You are on page 1of 9

ANG MAYABANG NA MGA ALIMANGO

Tagapagsalaysay: Sa isang malinis na dalampasigan nakatira ang mga alimango. Maputi ang pinong mga buhangin ng
dalampasigan. Maaga pa lang bago sumilay ang sikat ng araw ay nakahilera na ang mga alimango para magpainit at
marelaks. Isa lang ang bagay na ikinaiinis ng mga alimango. Iyon ay ang malakas na pag-awit ng mga alon. Maraming
reklamo ang mga alimango tungkol sa mga alon tulad ng:

Gng. Alimango: Naku, hindi ako makapagtrabaho nang tuluy-tuloy dahil sa ingay nila, Kapag kasi narinig ng maliliit
kong mga anak ang kanilang pagkanta ay nagigising sila at nagsisiiyak. Kaya sa halip makagawa pa ako ng mga gawaing
bahay ay nauubos ang oras ko sa pagpapatahan sa kanila.

Matandang Alimango: Ako naman ay hindi makapagpahinga nang maayos, reklamo ng isang matandang alimango.
Paanoy masyado silang malakas umawit. Hindi ako makatulog kapag may naririnig akong ingay.

Maliit na Alimango: Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil ayaw nilang huminto sa pagkanta! reklamo ng isang maliit
na alimango.

Tagapagsalaysay: Dahil sa rami ng mga reklamo ay ipinabatid nila iyon sa pinuno nila. Madali namang umaksyon ang
pinuno. Pinuntahan nito ang mga alon at pinakiusapan.

Pinuno ng mga Alimango: Kung maaari sana ay hinaan ninyo ang pag-awit. Naiistorbo ninyo kaming mga alimango,

Mga Alon: Imposible ang hinihiling ninyo, sabay-sabay na sagot ng mga alon. Ang pag-awit ay bahagi ng aming buhay.
Natural na dumadaloy ang awit namin lalo at hinahampas kami ng hangin.

Tagapagsalaysay: Umuwing bigo ang pinuno ng mga alimango. Nagpatawag ito ng pulong para mag-ulat sa kapwa mga
alimango tungkol sa resulta ng lakad niya. Maaga pa kinabukasan ay halos mapuno ang lugar na pagdarausan ng pulong.
Interesado ang lahat kung ano ang kinhinatnan ng pakikipag-usap ng pinuno sa mga alon.

Pinuno ng mga Alimango: Ipinatawag ko kayo para ipaalam na ayaw pumayag ng mga alon na huminto sila sa pag-
awit,.

Tagapagsalaysay: Umugong ang mga galit na bulungan. Inis ang mga alimango dahil walang konsiderasyon ang mga alon
sa kalagayan nila.

Pinuno ng mga Alimango: Gusto kong kunin ang inyong mga suhestiyon kung paano natin mapatitigil ang mga alon sa
pag-iingay,. Maaaring may maisip kayo na mas epektibong paraan.

Tagapagsalaysay: Maraming suhestiyon ang lumabas sa pulong. May nagsabi na bawalan nila ang mga alon sa pag-iingay.

Alimango 1: Susunod kaya sila? Hindi ba at kinausap na nga sila ng ating pinuno pero wala ring nangyari, asar na sabi
ng isang alimango.

Alimango 2: Ang tagal na nating nagtitiis! sigaw ng isang galit na galit.

Alimango 3: Panahon na para labanan natin sila! pakli naman ng isa pa.

Alimango 4: Giyerahin natin ang mga alon! suhestiyon ng isa.
Tama! Giyerahin natin ang mga alon!

Tagapagsalaysay: Nagkaisa ang mga alimango na aawayin nila ang mga alon dahil nakukulili na ang tenga nila sa ingay
ng mga ito. Napagkasunduan nila na noon din ay pupunta sila sa dalampasigan para ideklara ang giyera nila laban sa
mga ito.
Inayos nila ang kanilang hanay. Sa unang hanay ay ang mga lalaking alimango ang nakalinya. Sa sumunod ay ang
mga babae naman. Sa hulihan ng linya ay naroon ang mga matatanda. Bawat isa kasi ay nais na magkaroon ng bahagi sa
digmaang iyon.
Tanging ang maliliit na mga alimango ang naiwan sa kanilang tirahan dahil wala pang kakayanang lumaban ng
mga ito.
Isang malaking hipon ang nasalubong ng grupo nang papunta na sila sa giyera. Tinanong sila nito.

Hipon: Saan kayo patutungo?

Lahat ng mga Alimango: Gigiyerahin naming ang mga alon! halos sabay-sabay nilang sinabi.

Lalaking Alimango: Aawayin naming ang mga alon para sa iyo! anang isang lalaking alimango. Dahil kinakawawa ka
nila! Tingnan mo, baluktot na ang iyong katawan dahil sa kahahampas nila! Hindi ka na makalakad nang tuwid.!

Tagapagsalaysay: Sa halip mkisimpatiya ay natawa ang hipon sa narinig. Hindi ito naniniwala na makakayang gapiin ng
mga alimango ang mga alon. Nagalit naman ang mga alimango. Sinipit nila ang hipon hanggang mangako ito na
tutulungan sila.
Kasama ang hipon ay dumiretso na sila sa dalampasigan.
Napansin ng mga alimango na kakaiba ang pagkakalagay ng mga mata ng hipon. Nasa magkabila itong bahagi ng
mukha. Tinukso nila ito at pinagtawanan. Anila ay paano ito makikipaglaban gayong may pagkaabnormal ang posisyon
ng mga mata nito.

Hipon: Mayroon akong sungot. Iyon ang panlaban ko, mababa ang loob na sabi ni hipon.

Tagapagsalaysay: Noon nakita ng hipon ang parating na malaking alon. Hindi ito nakita ng mga alimango dahil
nakatingin ang mga ito sa buhanginan. Sandali pa ay dumating na ang malaking alon at tinangay ang unang hanay ng
mga babaing alimango at ang mga matatanda. Naubos ang mayayabang na mga alimango.

Tagapagsalaysay: Ilang panahon pa, daan-daang maliliit na mga alimango ang dumarating sa dalampasigan. Lagi silang
pinagmamasdan ng hipon habang tila pasugod nilang lalabanan ang mga alon. Kaya kitang-kita ng hipon kung paanong
pagdating ng mga alon ay patakbong babalik sa dalampasigan ang mga alimango. Mula noon, ang mga alimango ay hindi
makatira sa dagat at hindi rin makakatira sa lupa.

You might also like