You are on page 1of 5

Kamalayan sa Malawak na Kalawakan ni

Tolits Gobot
January 20, 2012 at 8:33am

Habang akoy napatingin sa nag-iisang nilalang, doon sa salamin, sa pakiwariy ko


naganap ang mala-panaginip na ito.
Sa loob ng isang taon, sangmahabang araw at maikling gabi, namalayan na lamang na
ang sarili ay nakatingin paimbabaw sa malawak na kawalan ng kalawakan. Ang ulap ay
nagkulay bughaw. Ngunit may pagkapusyaw sa bandang ibaba. Ang araw ay mistulang
bola na nababalot ng apoy. Mistulang nagbibigay ng pag-asa sa bawat nilalang.

Ako ay napabuntung-hininga, matapos luminga-linga na tila naghahanap ng hanging


amihan sa buwan ng Abril. No way sa kapeng mainit, ang nasambit sa sarili. Di
maikakaila ang maalinsangan panahon.

Narinig ang alon sa dalampasigan. Tila nangungusap, di maintindihan. Ang mga alon ay
nag-uunahan, tila mga paslit na naghahabulan.

Ang kalangitan ay muling nasulyapan ng biglang nagbago ng bihis ito. Ang kalangitay
nagdamit ng balabal na kulay asupre. Alala-ong baga na nilamon nito ang bolang apoy
na araw. Tubig sa dagat ay nabawasan tila may batobalani na humila pababa. Di
mapigilan na masikil ng pangamba ang damdamin. Tigib ng pag-aalala na di mawari.
Naibasan lang ng pagkadakay muli ding niluwa.

Napatingin ako sa taong may maskara na kawangis ni Sisyphus. . . may matipunong


pangangatawan. . . may lakas at porsigidong itinutulak paitaas ng bundok ang mala-
higanteng tipak na bato. . . na pagdating sa tuktok ng bundok mistulang tatsulok,
muling mahuhulog ang tipak na bato . . . gugulong ng kusa paibaba. Na pagdating sa
kapatagan, muling itutulak ni Sisyphus dahan-dahan, paitaas. . . ng bundok. At
nakailang ulit sya doon mula sa ibaba sa papunta sa tuktok Hindi nya pansin ang
kapaguran at mga pasat sugat sa katawan.

Nang akoy nagsawa sa paulit-ulit nyang ginagawa at nasagad ang aking pasensya,
aking sinampal ang taong nakamaskara.

Lahat ng ito ay isang masakit na karanasan na kumikirot sa katinuan ng isang


nilalang. .. . . . . .. .nang aking nagising na kamalayan.
Jdg 6/03/17

You might also like