You are on page 1of 2

B5

Eugene Spencer C. Lopez


8- Compostela Valley

MGA MENOR DE EDAD NA SAKAY NG NAAKSIDENTING KOTSE.


PATAY
Buod:
Galing sa bahay ng tiya ni John Paul Tena ang mga kaibigan nito bago mangyari
ang aksidente kahapon ng madaling araw. Itinakas lamang nila ang kotse na lingid sa
kaalaman ng mga nakakatanda. Ang nagmamaneho ng sasakyan ang 16 anyos na si
Lauren Bren Calamines. Pagmamay-ari na tiyahin ni Bren ang 2015 Red Toyota Vios na
may plakang AHA 5287. Ang ibang kasama sa nasabing aksidente ay sina John Russel
Garcia, Kurvey Bukiko at Jayvee Gobaton pawang mga 16 anyos. Una nang natukoy
kahapon ang isa sa mga biktima na si Rodalyn Bautista, 17 anyos. Karamihan sa
kanila ay taga Imus, Cavite. Magtatapos na sana sa Grade 10 sa Marso ang mga
magkakaklase

dahil pawang menor de edad walang ni isa ang lisensyado para

magmaneho .
Ayon sa nakakita sobrang bilis ang takbo ng kotse hanggang ito ay
magpagewang gewang sa kalsada sa bahagi ng Tagaytay. Bumangga ito sa barrier
saka bumangga sa isang puno at nagliyab ang sasakyan. Hindi na nakayang apulain
pa ng rumespondeng mga taga barangay kaya tuluyan na itong sumabog.
Sa kasalukuyan, isinantabi muna ang tungkol sa mechanical failure. Malaki daw
ang posibilidad na sa lakas ng impact ng pagkakabangga lumikha ito ng spark sa
mismong kuryente na tumulay ito sa tanke ng gasoline na naging dahilan ng malakas
na pagsabog. Tinitingnan din ang anggulo kung nakainom ang mga biktima subalit sabi
ng awtoridad pina autopsy pa nila ang labi at malalaman na rin kung positibo silang
nakainom. Paisa-isa ng inuuwi ang mga labi ng mga biktima sa kani-kanilang mga
kamag-anak.

REAKSYON:
Tunay na kahina-hinayang na naman ang pagkawala ng buhay ng anim na
kabataan dahil lamang sa isang pangyayaring na hindi ginustong ng kanilang mga
naiwan, bagkus isa itong pagkakamaling dahilan ng kapusukan ng mga kabataan. Oo,
sa aking sariling pananaw, isa itong maling pagpili na dapat sanay naiwasan kung nagisip lamang ang mga nasabing kabataan.
Gusto kong iparating sa aking mga kapwa kabataan na ang ating mga magulang
ang mananagot sa mga baluktot na pagpili natin ng isang desiyon sa buhay lalong-lalo
na kung tayo ay menor de edad pa. Kung tayo ay nasa ganito pang estado ng ating
buhay, nararapat lamang tayong sumunod at matutong rumispeto sa mga pangaral ng
ating mga magulang. Ipakita natin na bago tayo tumuntong sa edad kung saan tayo ay
magiging malaya na o nasa hustong gulang na, tayo ay nararapat sa kalayang kanilang
ibibigay. Ang kalayaan ay isang responsibilidad. Sa pagiging malaya maipakikita natin
kung anong uri tayo ng tao. Maipakikita natin sa kalayaan kung paano natin rendahan
ang ating sarili sa pagpili ng tama at nararapat. Sa susunod na panahon, ang bawat isa
sa atin ay magiging magulang din, gusto ba nating magkaroon ng mga anak na tulad ng
mga biktima? Kung ang sagot natin ay hindi, bilang mga anak sa kasalukuyan, iwasan
nating bigyan ng sakit ng ulo ang ating mga magulang manapay mag-isip tayo ng
makabuluhang gawaing kung saan maipakikita nating ang pagiging produktibo tulad na
lamang ng pagiging isang mabuting mag-aaral.

Ito ang ating ginagampanan sa

kasalukuyan, gawin natin ang lahat para sa ikauunlad natin.

Iwaksi sa isip ang

pagtakas, ang pagrerebelde, pagiging matigas ang ulo, pagiging masyadong


independent dahil sa totoo lang hindi pa natin ganap alam ang kabuuan ng buhay. Atin
lamang tandaan na ang ating mga magulang ang mas nakakaalam ng tunay na
buhay.

Hindi sila mag-iisip ng ikasasama natin. Sa kahuli-hulihan, kahit anong

pagbagsak natin sa buhay, sila pa rin ang nasa likod natin para dumamay sa atin.

You might also like