You are on page 1of 1

Bilang isang Mag-aaral, Paano mo papahalagahan ang wika at sa anong paraan

hihikayatin ang mga kabataang Pilipino


Kasabay ng pag-unlad ng mundo ang pag-usbong ng ng mga hindi pormal na salita, katulad ng wika
na sa lansangan o kalye na lamang maririnig. May kanya-kanyang kultura, wika at paniniwala batay
sa lahing kinabibilangan. Maraming salita ang ginagamit sa bansa tulad ng mga sumusunod:
Surigaonon, Cebuano, Waray, Visaya , Ilokano, Bikolano at iba pa. Ilan lang ito sa mga dahilan na
kung saan makakalimutan natin ang paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Oo, nabubuhay ako sa panahong ng makabagong modernisayon ngunit hindi dapat natin kaligtaan
ang ating pinagmulan na siya ang dahilan ng ating pagkakaisa. Alam kong may sarili tayong
dayalekto na ginagamit sapagkat tayo ay pawang pinaghihiwalay ng mga malalaking karagatan dito
sa ating bansa. Bawat mga mamamayan sa ibat-ibang dako ng Pilipinas ay mayroon ding sariling
wikang kinagisnan. Bilang isang mag-aaral na matatagpuan sa Mindanao,
mapapahalagahan ko ang ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa
araw-araw na pakikipag-usap at pagsusulat. Isang magandang halimbawa na rito ay
ang paggamit sa Wikang Filipino ay sa pagdadasal. Sa araw-araw na panangalangin
mo sa Diyos, kay Bathala, kay Allah, kay Buddha, o sa sinumang sinasamba mo,
maaari mong gamitin ang wikang Filipino. Ito ay napakabisang paraan upang lalong
malinang ang iyong paggamit ng wikang Filipino.

You might also like