You are on page 1of 3

Cyberbullying

No description
by

Angeli Tinapay
on 14 January 2014
3605

Comments (0)
Please log in to add your comment.
Report abuse
Transcript of Cyberbullying
Cyberbullying
I. PANIMULA
Ang Cyberbullying o Pagmamaton gamit ng teknolohiya ay kabilang sa
Bullying. Ito ay hindi isang karaniwang komunikasyon na maaring
makasangkot ng isang pagbaba ng tingin ng isang tao sa sarili o ang pinaka-
malala, ay isang panganib sa buhay dahil sa pagbabanta ng mga kaibigan o
mga hindi kilalang tao.

Ang sikolohikal at emosyonal na kinakalabasan ng cyber bullying ay katulad


ng sa tunay na buhay na pananakot o pangbubully. Ang pagkakaiba ng
dalawa ay madalas nagtatapos sa totoong buhay ang pananakot kahit sa
loob ng paaralan.

II. Kahalagahan ng Pag-aaral


Sa pag-aaral na ito, malalaman natin ang totoong nararamdaman ng mga
naging biktima ng cyberbullying. Dito natin mabibigyang pansin na sa iba't
ibang teknolohiya, mapa sa cellphone man o sa internet, ay isang
panibagong mundo na iyong maiikutan at kahit ano pwedeng mangyari. Sa
mga bawat naririnig at natatanggap ng mga tao ay natatapos lang sa isang
solusyon, ay ang hindi mo rapat hayaang patumbahin ka ng mga salita na
binibigay sayo ng isang tao.
III. Teorya
Batay sa obserbasyon na aking ginawa, marami na ang nakakaranas nito, at
maraming tao ang hindi ma-handle ang ganitong sitwasyon. Madalas ay
nababatikos tungkol sa kanilang pisikal na anyo, ugali o katayuan sa buhay
ng mga tao, mga kaibigan man o hindi nila kilala. Gayunpaman, ang mga
nakakaranas nito ay hindi dapat magpapa-apekto sa mga taong walang
kinalaman sa buhay nila at narapat na wag patulan ang mga naninira
sakanila.

IV. Paglalahad ng Suliranin


Sa panahon natin ngayon, hindi mawawala ang mga bully at mga
nangaaway/nangbabatikos sa atin, ngunit ang teknolohiya ay nagbigay sa
kanila ng isang buong bagong pamamaraan upang makapang-away sa ibang
tao. Sa bawat nang ccyberbully ay may kanya kanyang kwento sa likod ng
buhay nila kung bakit sila nagiging ganun. Kung minsan gusto lang nila, o
nakagisnan na nila, o minsan randam nila yung superiority sa Cyber World.

Sa pag-aaral na ito, ang ninanais ko malaman ng bawat isa ay kung papaano


inaayos ng mga taong nakakadanas nito ang pangbabatikos ng bawat isa. At
papaano makaka-apekto ito sa buhay ng ibang tao.

V. Paglalahad ng Hypotesis
Ayon sa aking na obserbahan, marami ang nakakaranas ng cyberbullying,
napapabilang dito ang karamihan ng mga kabataan at mga artista, ito ay
lalong lalo na sa social networking sites na katulad twitter, facebook,
instagram, o ask.fm. Mayroon mga iba't ibang epekto pag nakaranas nito at
ang pinakamalala sila ay maaring gumamid ng alcohol, droga, bumaba ang
mga grado at bumaba ang self confidence. Mayroon naman din nagsasabi na
ito din ay isang paraan upang makapagpatatag ng isang tao.
VI. Sakop at Saklaw ng Pag-aaral
A. Ang pananaliksik na ito ay binigyang limitasyon upang mas mapadali ang
pag-aaral na ito

B. Mula sa metodolohiyang ginamit, 24 na katao ang ininterbyu para sa pag-


aaral na ito. Ang mga mag-aaral ay nangaling sa pangalawa hanggang sa
ikaapat na antas sa mataas na paaralan.

C. Ang mga katanungan babanggitin sa interbyu ay may kinalaman sa


nararanasan ng mga kabataan at kung ano nadadama nila kung nararanasan
nila ito.

D. Sa sapat na limitasyon, sisikapin ko ang mga sapat na impormasyon


upang magawa ang layunin

VII. Metodolohiyang Ginamit


Ang ginamit kong istratehiya ay survey at interbyu. Ito ay nakakapagpatibay
ng hypotesis at mas makakadali ng resulta. Sa ganitong paraan ay
makakapagbigay ng konklusyon at rekomendasyon para dito.

VIII. Instrumento ng Pananaliksik

Naghanda ako ng sampung katanungan ukol sa mga karanansan sa


cyberbullying at pinasagutan ko ito sa aking mga kamag-aral mula sa
ikalawa hanggang ikaapat na antas.
IX. Pangangalap at Paglalahad ng Datos
1. Naranasan mo naba ang tinatawag nilang cyber bullying? 4. Tungkol saan
ang kanilang binabatikos sayo? 7. Alam ba ng mga magulang mo na
nangyayari ito sayo?
- OO (44%) - Pisikal na Anyo (44%) - Oo ( 36%)
- HINDI (24%) - Ugali at Kawalan ng Abilidad (32%) - Hindi (64%)
- MINSAN (32%) - Personal na Buhay (24%)
8. Nakaka-apekto ba ito sa iyong mga grado?
2. Sino-sino ang ng babatikos sayo? 5. Tuwing kailan nila ito ginagawa sayo?
- Oo (4%)
- Mga kaibigan (32%) - Palagi (0%) - Hindi (92%)
- Mga kaklase ( 20%) - Minsan (52%) - Minsan (4)
- Mga taong hindi mo kilala (48%) - Bihira (48%
9. Nagbabago ba ang tingin ng iyong ibang mga kaibigan saiyo?
3. Ano ang emosyon na iyong nararamdaman? 6. Kanino ka nanghihingi ng
tulong kapag - Oo (0%)
- Nalulungkot (20%) nararamdaman mo ito? - Hindi (68%)
- Nasasaktan (40%) - Magulang (20%) - Minsan (32%)
- Walang Pakealam (40%) - Kaibigan (48%)
- Wala (32%) 10. Saan mo nararamdaman ang cyberbullying?
- Text/Tawag (40%)
- Social Networking Sites (60%)

X. Konklusyon
XI. Rekomendasyon
Sa ating panahon ngayon, marami ang nakakaranas ng cyberbullying.
Marami ang nagpapaapekto sa mga salitang kanilang natatangap. Upang
mabawasan ang cyberbullying na nararanasan, maaring huwag nalang
masyado magbabad sa teknolohiya, at huwag magpa-apekto sa mga salitang
binibitaw sayo ng kaibigan o hindi mga kilalang tao. Gayunpaman, mas kilala
mo ang sarili mo at magpocus sa pag-aaral o isang trabaho
Pagkatapos ng pananaliksik, natutunan ko na marami ang nagiging biktima
ng cyberbullying at karamihan dito, ay hindi alam ng mga magulang kung
ano ang nangyayari sakanilang mga anak. Minsa'y nagiiba ang tingin ng mga
kaibigan sakanila. Ang cyberbullying ay maaring hindi sinasadya o
sinasadya, na minsa'y ginagamit na pabiro lamang. Malaki ang apekto nito
sa isang tao na nakakaranas ng kaganapan na ito.
inireport ni Angeli Louise Tinapay ng pangkat Fidelity

You might also like