You are on page 1of 3

1

Sobrang Keso Talaga!


Excuse me! Miss alam mo ba iyung kasabihan ng mga Pilipino? "Aanhin ko pa ang
damo Kung sau pa lang may tama na ako. Pagkatapos baybayin ng lalaki ang mga katagang
ito, sabay bulwak ang barkada niya sa kalapit na halamanan na naghihiyaw na, Sobrang Cheesy
mo naman! May isang particular na pagkakataon sa ating panahon ngayon na paulit ulit nating
nasusulyapan sa tv, radio, diyaryo at iba-iba pang media ang sobrang cheesy mo naman!
Ngunit ano nga ba talaga ang kahulugan ng cheesy o pagiging cheesy? Iyan ang ninanais kong
tuklasin at ipaliwanag sa kasulatang ito.
Sa aking mga pananaliksik na ginawa ay nakahanap ako ng kasaysayan ng
terminolohiyang Cheesy at apat na ibat ibang kahulugan nito. Noong 1858, ang cheesy ay
nagebolb sa slang na kahulugan nitong showy o mapagpalabas. Ang negatibong konotasyon sa
keso ay nagsimula nuong nadiskubre ang hindi kaaya-ayang amoy ng kesong nabubulok o
overripe cheese. Noon namang 1896 sa wikang Urdu, na ginagamit ng mga Indo-Aryan na lahi
ang cheese o keso ay tinuturing na pagkain ng mahihirap o para lamang sa mga cheap at mababa
ang antas sa lipunan kaya nabigyan din ang salitang cheesy ng cheap na interpretasyon. Mga
katagang katulad ng the real chiz na ang kahulugan doon ay big thing ay pinasikat ng mga
19
th
century Anglo-Indian hipsters sa Britain ngunit hindi pamilyar ang chiz sa karamihan ng
English speakers soon kaya in-Anglicized ito sa CHEESE .Ayon pa sa aking pananaliksik ay
wala pa ding pormal na kahulugan ang salitang cheesy. Bagamat ganito ang lagay ay
pinagsama-sama ko na lamang ang mga nangingibabaw o ang mga pinaka-maraming dahilan
kung kailan at bakit ito binabanggit.
2

Ang unang kahulugan ng Cheesy ay, pagiging masiyadong over-acting, hindi pino, at
hindi awtentik. Ayon sa aking nabasa na ginamit si Celine Dion bilang halimbawa, ang
manganganta daw ay cheesy sapagkat ang kaniyang mga liriko, timbre ay nagsusumigaw sa mga
nakikinig na gusto ko kayong pakilusin imbes na pinapakilos ang awdyens. Ang sarili ko
naming halimbawa ay ang isang lalaking sobrang ma-porma, lahat na ata ng alahas at kotse ay
isusuot at dadalhin para lamang mang-impres ng mga babae. Sa halip na gawin niya iyon ay
dapat mang-impress siya sa mas pinong pamamaraan o hayaan niyang ang mga kababaihan ang
makapag-buo ng sariling impresyon sa kaniya. Ang labis na pagkashow-off kasi ng lalaki ay
baka nagtatakip lamang sa katotohanan na baka siya ay insecure o may superiority complex. Para
bang ang gustong tumbukin ng pakahulugang ito ay kapag cheesy ka, gusto mong i-broadcast sa
lahat kung anong meron ka, na sa totoo naman ay wala ka o hindi naman kaya ay hindi naman
ikaw iyun.
Ang pangalawang depinisyon na aking natumbok ay kapag ang tao ay cheesy, ikaw ay
OA o over-acting o clich. Ang halimbawa ay ang mga tumutugtog na banda na sobrang
gumawa ng chismis para lamang sumikat o bumenta ang kanilang tugtugin.
Ang pangatlo ay, ang cheesy ay halos magkasinkahulugan sa CORNY, o may
pagpaparating na sariwa pa ang isang kuwento o joke ngunit ang totoong kadahilanan ay
mababaw naman talaga o nagamit na. Sa madaling sabi ang corny ay nangangahulugan na
karaniwan ang isang bagay o luma na. Ibig sabihin, posible na meaning ng cheesy ay hindi-na-
uso. Isang halimbawa ay may kuha si nanay na naka-bell bottom na pantalon nuong dekada
sisenta, napaka-cheesy talaga!
3

At ang pinakahuling kahulugan na aking nahanap, ito na yata ang pinakagamit at
pinakapatok na depinisyon ng cheesy sa ating panahon. Mapa bata man oh matanda ay alam
marahil ito: ROMANTIC. Masintahin o amorosa.
Kailangan pa bang i-memorize yan? Kunwari hindi natin ito alam. Sige magbibigay ako ng
halimbawa: Kung kinakailangan abutin ko ang langit para ako ay mahalin mo ay gagawin ko ito,
banggit ng isang binata sa kaniyang iniirog.
Sa dinami-dami ba naman ng mga kahulugan ng Cheesy, Ibig sabihin lamang nito ay
depende parin talaga sa interpretasyon ng tao ang magiging kahulugan ng cheesy. Iba-iba ang
palagay natin dito. Maski nga ang mga politico ay hindi nakatakas sa pagiging cheesy, makikita
naman natin ito sa kanilang mga platapormang sobra kung manuyo sa taong bayan. Tila ba
parang niroromansa ang publiko sa pamamagitan ng mga mabulaklak na pananalita. Hindi ko
naman sinasabing masama ito, pinapakita ko lamang naman na ang salitang cheesy sa
pagtakbo ng panahon ay nagawang mabago ang kahulugan bukod sa ating nakasanayan na
pagturing ditto bilang ordinaryong pagkain. Pero bago ko tapusin ang talatang ito nais ko lang
sabihin na, Alam mo ba na scientist ako?? At ikaw ang LAB ko.

You might also like