You are on page 1of 56

USEP Review Center Bo.

Obrero, Davao City

1. Ang PAGAL na guro ay sandaling tumigil bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.


A. pagod B. galit C. pihikan D. mabagal E. mahinahon

2. Ang mga magbubukid ay NABIHASA sa paggamit ng kalabaw bilang katulong nila sa pagsasaka. A. nagsawa B. nasanay C. natuto D. nahirapan E. nagtiwala

3). Nahirapang MATUTOP ng mga sundalo ang grupo ng MNLF.


A. narinig B. nasubaybayan C. nahabol D. nahuli E. naitago

4). Ang kahirapang ito ang SUBYANG ng aking puso.


A. pabigat B. suliranin C. tinik D. kasiyahan E. pangamba

5). PINAGTIKAAN ko na ang lahat ng aking pagkakasala sa iyo. A. kinalimutan B. tinandaan C. pinagsisihan D. inulit E. pinag-isipan

6). Ang patuloy na pag-angkat ng mga produktong banyaga, na siya naming tinatangkilik ng mga mamamayan, ang dahilan ng __________ ng mga industriyang lokal.

A. paghinto B. pagbabago C. pagtitipid D. pagkawala E. pagkalugi

7). Ang mga kabataan ay __________ sa paggamit ng bawal na gamot dahil sa pagnanais na makaiwas sa kanilang mga suliranin.

A. naliligtas B. naliligalig C. nalululong D. namamalas E. nangingilag

8). Kailangan ng estudyante ang __________ ng mga guro at magulang upang matulungan sila sa pagpili ng kurso na naaangkop sa kanila.

A. suporta B. paalaala C. pagmamahal D. pamamatnubay E. talino

9). Masarap mabuhay sa mundo sa kabila ng __________. A. saya B. yaman C. galak D. hiya E. lungkot

10). __________, sariling atin. Makahulugang pahayag na nagpapaalala sa sinumang Pilipino na itaguyod ang mga produktong gawa sa bansa.

A. Mahalin B. Gamitin C. Tangkilikin D. Pag-ibayuhin E. Isulong

11). Maaaring umabot sa sandaang taon 1 ang buhay ng isang tao 2 kung gugustuhin at susundan lamang 3 ang mga positibong saloobin. 4 WALANG MALI 5

12). Ang mga nakatatandang panauhin 1 ay nagkakainan habang ang mga 2 kabataan ay masayang nagsayaw 3 sa saliw ng makabagong tugtugin. 4 WALANG MALI. 5

13). Dadalaw daw sa 1 makalawa ang pangulo 2 3 ng Pilipinas. 4 WALANG MALI. 5

14). Nang umulan ng 1 2 malakas ay nasa bahay 3 na ako. WALANG MALI 4 5

15). Ang pangunahing dahilan 1 kung bakit ang mga kabataan 2 ay nagsusumikap sa pag-aaral 3 ay upang kumikita-kita 4 WALANG MALI. 5

16). Magkakaroon ng kapayapaan 1 ang buong daigdig kung ang 2 lahat ng tao ay mag-kakaisa at 3 4 magkakaunawaan. WALANG MALI 5

17). Makatabi ang mga 1 bata at matatanda sa 2 panonood ng palaro. 3 4 WALANG MALI 5

18). Magsisikanta raw ang 1 mga anak mong sina susan, 2 3 John at Rona sa 4 tanghalan. WALANG MALI 5

19). Maraming tao ang 1 nagtatagumpay sa buhay 2 3 dahil sa kanyang karunungan. 4 WALANG MALI 5

20). Ang mga magulang 1 ng dalaga ay hindi 2 sumasangayon sa balak niyang 3 4 mangibang bansa. WALANG MALI 5

21). 1. Sa pamamagitan ng kasaysayan ay natutunghayan muli ang makukulay na lumipas ng magigiting na tao. 2. Sa pamamagitan ng kasaysayan, ang lumipas na makukulay ng magigiting na tao ay muling natutunghayan. 3. Ang makukulay na lumipas ay natutunghayan muli ng magigiting na tao sa pamamagitan ng kasaysayan. 4. Muli ang makukulay na lumipas ng mga taong magigiting ay natutunghayan sa pamamagitan ng kasaysayan. 5. Natutunghayan muli ang lumipas ng magigiting na tao na makukulay sa pamamagitan ng kasaysayan.

22). 1. Magiging makahulugan sa mga bata ang mga pang-araw-araw na balita kung makikita nila ang pinangyarihan nito. 2. Ang pinangyarihan ng mga balita na pangaraw-araw sa mga bata kung makikita nila ay magiging makahulugan. 3. Sa mga bata ay makahulugan ang mga pangaraw-araw na balita kung makikita nila ang pinangyarihan nito. 4. Ang mga balitang pang-araw-araaw sa mga bata ay magiging makahulugan kung ang pinangyarihan nito ay makikita nila. 5. Ang mga balitang pang-araw-araw sa mga bata at ang pinangyarihan nito ay magiging makahulugan kung makikita nila.

23). 1. Walang pasubali na ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran ay uunlad sa kanyang propesyon. 2. Walang pasubali ay uunlad sa kanyang propesyon na ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran. 3. Ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran ay uunlad sa kanyang propesyon, walang pasubali. 4. Uunlad sa kanyang propesyon ay walang pasubali ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran. 5. May kakayahan sa maayos na pangangatwiran, walang pasubali na ang isang tao ay uunlad sa kanyang propesyon.

24). 1. Masaya, sapagkat lahat ay payak at walang pagkukunwari ang buhay bata. 2. Masaya ang buhay bata sapagkat lahat ay payak at walang pagkukunwari. 3. Ang buhay bata ay masaya sapagkat payak at walang pagkukunwari ang lahat. 4. Ang buhay bata sapagkat payak at walang pagkukunwari lahat ay masaya. 5. Sapagkat walang pagkukunwari at payak lahat, ang buhay bata ay masaya.

25). A. Ang kinasasapitan ng batang kaawa-awa ay dahil sa pagkalulong sa masasamang gawain. B. Kaawa-awa ang batang napalulong sa masasamang gawaing kinasasapitan. C. Kaawa-awa ang kinasasapitan ng batang napalulong sa masasamang gawain. D. Dahil sa pagkalulong sa masasamang gawain, kaawa-awa ang kinasasapitan ng mga bata. E. Napalulong sa masasamang gawain ang batang kaawa-awang kinasasapitan.

26). Ang pagbaba ng halaga ng piso ay lumikha ng krisis sa maraming industriya ng bansa. Kasunod nito ang pagtitipid at problema sa kawalan ng mapasukang trabaho. Lumikha rin ito ng pagtataas ng presyo ng mga bilihin na labis nakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Ayon sa talata __________. 1. ang kasalukuyang krisis ay bunga ng mga mahal na bilihin at kawalan ng mapasukang trabaho 2. ang krisis ay nakaapekto sa hangarin ng maraming industriya na makapagbigay ng karagdagang sahod sa kanilang mga manggagawa 3. dumarami ang mga walang hanapbuhay at tumataas ang halaga ng mga bilihin dahil sa krisis 4. maraming industriya ang nalulugi dahil sa krisis kaya itinataas din nila ang presyo ng kanilang mga produkto. 5. dahil sa krisis, maraming industriya ang napilitang magsara

27). Nagawang mabago ng mga kasalukuyang awitin ang kamalayan ng Pilipino upang kantahin ang sarili niyang mga awit sa tanging wikang nakapagsasatinig sa kanyang kaluluwa. Isinasaad ng pangungusap na __________. 1. madamdamin at makabuluhan ang mga awiting isinulat sa wikang Filipino 2. tagumpay ang mga awiting Filipino na mabago ang kaugalian ng mga Pilipino 3. madaling matutuhan ang mga awiting Pilipino dahil ang mga ito ay nasusulat sa katutubong wika 4. natututuhan nang tangkilikin ng mga Pilipino ang kanilang mga sariling awitin 5. nagkakaroon na ng kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa lahat ng mga awitin ngayon

Ang sumusunod na talata ay para sa bilang 28-29.


Sinasabing ang wika ay siyang kaluluwa ng isang lahi. Dahil sa wika, ang isang lahi ay nagkakaroon ng kaisahan, nabubuklod ng iisang layon at damdamin. 28). Ang kahulugan ng nabubuklod ng iisang layon ay ____. A. nagkakasama. B. nagbibigkis ng isang mithiin. C. napaghihiwalay. D. naitatali. E. nakakalas.

29). Ang ibig sabihin ng Ang wika ay siyang kaluluwa ng isang lahi ay ____.

A. ang isang lahi ay nagbubuklod at nagkakaroon ng isang mithiin dahil sa wika. B. ang isang lahi ay nagkakaroon ng damdamin dahil sa wika. C. ang wika ay kaluluwa ng isang lahi sapagkat naitatala nita ang kaniyang kasaysayan. D. ang isang lahi ay may kaluluwa at iyon ang wika. E. naipahayag ng isang lahi ang kaniyang niloloob sa pamamagitan ng wika.

Para sa bilang 30. Kung ang wika ay siyang kaluluwa ng isang lahi, sinasabi namang ang musika ay siyang wika ng kaluluwa sapagkat may mga damdaming hindi kayang ilarawan ng pinakamayaman mang wika sa daigdig. 30). Alin ang pangungusap na walang kaugnayan sa talata? A. May mga damdaming hindi makayang ilarawan ng wika. B. Ang musikay siyang kaluluwa ng lahi. C. Wika ang kaluluwa ng musika D. Kaluluwa ng isang lahi ang wika. E. May mga pagkakataong higit na mabisa ang musika kaysa sa wika.

Para sa bilang 31 O pag-ibig na makapangyarihan Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman Hahamaking lahat Masunod ka lamang.

31). Ang saknong na ito ay tungkol sa _______. A. wagas na pag-ibig. B. kapangyarihan ng pag-ibig. C. maramot na pag-ibig. D. mapagparayang pag-ibig. E. dakilang pag-ibig at pagmamahal.

32). halaman ________

: tubig : ________

A. hayop : yungib B. aso:tuta C. kotse:daan D. tao:kanin E. dagat:ulan

33). Aso : ________ :

rabis ________

A. lamok:langaw B. ulupong:kamandag C. daga:bubuwit D. saging:prutas E. baboy:biik

34). taludtod : saknong ________ : ________ A. pangungusap:talata B. sanaysay:prosa C. awit:tula D. tula:epiko E. tugma:sukat

35). mananahi : gunting ________ : ________ A. modista:damit B. artista:reporter C. beterinaryo:aso D. karpintero:lagari E. kotse:drayber

36). kawili-wili : kabagut-bagot _________ : _________ A. mapanglaw:malungkot B. matalino:masipag C. kimi:masalita D. luntian:berde E. malaki:malawak

37). A. ang nasabing pangkat ay B. sila bilang mga kaibigan C. dapat tanggapin D. sa halip E. di dapat ituring na mga bihag A. A E C D B B. A E D C B C. A C B D E D. C E D B A E. C E D A B

A. Maraming nag-aakalang sila ay mga tagahalo lamang ng mga kemikal sa isang planta. B. Maraming nagkakamali sa kanilang akala hinggil sa propesyon ng Chemical Engineer. C. Sa isang banda, ito ay totoo. D. Sa madaling sabi, ang isang Chemical Engineer ang siyang namamahala sa buong proseso ng isang planta mula sa mga kemikal, hanggang sa mga tangke at tubong gagamitin sa paggawa ng mga produkto, kasama na rin ang pamamahala ng kaligtasan ng mga tao sa planta at kaligiran nito. E. Ngunit mas malawak pa ang sakop ng trabaho ng isang Chemical Engineer kaysa sa paghahalo ng kemikal.

38). Ano ang huling salita ng unang pangungusap? A. planta B. Engineer C. totoo D. nito E. kemikal

39). Ano naman ang huling salita ng ikatlong pangungusap? A. planta B. Engineer C. totoo D. nito E. kemikal

40). Ano naman ang huling salita ng ikalawang pangungusap? A. planta B. Engineer C. totoo D. nito E. kemikal

A. Hindi kataka-takang hanggang ngayon ay may iskawting pa rin sa mga paaralan. B. Sinuman ay maaaring sumama sa kilusan, maging Kristyano man o Muslim, Protestante o Iglesia ni Kristo. C. Ito ay hindi namimili ng kasapi. D. Ang iskawting ay isa sa maraming kilusan na ang itinataguyod ay paghubog ng kabataan.

41). Ano ang ikalawang pangungusap ng nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

42). Ano ang huling pangungusap ng talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

43). Ano ang pinakaangkop na pamagat sa nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

A. Ang kagandahang-asal ay pinagaaralan at pinagsasanayan hanggang sa maging bahagi na ng ating katauhan. B. Kung ang lahat ay nagtataglay ng kagandahang-asal, di bat magiging mapayapa ang ating mundng ginagalawan? C. Ang matiwasay na pamumuhay ay nasasalig sa mahusay na pakikisama. D. Ang mahusay na pakikisama naman ay nasasalig sa pag-aangkin ng kagandahang-asal.

44). Ano ang pambungad na pangungusap sa nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

45). Ano ang pangwakas na pangungusap sa nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

A. Mula nang makabalik sa Espanya ang mga natirang tauhan nina Ferdinand Magellan, maraming ekspedisyon pa ang sumunod rito. B. Sa ikatlong ekspedisyon naman namuno si Alvaro de Saavedra at nakarating sa Surigao. C. Ang unang ekspedisyon ay pinamumunuan ni Francisco de Loaisa na hindi nagtagumpay sapagkat namatay ang kapitan ng barko at tatlong barko ang lumubog dahil sa isang malaking unos. D. Ang sumunod na ekspedisyon ay pinamunuan ni Sebastian Cabot na di rin nagtagumpay dahil sa pag-aalsa ng mga tauhan ng barko. E. May dalawang ekspedisyon pa ang sumunod sa ekspedisyon ni Saavedra. Ang isa ay pinamumunuan ni Ruy Lopes de Villalobos at ang huli naman ay si Miguel Lopez de Legazpi ang kapitan. 46). Ano ang pambungad na pangungusap sa nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

47). Ano ang ikaapat na pangungusap sa nabuong talata? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

48). Ilang ekspedisyon ang naipadala ng Espanya matapos makabalik ang natira sa grupo ni Magellan? a. pangungusap A b. pangungusap B c. pangungusap C d. pangungusap D

49). Ano ang dahilan ng pagkabigo ng ekspedisyon ni Cabot?

a. pag-aalsa ng mga tauhan b. pagkamatay ng Kapitan c. pagkalubog ng barko d. pagkaubos ng pagkain

50). Kung idaragdag ang pangungusap na sumusunod bilang pangungusap

F: Nang makaalis sila mula sa Surigao at patungo na sana sa Espanya ay nakasugapa naman nila ang mga Portuges na siyang ikinamatay ni Saavedra sa gitna ng Karagatang Pasipiko.
* Ano ang bagong pagkakaayos ng mga pangungusap na makabubuo ng bagong talata? a. ABCDEF b. ACDBFE c. ACDBEF d. ACDFBE

You might also like