You are on page 1of 3

ARALIN 2.

A. Panitikan: Aginaldo ng mga Mago


Maikling Kuwento mula sa United State of America.
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi” ni O. Henry (William Sydney
Porter).

B. Gramatika at Retorika: Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi


Gamit sa Pagsasalaysay ng mga Pangyayari.

C. Uri ng Teksto Nagsasalaysay.


PA N I M U L A

• Maraming makata at pilosopo ang nagtangkang bigyan ng kahulugan ang salitang pag-ibig, ngunit hindi
pa sila ganap na nagtatagumpay. Ang tanging nababatid natin ay ang katotohanan na kapag ang isang tao
ay umiibig, nakakaramdam siya ng isang kasiya-siya at panatag na damdamin, kabaitan, at
nagpapakasakit.Napili kong ibahagi sa iyo ang kuwento ng Aginaldo ng mga Mago upang ipaunawa sa
mga mambabasang tulad mo ang tunay na Kahalagahan ng Pagsasakripisyo at pagbibigayan lalo na
tuwing sumasapit ang araw ng Kapaskuhan.

• Ang Aralin 2.7 ay tatalakay sa isang maikling kuwento Aginaldo ng mga Mago na orihinal na akda ni
O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino Alehandro. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa araling ito
ang tungkol sa pokus sa Ganapan at pokus sa Sanhi na makatutulong sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.

• Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naipamamalas mo ang pagpapahalaga sa maikling kuwento at


nakapagtatanghal ka ng isang tableau na may kaugnayan sa mahalagang tema o mensahe ng
akda.Mamarkahan ka ayon sa inaasahang pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: a.)
mensahe/kaangkupan sa tema, b.) kahusayan sa pagtatanghal (pag-arte/ ekspresiyon ng mukha, c.)
paglalarawan sa set (production set/props, kasuotan), at d.) kawilihan.

You might also like