You are on page 1of 47

PANGKAT 2

JAYSON BANDOQUILLO CLARA DE LA CRUZ


REYMART LOVEREZ
NATHALIE LORENO
JOHN ABE NASAYAO JENEVIE MARIÑAS MALIKHAING
MARIFER ARNEDO ANGELINE MENDAZA
GLYDEL MONEDA
PAGSULAT
MAE BRILLANTE
MAYLENE NAVARRO
MALIKHAING PAGSUSULAT
VS. TEKNIKAL,
AKADEMIKO, AT IBA PANG
ANYO NG PAGSULAT

REYMART LOVEREZ & JAYSON BANDOQUILLO


PAGSULAT

ANG PAGSULAT AY ISA SA MGA PANGUNAHING KASANAYAN NA NATUTUNAN AT PINAPAUNLAD SA


LOOB NG PAARALAN. MALAKI ANG GAMPANIN NITO SA PAGPAPAHAYAG NG IYONG SALOOBIN,
PANANAW, OPINYON, IDEYA, AT ANUMANG NAIISIP. (BANDRILL AT VILLANUEVA 2020)
• MALIKHAING PAGSULAT
• TEKNIKAL NA PAGSULAT
• AKADEMIKONG PAGSULAT
• PROPESYUNAL NA PAGSULAT
• JOURNALISTIC NA PAGSULAT
• REFERENTIAL NA PAGSULAT
MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE
WRITING)
• PANGUNAHING LAYUNIN NITONG MAGHATID NG ALIW, MAKAPUKAW NG
DAMDAMIN,AT MAKAANTIG SA IMAHINASYON AT ISIPAN NG MGA MAMBABASA.
• KARANIWAN ITONG BUNGA NG MALIKOT NA ISIPAN NG SUMUSULAT NA MAAARING
BATAY SA TUNAY NA PANGYAYARI (NON-FICTION) O KAYA NAMAN BUNGA NG
IMAHINASYON O KATHANG ISIP LAMANG (FCTION).
• MABIBILANG SA URI NG PAGSULAT NA ITO ANG MAIKLING KUWENTO, DULA, TULA,
MAIKLING SANAYSAY, GAYUNDIN ANG MGA KOMIKS, ISKRIP NG TELESERYE,
KALYESERYE, MUSIKA, PELIKULA AT IBA PA.
MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE
WRITING)
SA MALIKHAING PAGSULAT, MAAARI ITONG HATIIN SA DALAWANG PANGUNAHING URI NG
PANDAMA AYON SA KALIKASAN NITO:
A. PANLOOB NA PANDAMA-PANDAMA NA NAGMUMULA SA KALOOBAN, DAMDAMIN, AT MGA
PROSESO SA LOOB NG ISIPAN NG TAUHAN O MAY-AKDA TULAD NG PAG-IBIG, TAKOT, LIGAYA, O
PAGKABAGOT.
HAL: NARAMDAMAN NIYA ANG MALALIM NA PAGKASUKLAM SA SARILI MATAPOS ANG KANIYANG
PAGKABIGO.
B. PANLABAS NA PANDAMA- MGA PANDAMA MULA SA PALIGID O KALIKASAN, KUNG SAAN
INIUUGMA NG MAY-AKDA ANG MGA ITO SA KANYANG AKDA UPANG MAGDULOT NG MASUSING
PAGLALARAWAN TULAD NG PANDINIG, PANG-AMOY, PAGTINGIN, PANGLASA, AT PANGSALAT.
HAL: NAKARINIG SIYA NG MAHINANG AWIT NG MGA IBON SA KAGUBATAN HABANG INIIKOT ANG
MALAMIG NA SIMOY NG HANGIN.
TEKNIKAL NA PAGSULAT (TECHNICAL
WRITING)
ITO AY GINAGAWA SA LAYUNING PAG-ARALAN ANG ISANG PROYEKTO O KAYA NAMAN
AY BUMUO NG ISANG PAG-AARAL NA KAILANGAN LUTASIN ANG ISANG PROBLEMA O
SULIRANIN.

BAGAMAT NA MAITUTURING NA MALAWAK ANG KAISIPANG NASASAKOP NG GANITONG


URI NG SULATIN, ANG INAASAHANG HIGIT NA MAKAUUNAWA LAMANG NITO AY ANG
MGA MAMBABASA NA MAY KAUGNAYAN SA TINATALAKAY NA PROYEKTO O SULIRANIN
NA MAY KINALAMAN SA ISANG TIYAK NA DISIPLINA O LARANGAN.
AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC
WRITING)
• ISANG INTELEKTWAL NA PAGSULAT. ANG GAWAING ITO AY NAKATUTULONG SA PAGPAPATAAS NG
KAALAMN NG ISANG INDIBIDWAL SA IBA’T IBANG LARANGAN.
• AYON KAY CARMELITA ALEJO ET AL. SA AKLAT NA PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK(2005), ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY MAY SINUSUNOD NA PARTIKULAR NA
KUMBENISYON TULAD NG PAGBIBIGAY NG SUPORTA SA MGA IDEYANG PINANGANGATUWIRANAN.
• LAYUNING NITONG MAIPAKITA ANG RESULTA NG PAGSISIYASAT O NG GINAWANG PANANALIKSIK.
• AYON NAMAN KAY EDWIN MABILIN ET AL. (2012), ANG LAHAT NG URI NG PAGSULAT AY PRODUKTO O
BUNGA LAMANG NG AKADEMIKONG PAGSULAT.
• LUBOS DING PINATATAAS NG URI NG PAGSULAT NA ITO ANG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA IBA’T
IBANG LARANGAN BUNGA NG MASUSING PAG-AARAL SA PAMAMAGITAN NG PAGSISIYASAT AT
PANANALIKSIK.
PROPESYUNAL NA PAGSULAT
(PROFESSIONAL WRITING)
• MAY KINALAMAN SA MGA SULATING KAUGNAY SA ISANG TIYAK NA LARANGAN,
PROPESYON O BOKASYON NG ISANG TAO. NAKAAON ANG PAMANTAYAN NG
SULATIN SA JOB DESCRIPTION NG INDIBIDWAL.
• HAL: LESSON PLAN, CURRICULUM GUIDE, PERIODICAL TEST, MEDICAL REPORT,
NARRATIVE REPORT AT IBA PA.
DYORNALISTIK NA PAGSULAT
(JOURNALISTIC WRITING)
• MAY KINALAMAN SA MGA SULATING MAY KAUGNAYAN SA PAMAMAHAYAG.
• HAL: BALITA, EDITORIAL, LATHALAIN AT ARTIKULO
• REPERENSYAL NA PAGSULAT (REFERENCIAL WRITING)
• LAYUNIN NG SULATING ITO NA BIGYANG-PAGKILALA ANG MGA PINAGKUNANG
KAALAMAN O IMPORMASYON SA PAGGAWA NG KONSEPTONG PAPEL, TESIS AT
DISERTASYON.
• HAL: REVIEW OF RELATED LITERATURE AND STUDY, AMERICAN
PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION ATBP.
PAGSULAT BATAY SA
NAKIKITA, NAAAMOY,
NARIRINIG AT
NALALASAHAN
JENEVIE MARIÑAS & ANGELINE MENDAZA
PAGSULAT BATAY SA NAKIKITA, NAAAMOY,
NARIRINIG AT NALALASAHAN
• SA PAGSULAT NG BATAY SA NAKIKITA, NAAAMOY, NARIRINIG, NADARAMA AT
NALALASAHAN PUMAPASOK ANG PAGLALARAWAN.
• ANG PAGLALARAWAN AY ISANG ANYO O PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG MGA
KAISIPAN O PALA-PALAGAY. MAAARING TUNGKOL SA TAO, HAYO, BAGAY, LUGAR
AT PANGYAYARI.
• GINAGAMITAN ITO NG MAKULAY, MAHUHUGIS AT MAANYO AT IBANG
MAPAPANDAMANG (NAAAMOY. NALALASAHAN, NARIRINIG) PANANALITA
MAY TATLONG PARAAN NG
PAGLALARAWAN:
• BATAY SA PANDAMA. NAKITA, NAAMOY, NALASAHAN, NAHAWAKAN, AT
NARINIG.
• BATAY SA NARARAMDAMAN. BUGSO NG DAMDAMIN.
• BATAY SA OBSERBASYON. BATAY SA OBSERBASYON NG MGA PANGYAYARI.
MGA URI NG PAGLALARAWAN
1. KONKRETO/KARANIWAN / OBHETIBONG PAGLALARAWAN - NAGBIBIGAY LAMANG
NG IMPORMASYON SA INILALARAWAN, HINDI ITO NAGLALAMAN NG SALOOBIN AT
IDEYA NG PAGLALARAWAN. ANG DAMDAMIN AT OPINYON NG TAGAPAGLARAWAN
AY HINDI DAPAT ISINASAMA.
• GUMAGAMIT LAMANG ITO NG MGA TIYAK AT KARANIWANG SALITANG
PANLARAWAN AT ITINATALA ANG MGA BAGAY O ANG MGA PARTIKULAR NA
DETALYE SA PAYAK NA PARAAN.
• A) ANG PISIKAL NA ANYO
• B) ANTAS NG PAMUMUHAY
• C) PAG UUGALI
• D) MGA NAKASANAYAN ATBP.
MGA URI NG PAGLALARAWAN
• 2. MASINING / SUBHETIBONG PAGLALARAWAN ITO'Y NAGLALAMAN NG DAMDAMIN AT
PANANAW NG SUMUSULAT. IBINIBIGAY NITO ANG ISANG BUHAY NA LARAWAN AYON SA
KANYANG NAKIKITA AT NADARAMA. MAPAPANDAMA - NAKIKITA, NARIRINIG, NAAAMOY.
NAHIHIPO, NALALASA, ANG MGA PANANALITANG GINAGAMIT DITO, BUKOD SA IBA PANG
MAHAHALAGANG KASANGKAPANG PAMPANLALARAWAN, GAYA NG PATAMBIS AT TAYUTAY.
• 3. TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN - PANGUNAHING LAYUNIN NG SIYENSIYA ANG MAILARAWAN
NANG AKMA ANG ANUMANG DAPAT AT KAILANGANG MALAMAN MULA SA MUNDO AT
KALAWAKAN. KAYSA NAKATUON ANG MANUNULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN SA EKSAKTONG
REPRESENTASYON NG MGA BAGAY-BAGAY AT PANGYAYARI, SA PAGKAKAMIT NG
KAEKSAKTUHAN O KAAKMAAN, KALIMITAN GUMAGAMIT NG MGA ILUSTRASYON ANG
MANUNULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN UPANG MAKITA NG MAMBABASA ANG LARAWAN O
HITSURA NG INILALARAWAN.
MGA URI NG PAGLALARAWAN

• HALIMBAWA:
• LARAWAN AT MGA PARTE NG DIGESTIVE SYSTEM.
• PAGLALARAWAN NG MGA GAMIT NG BAWAT PARTE NG ISANG MOTHERBOARD.
ANG MAHALAGANG KASANGKAPAN NG
MASINING NA PAGLALARAWAN
• 1. PANDAMA.

• SA PAGLALARAWAN DAPAT GAMITING MGA PANANALITA AY YAONG NARARAMDAMAN NG LIMANG


PANDAMA NANG SA GAYON AY HIGIT NA MAUNAWAAN AT LALONG KAWILIHAN.

• 2. PAGHAHAMBING

• MALAKI ANG NAITUTULONG NG PAGHAHAMBING O PAGTUTULAD O PAGWAWANGIS SA PAGLILINAW NG


MGA BAGAY-BAGAY NA INILALARAWAN. MAY AGWAT, MAY BILANG, MAY KULAY. MAY ANYO, MAY
HUGIS, MAY AMOY. MAY LASANG NADARAMA.

• 3. ANGKOP NA SALITA.

• KAILANGANG TIYAK NA KATANGIAN NG BAGAY NA INILALARAWAN O KUNG HINDI MAN, YAONG


MAGPAPAHIWATIG NG BAGAY. PINIPILI ANG PAGGAMIT NG MGA SALITA. DITO RIN NAKASALALAY ANG
KAPANGYARIHAN NG SALITANG UMANTIG AT KUMINTAL.
ANG MAHALAGANG KASANGKAPAN NG
MASINING NA PAGLALARAWAN
• 4. PAGTATAMBIS
• ITO AY MAAAARING SALITA O MGA PARIRALANG HINDI TUWIRANG TUMUTUKOY, SADYANG
LUMILIHIS SA LITERAL NA KAHULUGAN AT SA TUNTUNING PAMBALARILA, MAAARING
PINAGTAMBAL NA DALAWANG SALITANG MAY KANI-KANIYANG TANGING SARILING
KAHULUGAN NGUNIT MADALING NAPAPALITAN NG NALILIKHANG PANIBAGO O IKATLONG
KAHULUGAN.

• 5. PAGTATAYUTAY
• SA PAMAMAGITAN NG PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG MGA PAHIWATIG
MAARING MGA TANDA O MATATALINHAGANG PANANALITA, AY NASASABI NIYA
NANG MAHUSAY ANG NAIS NIYANG SABIHIN. ITO'Y AY NAPAPANSIN LAMANG
KAPAG NAG-AARAL NG TULA AT RETORIKA.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

• ISANG PAGPAPAHAYAG NG IMPRESYON O KAKINTALANG LIKHA NG PANDAMA. SA


PAMAMAGITAN NG PANG-AMOY, PANLASA, PANDINIG AT PANSALAT, ITINATALA NG
SUMUSULAT ANG PAGLALARAWAN NG MGA DETALYE NA KANYANG NARARANASAN.
• ISANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG TEKSTONG DESKRIPTIBO AY ANG
• RELASYON NITO SA IBA PANG URI NG TEKSTO. ANG PAGLALARAWAN KASING GINAGAWA SA
TEKSTONG
• DESKRIPTIBO AY LAGGING KABAHAGI NG IBA PANG URI NG TEKSTO PARTIKULAR ANG
TEKSTONG
• NARATIBO, KUNG SAAN KINAKAILANGANG ILARAWAN ANG MGA TAUHAN, ANG TAGPUAN,
ANG
• DAMDAMIN, ANG TONO NG PAGSASALAYSAY, AT IBA PA.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

• 1. PAGLALARAWAN SA TAO
• SAPAGKAT SI SUSANA'Y MUKHANG ANGHEL NG KAGANDAHAN SA KANYA...
(TALULOT SA PAGAS NA LUPA-LANDICHO)
• 2. PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN
• PUNUNG-PUNO NG NAKATATAKOT NA LARAWAN ANG KANYANG ULO. (O
PANGSINTANG LABIS - TUMANGAN)
• 3. PAGLALARAWAN SA BAGAY
• ANG DAMBUHALANG MAKINANG IYON AY WARING ISANG KAPANGYARIHANG
NALALAMON... (MAKINA – MARISA)
TEKSTONG DESKRIPTIBO

• 4. PAGLALARAWAN NG TANAWIN O LUGAR


• SA SINAG NG BUKANG-LIWAYWAY AY TILA NGA NAMAN NAG-
AANYAYANG KUNG PAANO ANG BAHAY NA MALAKI. TISANG BALOT
NG LUMOT SA BUBONG AY TILA NAGLILIWANAG. PATI ANG
KURTINANG GAGALAW-GALAW SA MARAHANG SIMOY NG HANGIN
AY TILA KUMAKAWAY. (KASALAN SA MALAKAING BAYAN - PINEDA)
MGA KAHINGIAN SA EPEKTIBONG
PAGLALARAWAN
1. PAGBUO NG ISANG PANGUNAHING LARAWAN - ITO AY DAAN UPANG
MAKAPUKAW NG INTERES NG TAGAPAKINIG O MAMBABASA SARILING
PANANAW O PERSPEKTIB
2. PAGPILI NG SANGKAP- ITO AY NAGSISILBING BATAYN NG TAGAPAKINIG O
MAMBABASA UPANG MAPAG-IBA ANG BAGAY NA INILALARAWAN KAISAHAN
SALIK AT ELEMENTO NG PAGLALARAWAN
• ANG PAGGAMIT NG WIKA PAGIGING ORGANISADO NG PAGLALARAWAN MGA
GINAGAMIT NA DETALYE PANANAW O PUNTO DE VISTA ANG NAIIWANG
IMPRESYON O KAKINTALAN.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
PAGLALARAWAN
A. MAY TIYAK AT KAWILI-WILING PAKSA.
B. GUMAGAMIT NG WASTO AT ANGKOP NA PANANALITA.
C. MALINAW NA PAGBUO SA MGA LARAWANG NAIS IPAKITA.
D. ISINASAALANG-ALANG ANG PAGPILI NG SARILING PANANAW SA
PAGLALARAWAN.
LENGGWAHE AT WIKA

JOHN ABE NASAYAO


LENGGWAHE AT WIKA

 ANG WIKA AY ISANG MASISTEMANG BALANGKAS NG MGA SINASALITANG TUNOG NA


ISINASAAYOS SA PARAANG ARBITRARYO UPANG MAGAMIT SA
PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA TAONG NABIBILANG SA ISANG KULTURA.
 ANG DIYALEKTO NAMAN AY BARYASYON NG WIKA. ITO RIN ANG GINAGAMIT NG
PARTIKULAR NA GRUPO NG MGA TAO NA MAY IISANG LUGAR, KUTURA, RELIHIYON, AT/O
PANINIWALA.
 ANG SIYENTIPIKONG PAG-AARAL NG WIKA AY TINATAWAG NA LINGGUWISTIKA.
LENGGWAHE AT WIKA

 KALIPUNAN ITO NG MGA SIMBOLO, TUNOG, AT MGA KAUGNAY NA BANTAS UPANG


MAIPAHAYAG ANG NAIS SABIHIN NG KAISIPAN.
 KATULAD NG LANGUAGE - TAWAG SA WIKA SA INGLES - NAGMULA ANG SALITANG
LENGGUWAHE SA SALITANG LINGUA NG LATIN, NA NANGANGAHULUGANG "DILA",
SAMAKATUWID ANG "WIKA" - SA MALAWAK NITONG KAHULUGAN - AY ANUMANG ANYO
NG PAGPAPARATING NG DAMDAMIN O EKSPRESYON, MAY TUNOG MAN O WALA, NGUNIT
MAS KADALASANG MAYROON.
MGA ANYO NG WIKA

• PINAKAPAYAK SA MGA ANYO NG WIKA ANG PAGGAMIT NG MGA SALITA O


PAGSASALITA. SUBALIT KABILANG DIN RITO ANG PAGSUSULAT, MGA WIKANG
PASENYAS, LARANGAN NG MUSIKA, SINING NG PAGPIPINTA, PAGSASAYAW, AT
MAGING ANG MATEMATIKA. "WIKA" ANG LAHAT NG MGA ITO KUNG GAGAMITIN
ANG MALAWAKAN NA KAHULUGAN NG WIKA. SA ILANG PAGKAKATAON,
TINATAWAG DING DILA (PIGURATIBO), SALITA, DIYALEKTO, O LINGO ANG WIKA.
MGA ANTAS NG WIKA
PORMAL
• ANG PORMAL AY ANG MGA SALITANG ISTANDARD, KARANIWAN, O PAMANTAYAN
DAHIL KINIKILALA, TINATANGGAP AT GINAGAMIT NG HIGIT NA NAKARARAMI
LALO NA NG MGA NAKAPAG-ARAL NG WIKA.
PAMBANSA - MGA KARANIWANG SALITANG GINAGAMIT SA MGA AKLAT PANGWIKA
O PAMBALARILA SA MGA PAARALAN, GAYUNDIN SA PAMAHALAAN.
PAMPANITIKAN/ PANRETORIKA - WIKANG SUMUSUNOD SA BATAS NG BALARILA,
KARANIWANG MATATAYOG, MALALALIM, MAKULAY, AT MASINING.
MGA ANTAS NG WIKA
IMPORMAL/ DI-PORMAL
• AY MGA SALITANG KARANIWANG PALASAK AT MADALAS GAMITIN SA PANG-ARAW-
ARAW NA PAKIKIPAGUSAP.
KOLOKYALISMO- GINAGAMIT NA SALITANG MAY "TAGLISH“, GINAGAMIT SA LOOB NG
SILID-ARALAN ,AT KABILANG DITO ANG PAGPAPAIKLI NG MGA SALITA
LALAWIGANIN - WIKANG GINAGAMIT NG ISANG PARTIKULAR NA LUGAR O POOK.
BALBAL (SALITANG KALYE) - PINAKAMABABANG URI NG WIKA, NA MGA SALITANG
NAHANGO LAMANG SA PAGBABAGO O PAG-USOD NG PANAHON, MGA SALITANG
NABUKLAT SA LANSANGAN. ITO RIN AY MAARING NABUO SA PAG-BALIKTAD NG MGA
SALITANG KOLOKYAL O PAMBANSA.
PAGGAMIT/PAGBUO NG
IMAHEN
MARIFER ARNEDO
IMAHEN

AY SALITA O PAHAYAG NA NAG-IIWAN NG KONKRETO SA ISIPAN NG MGA


MAMBABASA/TAGAPAKINIG. HINDI LAMANG ITO TUNGKOL SA SIMPLENG
PAGLALARAWAN NG ISANG TAO,BAGAY O PANGYAYARI.
ITO AY PAGLALARAWANG NAGBIBIGAY KULAY SA INILALARAWAN AT BUMUBUHAY SA
NARATIBO.
• ANG EPEKTIBONG PABGUO AT PAGGAMIT NG IMAHEN AY ISA SA MGA PAKSANG
KARANIWANG INAARAL NG MGA BAGONG MANUNULAT.
• IDINISENYO ANG IMAHEN UPANG PAIGTINGIN ANG PANINGIN, PANG-AMOY, PANDINIG,
PANLASA, AT PANDAMA NG MAMBABASA.
MASASABING MAHUSAY ANG PAGBUO AT PAGGAMIT NG IMAHEN KAPAG NADADALA
ANG MAMBABASA SA MUNDO NG TULA O KUWENTONG BINABASA. UPANG MAGING
MATAGUMPAY ITO KAILANGANG:

1. GAWING KONGKRETO ANG ABSTRAK. ISA SA MGA GABAY PARA SA MGA MANUNULAT ANG
KASABIHAN SA MALIKHAING PAGSULAT NA “SHOW DON’T TELL.” HUWAG MONG SABIHIN, IPAKITA
MO. SA MALIKHAING PAGSULAT, SINASABING MAS MAY KAPANGYARIHAN NG UNIBERSIDAD ANG
KONGKRETONG IMAHEN KAYSA ABSTRAKTONG IMAHEN (THIEL, 2005).
2. PAIGTINGIN ANG PANDAMA. LAHAT NG MAHUSAY NA MALIKHAING AKDA AY NAKABATAY SA
PANDAMA. KAPAG SINABING IMAHEN, TUMUTUKOY ITO HINDI LAMANG SA KUNG ANO ANG
NAKIKITA, KUNDI SA KUNG ANO ANG NARIRINIG, NALALASAHAN, NAAAMOY, AT NARARAMDAMAN.
3. GUMAMIT NG SIMBOLO. GAMIT ANG ISANG IMAHEN, MAAARING SUMIMBOLO ANG ISANG SALITA
NG HIGIT SA ISANG DIWA O KAHULUGAN. ANG BAHA, SUNOG,KAGUBATAN, KARAGATAN, AT
TAKIPSILIM AY ILAN LAMANG SA MGA UNIBERSAL NA SIMBOLO. SA PAGGAMIT NG SIMBOLO,
UMIWAS SA MGA CLICHÉ SA MGA GASGAS O PINAGSAWAAN NANG SIMBOLO. MAINAM KUNG
MAKAGAGAMIT NG MGA HINDI PA MASYADONG GINAGAMIT.
DIKSYON
MAE BRILLANTE
DIKSYON
AYON MULI KINA ADDONIZIO AT LAUX, ANG DIKSIYON AY TUMUTUKOY SA PAGPILI NG MGA SALITA O
WORD CHOICE.
GUMAGAMIT NG TAMANG DIKSIYON PARA PANIWALAIN ANG MAMBABASA NA ANG NARANASAN
TALAGA NG PERSONA ANG MGA INILALARAWAN SA TULA.

ILAN SA MAAARING GABAY SA PAGBUSISI NG PERSONA O TAUHAN:


1. URI.
MAHIRAP BA SIYA O MAYAMAN? EMPLEYADO O BOSS? SIYENTISTA O INHINYERO?
2. KASARIAN.
SIYA BA AY BABAE O LALAKI? BAKLA BA SIYA O TOMBOY? O NALILITO PA SIYA SA KANIYANG
KASARIAN?
DIKSYON
3. LAHI.
• SIYA BA AY PILIPINO, FIL-AM, O BANYAGANG NATUTO LANG NG WIKANG
FILIPINO?
4. ETNISIDAD.
• SAANG BAHAGI NG PILIPINAS SIYA LUMAKI?
5. EDAD.
• HINDI KAILANGANG LIMAMPUNG TAON ANG PAGITAN NG EDAD NG DALAWANG
TAO PARA MAGKAIBA ANG KANILANG DIKSIYON, MINSAN KAHIT DALAWANG
TAON LANG.
DIKSYON
6. SITWASYON.
• IBA MAGSALITA ANG ISANG TAO KUNG ANG KAUSAP NIYA AY ANG KANIYANG MGA MAGULANG O MGA
GURO. IBA RIN KAPAG KASAMA NIYA ANG MGA KAIBIGAN NIYA O KAKLASE. LALO PA, MAS MALAMBING ANG
KANIYANG PANANALITA KUNG KASAMA NIYA ANG KANIYANG KASINTAHAN O NILILIGAWAN. SAMANTALA,
KAILANGAN NIYANG MAGTAPANG-TAPANGAN KAPAG ANG KAHARAP AY ANG KANIYANG KAAWAY.
7. RELIHIYON, EDUKASYON, AT IBA PANG PERSONAL NA KARANASAN.
• MAAARING LUMABAS SA PAGSASALITA NG PERSONA O TAUHAN ANG PAGIGING KATOLIKO NIYA O MUSLIM
O KUNG WALA SIYANG PINANINIWALAANG DIYOS. IBA RIN MAGSALITA ANG NAKATAPOS NG MBA (MASTER
OF BUSINESS ADMINISTRATION) SA NAKATAPOS NG MFA (MASTER OF FINE ARTS), KAHIT NA PAREHO PA
SILANG DUMAAN SA TINATAWAG NA GRADUWADONG PAG-AARAL. GAYUNDIN, ANG MGA MINSAN NANG
NASAKTAN SA PAG- IBIG AY IIWAS SA PADASKOL-DASKOL NA PAGGAMIT NG "BABY" AT "I LOVE YOU;" ANG
ISANG TAONG MAY KAPATID NA MAY DOWN'S SYNDROME AY IIWAS SA PANLALAIT NA NAKAKASAKIT NG
DAMDAMIN NG MGA TAONG MAY KAPANSANAN.
ANG SINING NG
MALIKHAING PAGSULAT
CLARA DE LA CRUZ
KAHULUGAN NG PAGSULAT
ANG PAGSULAT AY ANUMANG PAGPAPAHAYAG GAMIT ANG LETRA O ALPABETO.

SINING
- PAGPAPAHAGAY NG DAMDAMIN SA PAMAMAGITAN NG ISIP, PAGGAWA AT HIGIT SA LAHAT
NG PUSO.
MALIKHAING PAGSULAT
- ANG MALIKHAING AKDA AY ISINUSULA UPANG MAGBIGAY ALIW SA MGA MAMBABASA
AT BIGYAN SILA NG PAGUNAWA SA KANILANG BUHAY AT SA LIPUNANG KANILANG
GINAGALAWAN.
- ANG MALIKHAING PAGSULAT AY ISANG SINING NA HINAHANGO MULA SA KARANASAN
NG MANUNULAT.
PROSESO NG PAGSULAT
• BAGO SUMULAT (PREWRITING)
• PAGSULAT NG BURADOR (DRAFT WRITING)
• PAGREBISA
• PAG-EEDIT
• PAGLALATHALA

LAYUNIN NG PAGSULAT
• METALINGUAL
• EMOTIVE
• PERSUASIVE
• CREATIVE
MALIKHAING PAGSUSULAT

GLYDEL MONEDA
PAGSULAT
• ITO AY ISANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG MGA IDEYA O IMPORMASYON SA
PARAANG TEKNIKAL, NGUNIT MAAARI ITONG MAGING MALIKHAIN KUNG
KAKAKITAAN NG IMAHINASYON, DAMDAMIN O EMOSYON ANG ISANG SULATIN. SA
GANITONG KONSEPTO NG PAGSULAT, ISANG MAHALAGANG KASANAYAN NA DAPAT
MALINANG AY ANG KAKAYAHANG MAIPARANAS NG MANUNULAT SA KANIYANG MGA
MAMBABASA ANG KANIYANG MGA NAIISIP, NARARANASAN, NARARAMDAAN AT
NAMAMALAS.
• ANG PAGSULAT AY ANUMANG PAGPAPAHAYAG NA GAMIT ANG LETRA O ALPABETO.
• ANG PAGSULAT AY ISANG PROSESO NG PAGTATALANG KARAKTER SA ISANG MIDYUM
NA MAY LAYUNING MAKABUO NG MGA SALITA.
• ANG MALIKHAING PAGSULAT AYON KINA CASTILLO ET AL (2008), AY ISANG NATATANGING URI NG
PAGSULAT SAPAGKAT KAILANGAN NITONG MAGTAGLAY NG MAHUSAY NA DIWA AT PAKSA.
• ANG MALIKHAING PAGSULAT AY KILALA RIN SA LARANGAN NG PAGSULAT NG PANITIKAN O
LITERATURA AYON KAY RENE O. VILLANUEVA.
• ANG MALIKHAING PAGSULAT AYON KINA CASTILLO ET AL (2008), AY ISANG NATATANGING URI NG
PAGSULAT SAPAGKAT KAILANGAN NITONG MAGTAGLAY NG MAHUSAY NA DIWA AT PAKSA.
• ANG MALIKHAING PAGSULAT AY KILALA RIN SA LARANGAN NG PAGSULAT NG PANITIKAN O
LITERATURA AYON KAY RENE O. VILLANUEVA.
• PARA NAMAN KINA CASTRO ET AL. (2008), ANG MALIKHAING PAGSULAT AY GUMAGAMIT NG
MAYAMANG IMAHINASYON NG ISANG MANUNULAT. MAAARING ITO AY BATAY SA PAKSA MULA
SA NARINIG, NAKITA, NABASA, AT HIGIT SA LAHAT AY BATAY SA NAGING KARANASAN NG
MANUNULAT. SA PAGSULAT NA ITO AY NAGAGAWANG MAIPAHAYAG NG MANUNULAT ANG IBA’T
IBANG EKSPRESYON NG KANIYANG DAMDAMIN, IDEYA, MENSAHE, AT MGA ARAL NA IBIG
IKINTAL SA BAWAT BABASA NG AKDA.
LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT
NATHALIE LORENO
LAYUNIN
• ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG PAGSULAT AY ANG MAPABATID SA MGA TAO O LIPUNAN ANG
PANINIWALA, KAALAMAN AT MGA KARANASAN NG TAONG SUMUSULAT (DR. ERIBERTO ASTROGA, JR. –
PAGBASA, PAGSULAT AT PANANALIKSIK 2001).
• MAPABATID SA TAO O LIPUNAN ANG PANINIWALA, KAALAMAN AT MGA KARANASAN NG TAONG SUMULAT.

2 BAHAGI NG LAYUNIN SA PAGSULAT (TRANSPORMATIBONG KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG


FILIPINO 2012)
1. PERSONAL O EKSPRESIBO
• ANG LAYUNIN NG PAGSULAT AY NAKABATAY SA PANSARILING PANANAW, KARANASAN, NAIISIP O
NADARAMA NG MANUNULAT.
2. PANLIPUNAN O SOSYAL/TRANSAKSIYONAL
• ANG LAYUNIN NG PAGSULAT AY ANG MAKIPAG-UGNAYAN SA IBANG TAO O SA LIPUNANG GINAGALAWAN.
ANG IBANG TAWAG SA LAYUNING ITO NG PAGSULAT AY “TRANSAKSIYONAL”
KAHALAGAHAN O BENEPISYO SA
PAGSUSULAT
1. MASASANAY ANG KAKAYAHANG MAG-ORGANISA NG MGA KAISIPAN AT MAISULAT ITO SA
PAMAMAGITAN NG OBHETIBONG PARAAN.
2. MALILINANG ANG KASANAYAN SA PAGSUSURI NG MGA DATOS NA KAKAILANGANIN SA
ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON.
3. MAHUHUBOG ANG ISIPAN NG MGA MAG-AARAL SA MAPANURING PAGBASA SA PAMAMAGITAN NG
PAGIGING OBHETIBO SA PAGLALATAG NG MGA KAISIPANG ISUSULAT BATAY SA MGA NAKALAP NA
IMPORMASYON.
4. MAHIHIKAYAT AT MAPAUUNLAD ANG KAKAYAHAN SA MATALINONG PAGGAMIT NG AKLATAN SA
PAGHAHANAP NG MGA MATERYALES AT MAHAHALAGANG DATOS NA KAILANGANIN SA PAGSULAT.
5. MAGDUDULOT NG KASIYAHAN SA PAGTUKLAS NG MGA BAGONG KAALAMAN AT PAGKAKAROON NG
PAGKAKATAONG MAKAPAG-AMBAG NG KAALAMAN SA LIPUNAN.
6. MAHUHUBOG ANG PAGPAPAHALAGA SA PAGGALANG AT PAGKILALA SA MGA GAWA AT AKDA NG
KANILANG PAG-AARAL AT AKADEMIKONG PAGSISIKAP.
7. MALILINANG ANG KASANAYAN SA PANGANGALAP NG MGA IMPORMASYONG MULA SA IBA’T IBANG
BATIS NG KAALAMAN PARA SA AKADEMIKONG PAGSULAT.
MGA GABAY SA MALIKHAING
PAGSULAT
MAYLENE NAVARRO
MGA GABAY SA MALIKHAING PAGSULAT

1. LAGYAN NG PUSO O EMOSYON ANG SINUSULAT


• MAHALAGA NA SA BAWAT SULATING NAIS NATING IBAHAGI, NILALAGYAN NATIN
NG PUSO O EMOSYON ANG ATING AKDA. DITO NATIN MAPUPUKAW ANG INTERES
NG ATING MAMBABASA DAHIL MALALAMAN AT MARARAMDAMAN NILA KUNG
MAY PUSO O WALA ANG ATING SINUSULAT. SAMAKATUWID, ANG PAGKUHA SA
INTERES AT DAMDAMIN NG MAMBABASA AY ISA SA PINAKAMAHALAGANG
ASPETO NG PAGSUSULAT.
2. LAWAKAN ANG ISIP O IMAHINASYON
• DITO NAGIGING KAWILI-WILI ANG AKDA LALO NA KUNG NABABATID NG MAMBABASA ANG LAWAK NG
IMAHINASYON NG MANUNULAT. NAGIGING EPEKTIBO RIN ANG PAGLALAHAD NG AKDA KUNG NABIBIGYAN NG
IMPLUWENSYA ANG MAMBABASA NA MAGKAROON NG MALAWAK NA PAG-IISIP.
3. MAGBIGAY NG ARAL, LIBANG O IMPORMASYON
• MAHALAGA PARA SA MAMBABASA NA MAKAKUHA NG KAHIT ANO MANG ARAL, LIBANG O IMPORMASYON SA
KANYANG BINABASA. SA DAMI NG PWEDENG PAGPILIANG BASAHIN, MAS MAGANDA NA MAY MAIBIGAY RIN
TAYONG LIBANG O AMBAG SA KARUNUNGAN NG MGA MAMBABASA.
4. MAAYOS NA DALOY NG MGA SALITA
• BIGYAN NG BUHAY ANG BAWAT DALOY NG MGA SALITA. PANATILIHING NASA MAAYOS NA DALOY ANG
PAGLALAHAD NG KWENTO AT IWASAN ANG PAGLIKO-LIKO AT BIGLAANG PAGTALON MULA SA ISANG PAKSA
PAPUNTA SA PANIBAGONG PAKSA.
5. WASTONG BAYBAY AT BANTAS
• HINDI MAITATANGGI NA HIRAP PA RIN ANG KARAMIHAN SA ATIN SA WASTONG BAYBAY NG MGA SALITA AT
PAGBABANTAS, NGUNIT ISA ITO SA KAILANGANG PAGTUUNAN NG PANSIN UPANG MAGING PRESENTABLE ANG
ATING AKDA. MAS NAKAKAPUKAW RIN NG INTERES ANG PAGLALAHAD NG PRESENTABLENG AKDA KAYA
BIGYAN DIN NG ORAS ANG PAGWAWASTO NITO.

You might also like