You are on page 1of 15

WIKA

WIKA
•Masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang
kultura.
BALANGKAS NG WIKA
Ponema
Ponolohiya
Morpema
Morpolohiya
Pangungusap
Sintaksis
Ponema – Makahulugang
tunog ng isang wika
Ponolohiya – Makaagham
na pag-aaral ng mga
ponema
Morpema – Mabubuong salita
kapag pinagsama sama ang
mga ponema.
Morpolohiya – makaagham na
pag-aaral ng mga morpema.
Pangungusap – mabubuo kapag
pinag-uugnay ang mga
morpema / salita na nabuo.
Sintaksis – makaagham na pag-
aaral ng mga pangungusap.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
4. Ang wika ay arbitraryo
5. Ang wika ay ginagamit
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
7. Ang wika ay nagbabago
TUNGKULIN NG WIKA
1. Interaksyunal
2. Instrumental
3. Regulatori
4. Personal
5. Imahinatibo
6. Heuristik
7. Impormatib
Interaksyonal -Nakapagpapanatili o
nakapagpapatatag ng relasyong
sosyal
Instrumental – tumutugon sa mga
pangangailangan.
Regulatori – kumokontrol at
gumagabay sa kilos / asal ng iba

Personal – nakapagpapahayag
ng sariling damdamin o opinyon
Imahinatibo – Nakapagpapahayag
ng imahinasyon sa pamamagitan
ng malikhaing paraan.
Heuristik – Naghahanap ng mga
impormasyon / datos
Impormatibo – nagbibigay ng
impormasyon / datos
ANTAS NG WIKA
1. Pormal
2. Impormal
Pormal – mga salitang istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo
na ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit
sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan. Ito rin
ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
b. Pampanitikan/panretorika – mga salitang
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pamapanitikan. Mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makukulay at masining.
Impormal – Mga salitang karaniwang palasak, pang-
araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
a. Lalawiganin- mga bokabularyong dayalektal.
Gamitin ang mga ito sa particular na pook o
lalawigan lamang.
b. Kolokyal - mga pang-araw araw na salitang
ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
c. Balbal – ito ang pinakamababang antas ng wika.
PORMAL IMPORMAL

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

Ilaw ng
Ina inang nanay ermat
tahanan

pera salapi kwarta pera datung

You might also like