You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin


na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na
kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay
madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging
Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa
napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon.

Mga Kaugnay na Literatura


Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng
ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang
kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa intelekwal
na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ay ang siyensiya o sining ng pagtuturo
ayon sa diksyonaryo ng Random House.
Nakatala rin sa Colliers Encyclopedia ( ) na ang edukasyon ay nananatili bilang
isang prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad,
lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa pamamagitan
ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan
ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang Edukasyon ay maituturing na
pangkalahatang proseso kayat nararapat lamang na ito ay hindi makapag-iisa, sapagkat
nandito ang pag-aambag ng ibat ibang saloobin, persepsiyon, ideolohiya at mga
pagnanais mula sa ibat ibang uri ng indibidwal sa loob ng isang grupo. Masasabi rin na
8

ang isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ay ang bigyan ng nararapat na pagsasanay


ang isang tao upang magamit niya ang kanyang sariling mga kaisipan para sa pansarili at
pambansang kaunlaran at kaayusan.
Sa isang artikulo sa internet, ang mga karera sa edukasyon ay nagpapahintulot sa
bawat indibidwal na magamit ang kanilang talento at kaalaman sa pagtuturo sa mga bata,
mga kabataan, at sa mga nakatatanda (www.christianet.com/education). Nabanggit din ni
Taylor (1997) na maraming mga mag-aaral ang mayroong magandang pagkakaunawa sa
mga natura ng kanilang napiling propesyon alinsunod sa pagpasok sa isang propesyunal
na edukasyon. Sila rin ay may kakayahang makagawa ng higit pa sa kanilang inaakala sa
natura ng pagsasagawa sa darating na panahon. Samakatuwid, ang pagkaunawa sa
kanilang napiling kurso at ang kanilang makaugnayang karanasan ay maaaring mailakip
sa basehan ng pagpili o criteria.
Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at
iba pang organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa
komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media (Dushkin/ McGrawHill, 2000).
Batay kay Fiske (2000), karamihan sa mga mag-aaral sa papaunlad na mga bansa
ay may mababang antas ng pagganap o performance sa pandaigdigan o nasyonal man na
batayan. Ito ay batay na rin sa mga ebidensiyang nailahad mula sa isang pananaliksik.
Nabibilang ang kwalipikasyon ng mga guro sa mga pampaaralang salik na nakaaapekto
sa antas ng paggawa o achievement ng mga mag-aaral. Ang lahat ng katangian ng mga
gurokwalipikasyon, karanasan at kakayahanay may kritikal na pagganap sa
paghubog ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto sapagkat ang interaksyong sa pagitan ng

mag-aaral at guro ay ang pangunahing paraan ng pagpasa o paghatid ng kaalaman at


kasanayan.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Maraming pakahulugan ang maaring kaakibat ng salitang Edukasyon lalo pa at
kinikilala ito bilang isang larang na may malawak na sakop. Bahagi rin nito ang proseso
ng pagkilala sa sarili at pakikipagkapwa na nauugat sa pagtuturo ng isang guro sa
kanyang mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral. Nabanngit ni Nate (1995) na ang
Edukasyon ay isang patuloy na kontroladong proseso kung saan nagkakaroon ng
pagbabago sa pag-uugali ng tao. Binanggit niya rin na ang pangunahing ginagampanan
ng Edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal para sa kapakanang panlahat at personal na
tagumpay. Bawat isa ay nararapat na makapag-aral upang umunlad at magkaroon ng paguugali at pananaw na nakadirekta sa pag-unlad ng lipunan.
Sa anumang antas ng pag-aaral, higi sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi
ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan.
Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing mga gawaing magagawa ng mga
mag-aaral (Transona Jr. (2002). Maraming mga positibong bagay ang maaaring maihatid
ng kursong Edukasyon, subalit, mayroon pa ring mga dahilan kung bakit hindi kinukuha
ang kursong ito. Sa pananaliksik na ginawa ni Abeliade et. al (1995) na Teachers Attitude
Towards Teaching Profession, nakuha niya ang impormasyong nagbabahagi na ang
pagtuturo ay isa sa mga propesyon na mayroong kaaya-aya at di-kaaya-aya na mga
kondisyon. Noon, ito ay nabibilang sa yaong mga kaakit-akit na kurso dahil na rin sa
popularidad nito sa ano mang uri ng tao kung estado sa buhay ang pag-uusapan. Ngunit
sa mga nakalipas na taon, nakitaan ng malaking pagbaba ang bahagdan ng mga taong
nagnanais na suungin ang karera ng pagtuturo. Binanngit rin ni Abeliade et al. (1995) na
10

ang kasikatan ng iba pang mga larang , ang sosyo-ekonomikong antas o kondisyon, ang
pagtaas-baba ng populasyon, ang diin sa mga pangunahing kasanayan sa pagtuturo at
suliranin sa disiplina ay ilan lamang sa mga salik na responsible sa pagbabago ng paguugali at atraksyon ng ibang tao sa pagtuturo.
Batay sa ilang mananaliksik na nabanggit ni Abeliade et al. (1995), kahit gaano pa
kalakas ang motibasyon ng mga edukador sa pagtuturo, marami pa rin ang nadidismaya
sa mga kadahilanang mas lalong nagiging mahirap ang kondisyon sa pagtuturo at patuloy
ang pagkawala ng simpatya mula sa publiko patungkol sa kondisyon na ito. Isa pang
pangunahing rason ay ang lubhang maliit na kabayaran sa serbisyo ng mga guro na kung
sana ay magi ring paraan upang higit na mahikayat at magkalakas-loob ang ibang mga
tao na pasukin ang propesyong ito.
Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, maraming bagay ang binibigyang konsiderasyon.
Isa na rito ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Ang
kabataan ang kadalsang nakararanas nito. Ayon kay Buenaflor et al. (2007), ang mga tao
ay may ibat ibang pangangailangan at posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang
suliranin. Ang kabataan at ang kanilang mga magulang ay mayroong ibat ibang
karanasan,

persepsyon,

at

mga

paniniwala

na

humuhubog

sa

kanilang

pangangailangan.ang kapaligiran at sitwasyon ay nagsisilbi ring salik na nagtatakda ng


kanilang pangngailangan. Sa bahaging ito mahihinuha na ang karamihan sa mga kabataan
ay nahaharap sa paghanap ng mga kasagutan at kalinawan, habang sng kanilang mga
magulang ay naguguluhan kung paano nila magagabayan ang kanilang mga anak tungo
sa tamang landas. Pamilya man ang may malaking ambag sa kabuuan ng isang tao, hindi
pa rin maikakaila ang epekto sa mga desisyon ang mga prinsipyong maaaring makuha sa
iba pang institusyon tulad ng lipunan, simbahan, paaralan at media.
11

12

You might also like