggola tuwing mahangin ang panahon.
Uri ng Panahon/Klima
Maulap
Tuwing maulap ang panahon ay nakakaranas
tayo ng kaunting dilim sa paligid dahil
tinatakpan ng ulap ang araw na kung saan di
tayo gaanong naiinitan dulot ng sinag ng
araw.
Uri ng Panahon/Klima
Bumabagyo

Ito ang panahon na maraming


nasisirang ari-arian at nagreresulta
ng pagbaha sa iba’t ibang lugar
Maaari niyo bang ulitin ang mga
panahon/klima na nabanggit.
Anong panahon natin
ngayon?
E-games
Tayo’y
Magsagot
23
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

24
Ano ang mga bagay na hindi pwedeng gawin
tuwing umuulan?
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

26
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

27
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

28
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

29
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

30
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

31
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

32
Ano ang panahon na nararanasan ng mga tao/bata sa larawan na
ito?

33
Alin dito ang panahon na hindi natin nararanasan sa ating bansa?

A B C

34
Anong panahon ang nararanasan ng bawat larawan?
Gawain 1
My Kite Game
Hanapin at kulayan ang saranggolang may numero anim(6). Kulayan din ang tamang
panahon sa pagpapalipad ng saranggola.

36
Gawain 2
Gamitin ang kahon at iguhit ang iba’t ibang uri ng panahon. Kulayan pagkatapos.

37
Magsanay magsulat ng
pangalan
Magaling mga bata at natapos niyo ng
masigasig ang ating aralin

You might also like