You are on page 1of 27

TEKSTONG NAGBIBIGAY

IMPORMASYON
(Impormatibo), Kaalamanan
ay Punong-puno
Bakit nga ba kailangan natin ng mga impormasyon?

Malaki ba ang kapakinabangan na


makukuha mula rito?
Ano ang impormasyon?
Ang impormasyon ay ang sistematikong
pagbubuo,paghahanay,at pag-uugnay ng mga
kaisipan,idea,saloobin,katotohanan,at mga
impormasyon.
Ang mga pangunahing impormasyon tulad ng
pangalan,edad, tirahan,paaralan,pisikal na
kaanyuan,katangian,at marami pang iba ay ilan
lamang sa mga maaaring malaman sa iyo at sa
iyong kapwa.Tiyak at tumpak ang mga
impormasyong ito.
Sa lahat ng pagkakataon,dapat maihatid sa tao
ang mga impormasyon na kailangan niyang
malaman upang magamit niya sa pang-araw-
araw na pamumuhay.Karapatan niyang malaman
ang mga impormasyon tungkol sa kaniyang sarili,
pamilya, komunidad, at panayam.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Ang tekstong impormatibo ay may layuning
maging daluyan ng makatotohanang impormasyon
sa mambabasa. Binabaklas nito ang mag di-
maunawaang kaisipan sa isang paksa.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Obhetibo ito kaya limitado lamang ang pagkiling o paglapat ng
damdamin ng may-akda sa paksa. Ang emosyon,
damdamin,saloobin,kaisipan,opinion,at sarili ng may-akda ay
maaaring mabigyan ng pagkakataong isiwalat kung
napangibabawan pa rin ito ng samot-saring kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa. Sa bawat tekstong
impormatibo na binabasa, kailangan magkaroon ng tamang
pagsusuri ang mambabasa sa mga impormasyon sapagkat
nagbibigay ito ng sensitibong paghahanay ng mga kaisipan na
madaling paniwalaan ng mambabasa.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Nagtitiwala ang mga mambabasa sa pagbasa ng ganitong
teksto sapagkat batid niyang marami at makatotohanan ang
ang mga impormasyon na makukuha niya rito.

Ilan sa mga halimbawa ng tekstong


impormatibo ay:
Pahayagan o Diyaryo
Mga patalastas at marami pang iba
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Dapat isaalang-alang na sa bawat pagbasa ng isang teksto,
may mga makukuhang impormasyon na makatotohanan o
maaaring gawa-gawa lamang.
Ang pagiging maingat ang isa sa mga katangiang dapat
taglayin ng isang mambabasa. Kailangan ng mga katibayan o
ebidensiya upang maging makatotohanan ang isang
impormasyon.
Ang mga ito ay makatutulong at makapagbibigay-liwanag sa
bawat indibidwal na masagot ang ilang mga katanungan sa
kanilang isipan.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Layunin ng isang tesktong impormatibo na isalin at bigyang-
linaw ang mga katanungan, agam-agam,o pag-aalinlangan na
bumabalot sa isipan ng bumabasa hinggil sa paksang
tinalakay. Ang mga ito ay nangangailangan ng katumpakan o
katiyakan ng mga impormasyon.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Sa pagkuha ng datos mula sa isang tekstong
impormatibo, napakahalagang malaman kung sino ang
may-akda o ang taong pinanggalingan ng isang
impormasyon o datos upang malaman kung ang mga ito
ay kongkreto, tiyak, tama,at mapagkakatiwalaan.
Napakahalaga ng kredibilidad ng may-akda sa
pagkakataong ito. Mahalaga ring matukoy at masuri
ang dahilan o layunin ng may-akda sa pagbahagi ng
impormasyon.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Mayroon bang nais isiwalat na katotohanan ang
may-akda sa tekstong binasa? Suriin kung ang
teksto ay isang opinion at may kinikilingin.
Kailangang dokumentado ang teksto upang
maging mas mabisa ito at kung ito ba ay
napapanahon.
Tekstong Nagbibigay Impormasyon
(Informative)
Sa pangangalap naman ng impormasyon, kailangan
tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang
kailangan. Narito ang ilan sa mga gabay na tanong sa
pagsusuri ng ilang tekstong impormatibo.
1. Mapagkakatiwalaan ba ang my-akda/tagapaglathala?
2. Makatotohanan ba ang mga impormasyoon o datos?
3. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?
Upang maging mabisa ang pagkalap ng
mga impormasyon, mainam na
isaalang-alang ang iba’t ibang paraan
ng paghango ng mga datos na
makatutulong sa pagpapalawak ng
kaalaman.
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
(Ayon kay Mosura, et al.1999)

Hanguang Primarya Hanguang Elektroniko Hanguang Sekondarya

Mga indibidwal o Internet sa  Mga aklat tulad ng diksiyonaryo,


ensiklopedya,taunag-aklat o
awtoridad pamamagitan ng yearbook,almanac, at atlas
Mga grupo o e-mail  Mga nalathalang artikulo sa
journal,magasin,pahayagan,at
organisasyon Telepono o newsletter
Mga kaugalian cellphone  Mga tesis,disertasyon,at pag-aaral
sa feasibility,nailathala man ang
Mga mga ito o hindi
pampublikong  Mga
monograp,manwal,polyeto,manuskrito
kasulatan o ,at iba pa
dokumento
Katangian ng Tekstong Impormatibo
Naglalahad ito ng mga mahahalagang bagong
impormasyon,kaalaman,pangyayari,paniniwala,at tiyak na
detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa.

Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-


sunod at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.

Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga


bagay at paksang pinag-uusapan.
Katangian ng Tekstong Impormatibo
Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak
ng kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga paksang
inilalahad upang mawalan ang alinlangan.
Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng
mga konsepto.
Naglalaman ng impormasyong makatotohanan at hindi
gawa-gawa lamang.
Nagbibigay ng impormasyon o paliwanag na
makatotohanan ayon sa pananaliksik o masusing pag-
aaral.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon

Sa Makati at Divisoria, Denims ang Hanap Nila


Valerio L. Nofuente
Hindi mapasubaliang ang may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay
maong o denims. Tila uniporme ng Pinoy ang pantalong maong lalo na sa mga
siyudad at matatagpuang namamayani sa mga
kampus,pabrika,opisina,subdibisyon,at pook-iskwater. Ito’y isinusuot ng traysikel
boy at executive, disc jockey at kanto boy, naka-Mercedes Benz at naka-dyip,
babae, bakla, matron, at mukhang tatay, estudyante, at drop-out.
Tila lagareng Hapong kumakagat pasulong man o paurong, ang makapal na telang
ito’y puwedeng pambahay, pang-ekskursiyon, pantrabaho, pamparty, at pamporma.
Walang pinipiling edad o uri ng tao. Ito ay unisex, pangmahirap o pangmayaman,
pangtinedyer at pangmatanda. Babagay kina Jean at Johnny, Juan at Juanito at
Juanita.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon

Sa Makati at Divisoria, Denims ang Hanap Nila


Valerio L. Nofuente
Sa malilikot na guniguni at malikhaing kamay ng Pinoy, iba-iba ang anyo na
nagagawang palitawin sa kapirasong tela o bawat putol na papantalunin. Maaaring
makakita ng straight cut, bell-bottoms, de-baston ,de-rimatse, at burdado. Isang
tinedyer na taga-San Mateo ang may pantalong kung taguri’y pang-Ermita dahil
parang album ng patches buhat sa insigania ng ROTC, Marist Kindergarten,
College of Law, Lions Club, RCPI, Village Homeowner’s Association, U.S. Navy,
PLDT, Philippine Army. Sa huling araw ng klase noong nakaraang summer, isang
estudyante ang may dala ng marking pen at lahat ng kaklase ay pinapirma sa
pantalong maong para may maiwang souviner sa kanya.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon

Sa Makati at Divisoria, Denims ang Hanap Nila


Valerio L. Nofuente
Isang sastre ang narinig na napapalatak, puro maong daw ang dinaanan ng kanyang
gunting sa buwan ng pasukan ngayong Hunyo. Sa mga department store, tila pila
ng libreng bigas na lagging puno ng tao ang mod shoppe o mga seksiyong may
nakadispley na Levi’s, Amco, Hustler, Wrangler, Jag at iba pa.
Ayon sa isang estudyante, Madali raw mahalata ang galing sa probinsiyang
freshman. Kalimita’y naka-double knit. Ngunit sa susunod na semester,kasapi na
rin sila ng rehiyon ng kabataang nakasuot ng tila unipormeng denims. Katunayan,
may tatak ng etsa-puwera ang hindi nakamaong sa paaralan.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon

SERGE DE NIMES

Ang denims (maong sa Pinoy) ay isang uri ng matibay at makapal na telang buhat
sa sinulid na bulak. Dahil sa orihinal na kulay ay nagging angkop ito sa gawaing
pampabrika. Ang ngalan ng tela ay buhat sa serge de nimes, o telang buhat sa
Nimes, na isang pook sa Pransiya,Kalaunan, mas kilala ito sa pinaikling denims.
Ang angkop na gamit sa pantalong denims ay natuklasan nang di sinasadya noong
1850 sa California. Panahon yaon ng Gold Rush at isang nandarayuhang Aleman, si
Levi Strauss, ang nagtungo sa minahan dala-dala ang makapal na telang kambas
upang ipagbiling tent o bubong ng bagon.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon

SERGE DE NIMES

Ngunit hindi tent o bubong ang kailangan ng minero kundi pantalong may matibay
na tela, tahi at di-rimatseng bulsa para tumagal sa harabas na trabaho. Hindi
masasayang ang kambas, naisip ni Strauss, at ito’y ginawa niyang pantalong
matibay. Naging mabili ang produkto sa mga minero. Nag-empleo si Strauss ng
maraming sastre at ang malauna’y denims na ang ginamit.
Nanatiling damit na pantrabaho ang denims o maong. Sa Pilipinas noong bago
magkagiyera, ang maong ay suot ng nagtatrabaho sa bukid, talyer, at pabrika. Sa
mga probinsiya, kasama ng telang gris na tulad ng maong at makapal at maruming
tingnan, nagging panalaban ito sa putik, ulan, alikabok, at pawis. Sa isang lumang
aklat na ginamit para sa kursong sosyolohiya, ang nagsusuot ng maong ay itinuring
na mamamayang maliit ang kita at mababa ang pinag-aralan.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon
SERGE DE NIMES
Noong Pasko, taong 1963, sa halip na magbigay ng salaping bonus, ang ipinamasko
ng Lirag Textile Mills sa mga mangagawa ay yarda-yardang maong. Maraming
nagalit na empleyado. Isang ama ang nagpatahi ng pantalon para sa anak na nag-
aaral sa hayskul. Nangigigil ang ama dahil pinauwi ng principal ang estudayante –
hindi raw damit pang-eskuwela ang suot ng bata.
Sampung taon lamang nakaraan, nakabaligtad na ang pagpapahalaga ng mga tao sa
denims. Anumang pagtuturo ng titser sa hasykul na hindi disenteng tingnan ang
maong, patuloy pa rin itong isinusuot ng kabataang higit na nahihiyang magsuot
ng double knit kaysa parusahan ng expulsion. Isang paring Hesuwita na
nakatalaga sa Marikina ang nagging tampulan ng paghagikhik at pagkagulat ng
komunidad pagkat sa pagbabasbas ng bahay, kotse, o patay ay nakasuot ng
pantalong denims. Bakit nga naman, nasa ganitong pagdadamit ang identipikasyon
sa taong-bayan.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon
SERGE DE NIMES
Hindi lamang karaniwang mamamayan ang nagsusuot ng maong. May ilang opisyal
ng gobyerno, teknokrata, at executive sa malalaking opisina ang nakamaong na
ring malimit lalo na kung Sabado at Linggo. Si Prinsesa Anne ng Inglatera at
Susan Ford ng Estados Unidos ay nakunan na rin ng larawan nang naka-denims.
tuloy., ang denims ay tila moda at kulturang tagapag-uganay sa buong planeta.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon
REBELYON SA TIPONG DISENTE
Komplikado ang dahilan sa pagtanggap ng mayayaman at ng kabataan
sa kasuotang dati’y itinuring na pangmahirap lamang. Sa pagpasok ng
dekada sisenta, nagging simbolo ito ng rebelyon para sa mga
kabataang taga-kanluran dahil sa alyenasyong dulot ng mabilis na
industriyasasyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Maruming tingnan, gusot, at kupas naa maong ang suot ni James Dean
at ng beatnik na nagging idolo ng kilusang walang direksyon ng mga
kabataan noon. Pinag-aalsahan nila ang istriktong moralidad at
mahigpit na pamantayan ng middle class.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon
REBELYON SA TIPONG DISENTE
Suot naman noon ng establisimiyento ang mukhang laging plantsadong
wash and wear, tetoron at double knit, na tineternuhan ng kurbata.
Ang establisimiyento ay larawan ng lipunang sakal ng kurbata ng
moralidad at balot ng batas na ayaw magsuot tulad ng wash and wear.
Ang maong ay rebelyon laban sa establisimiyentong may baliw halos na
paghahangad na makuhang disente upang maitago ang kahinaan at
katiwalaan ng Sistema. Naghanap ang kabataan ng kataliwasan ng
damit ng middle class, yaong hindi maporma, mukhang marumi at hindi
nagtatago ng kahirapan.
Halimbawa ng Tekstong Nagbibigay Impormasyon
REBELYON SA TIPONG DISENTE
Kung mukhang luma at gusgusin, higit na mas magaling. May
estudyanteng taga-Lyceum na bumili ng bagong pantalon. Binuhusan
niya ito ng chlorox at presto,bilang kupas,mukhang luma.
Tatak din ng pantalong maong ang pag-aalsa ng kababaihang itinali sa
kumbensiyon ng palda at saya. Lalo na noong panahon ng mini skirt,
ang anak ni Eba’y kailangang bumaba nang de-numero sa kotse o
magtakip ng kwaderno samatalang nakaupo sa dyipni upang huwag
mabunyag ang takaw-matang tanawin. Kapag nakapalda’y mahirap
makipaghabulan sa pagbitin sa estribo ng bus o sumalampak sa lupa at
nakatatako malilisan ng malakas na ihip ng hangin.

You might also like