You are on page 1of 4

Ang Kalupi

Benjamin P. Pascual

Mamimili si Aling Marta sa palengke ng mga pagkain upang ihanda sa kanyang anak na magtatapos na. Pagdating niya sa palengke, naisip niyang bumili ng bangus at nakabangga siya ng isang batang gusgusinh. Nang bibili na siya ng bangus, napansin niya na wala ang kanyang kalupi. Naalala niya ang batang kanyang nabangga at pinagbintangan iyong nagnakaw ng kanyang kalupi. Ito ay kanyang pinapulis ngunit nagpumilit na tumakas ang batang nagngangalang Andres Reyes na bumili lamang ng ulam para sa kanyang amang may sakit. Habang tumatakbo ang batang patakas, siya ay nabangga ng dyip at namatay. Hindi mapalagay ang loob ni Aling Marta hanggang sa pag-uwi. Nagulat ang mag-ama sa dalang pagkain ni Marta. Iyon ay dahil naiwan niya ang kanyang kalupi sa bahay at nanlumo na lamang si Aling Marta.

Mabangis na Lungsod
Efren F. Abueg

May isang batang pulubi na nagngangalang adong hindi niya napapasin ang gabi dahil sa bata niyang katawan o mumos na pagiisip. Si aling ebeng ang kanyang katabi sa simbahan. At si bruno ang sigang iniiwasan ni adong. Gabi umuulan sa simbahan nagsisitakbuhan ang mga tao habang si adong ay nagugutom at parang naiinis sa mga taong nandidiri at kinukya siya. Kumain siya at napawi ang kanyang kumakalam na sikmura, kinalog niya ang kanyang bulsa para malaman kung mayroon pang natitira sa kanyang pera. Nahulog ang pera ni adong ng pinupulot niya ito nawala na ang mga tao at nakita naman ni aling ebeng si bruno. Tinakbuhan niya si bruno ngunit nahuli siya ni bruno napilitan siyang ibigay ang pera niya at naramdaman niyang walang pakialam ang diyos o ang lungsod sa kanya.

Tata Selo
Rogelio R. Sicat

Punong-puno ng tao sa bakuran ni Tatasela. Halos lahat ng tao ay dimakapaniwala sa ginawa ni Tataselo. Nagulat pati ang kanyang kaibigan, sa pagpatay ni Tataselo sa Kabesa. Dinakip ng mga pulis si Tataselo at dinala sa istaked o prisinto. Jyak ng iyak si Tataselo at sobrang higpit sa kapit ng rehas. Isang binata ang tinanong si Tataselo, kung bakit nya pinatay ang kabesa. Hindi makapagsalita si Tataselo. Hindi narin nakatiis si Tataselong sabihin sa binata ang lahat, pilit nitong sinasabi na malakas pa sya at kaya pa nyang magsaka wag-lang ialis sa kanila ang bukid, Talagang sa kanya ang sakahan ngunit isinanla ito maysakit ang kanyang asawa. Kinabukasan alas-dose na ngunit hindi pa sya dinadala sa hukuman. Pamayamaya tinawag narin sya ng isang pulis at sinamahanito. At tinanong sya kung ano ang dahilan ng pagpatay sa kabesa. Halos hindi makapag-salita si Tataselo dahil sa takot. Tinanong ulit ito, at sinabi ulit ni Tataselo na kayalang nya napatay ang kabesa dahil kinukuha pilit ang kanilang sakahan. Pagkatapos ay tinawag sya ng mas mataas na hepe at tinangkang suntukin ito sa tiyan batukan ito sa lamesa. Kinabukasan dumating ang kanyang anakna si saling at halatang nangungulila sa ama. Sinabi ni Tataselo na wag nang sabihin ang lahat ng alam wagnang magsumbong. Kayat ibinalik sya sa istaked at nakita nya ang batang nakausap nya. Kayat nakaisip ng paraan si Tataselo na magsulat ng liham sa hepe. Kagulatgulat na hindi tinanggap ng hepe ang sulat. Kayat sinabi nito sa sarili na kinuha na ang lahat sa kanila.

Walang Panginoon
Deogracias A. Rosario

Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pami lya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa Marxismong kritisismo. Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pangaapi at pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang Hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan Nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri. Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng 'walang panginoon ' sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga Tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang Tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya't ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.

You might also like