You are on page 1of 12

PAGSULAT NG KOLUM

(EDITORYAL)
Ang KOLUM o PITAK ay
regular na lathalain o serye ng
mga artikulo sa pahayagan,
magasin, at iba pang
publikasyon, kasama ang
online.Naglalaman ito ng mga
komentaryo o opinyon ng mga
kolumnista o manunulat.
Kadalasan ang kolum ay mayroon nang kilalang heading at byline ng
manuunulat o editor, na nagbibigay ulat o komento ukol sa isang paksa. At
ito ay maaaring isulat ng isang tao o grupo na gumagamit ng katawagan.

Ang kolum ay ang pinakapersonal sa lahat ng pagsulat sa


pahayagan. Personal itong nanghihikayat ng mga
mambabasa at may makapangyarihang impluwensiya at
kapaki-pakinabang na kontribusyon sa pagpapalaganap ng
balita at opinion.
Ang kolum ay isinusulat upang magpabatid, manghikayat, o mang-aliw ng mga mambabasa. Mataas ang
interes ng kolumnista sa mga mambabasa para mag-udyok na makipagtalakayan ang publiko tungkol sa
paksa.

Sa pagsusulat g kolum, mahalaga na magkaroon ng malinaw na pananaw o posisyon sa isang isyu. Dapat
itong suportado ng mga katibayan, datos, at argumento upang maging makatotohanan at kapani paniwala
ang sinasabi ng manunulat.

Tandaan na ang pagsusulat ng kolum ay isang paraan ng pagpapahayag ng malayang kaisipan at


pagbibigay boses sa mga isyung kinakaharap ng lipunan. May malaking ambag ang kolum sa
pagpapalaganap ng impormasyong may kredibilidad.
Ang pagsusulat ng kolum ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang estilo at tone, depende sa layunin ng
manunulat at sa uri ng publikasyon kung saan ito ilalathala. Maaaring maging malikhain, mapanuri,
mapangahas, o mapanuring-kritikal ang pagsusulat ng kolum, depende sa layunin ng manunulat at sa
kaniyang pananaw sa isang partikular na isyu.

Ang kolum ay isinusulat upang aliwin ang mga mambabasa, kaya maaaring gumamit ito ng mga
pahayag na hindi masyadong pormal o seryoso, habang hindi naman nalalayo sa totoo nitong layunin.

Ang isang mahusay na kolumnista ay may kasanayan at kaalaman sa wastong paggamit ng wika. Dapat
siyang magtaglay ng orihinalidad, masining na ideya, at malawak na imahinasyon. Ang kaniyang
kakayahang magsulat o estilo sa pagsulat ay dapat malakas at naangkop sa pagbabago.
Nararapat lang din na siya ay mapagmasid at malinaw at lohikal mag-isip.
REFERENCES:

https://twitter.com/pinoyanghang/status/1361900994632687621/phot
o/1
https://www.facebook.com/1955327624711497/photos/a.2109699295
940995/2782704965307088/?type=3
https://www.youtube.com/watch?v=KIFCK5_QUjE

You might also like