You are on page 1of 7

Pahiwatig ng iba't ibang kabanata

Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang


kabanata ng El Filibusterismo.

Kabanata I:Sa Kubyerta

-Ang bapor Taboy larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang
pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihiy mahina ang pag-
unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa.

-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta
at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at
mababang uri ng tao.

-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan


heneral, ay walang iba kundi si Ibarra.

Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng


mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-
asa ang mga kabataan.

-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan


si Simoun gayung ang pagkakakilala nilay malapit sa kapitan heneral.

- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita


ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon. Anumang
bagay na naisin ng magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay
nasusunod.

Kabanata III: Mga Alamat

-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa


kaniyang kasintahan. Itoy nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing
Pilipina.

-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng
bayan pati na ang pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.

Kabanata IV: Kabesang Tales

-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng


mga kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila.

-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay


nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang
karapatan.

-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga
tulisang dumakip kay Kabesang Tales upang itoy ipatubos.

Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

-Ang kaawaawang mga Pilipinoy tumatanggap ng mabigat na parusa sa


kaunting pagkukulang. Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin.

-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes.


Sila ang makapangyarihan sa bayan.

Kabanata VI: Si Basilio

-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng


pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain
bastat marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral.
Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.

-Sa kabanatang itoy napabulaanan ang kasabihang kung ano ang punoy
soyang bunga. Si Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng
sa ama.

Kabanata VII: Si Simoun

-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang itoy mahalaga. Isinisiwalat dito ang


buong diwa, kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa
kaniyang bayan.

-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng


pagbabago. Ang isay humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at
ang isa namay nagnanais humiwalay upang maging ganap na malaya.

Kabanata VIII: Maligayang Pasko

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng


Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa
ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.

-Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga


Pilipino ng kalayaang magpahayag ng kanilang nais sabihin.

Kabanata IX: Si Pilato

-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring


lumaban dito noong panahong iyon.

-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siyay
naghugas ng kamay at sinabibg siyay walang kasalanan.

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan

-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.

-Ang mga Pilipinoy handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang


karapatan.

Kabanata XI: Los Banos

-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang


nananaig pa ang pasiya ng mga prayle.

-Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita.


-Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.

Kabanata XII: Si Placido Penitente

-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat


sapagkat itoy nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral
at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.

Kabanata XII: Ang Klase ng Pisika

-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa


pamamalakad at pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan. Silay naghain ng
kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.

-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing


darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang
tao.

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante

-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at


pagpapahalaga sa mga Pilipino.

-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan,


na wariy nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan. Magandang
halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasamat kamag-aral nina
Isagani at Makaraig.

Kabanata XV: Si Ginoong Pasta

-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan,


kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit
ng lipunan na ngayon ay palasak.

-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang


ikabubuti ng bayan.

Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang Insik

-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang


pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng
paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng


damdamin at ng iniisip ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa
kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon.

Kabanata XVIII: Mga Kadayaan

-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring


nagaganap noong panahon ng Kastila.

-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng


pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaat pagkakasala.

Kabanata XIX: Ang Mitsa

-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa


huli upang maghimagsik.

-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang


maipagmalaki at masabing silay magulang ng isang nakapag-aral at
nagkatitulo.

Kabanata XX: Ang Nagpapalagay

-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong


humahanga. Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at
kakayahan.

-May paniniwala si Rizal na ang taoy pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang


puti at kayumanggi.

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila

-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng


kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang
pansarili.

Kabanata XXII: Ang Palabas

-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin.
Ginaya lamang natin ito sa mga Kastila.

-Ang mga Pilipinoy mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging
ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan
natin.

Kabanata XXIII: Isang Bangkay

-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay


nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay
nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda


para sa kaniyang bayan.

-Itoy hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang


katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga
bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng


relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo
ng lubusan.

Kabanata XXVI: Ang Paskin

-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo


ang anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan.

-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang


pagnanasang manatili sa Pilipinas.

Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino

-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at
di-mabuting pagkilala sa mga Pilipino.

Kabanata XXVIII: Tatakut

-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na


pangyayari. Kalimitan, pag-nagpasalin-salin, itoy marami nang dagdag.

-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng
mga pahayagan.

Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago

-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.

-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na
idiniin sa isipan ng mga mananampalataya.

Kabanata XXX: Si Huli

-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang


lahat maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ng simbahan.

-Walang natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan.

-Makapangyarihan ang pag-ibig.

Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani

-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na


may ilan ding Kastilang ,ay ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito
ang larawan ng katarungan sa ating bansa.

Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin

-Si Paulitay larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila
ni Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga pangarap ng
binata.

-Ang dalagay makasarili, ang binatay makabayan.


Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid

-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang


maipaghiganti ang sariling kaapihan.

-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling
sa mga maruruning at mayayaman. Itoy pinatutunayan ng kasaysayan.

-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa


pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang
layunin. Nalimutan niyang itoy labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.

Kabanata XXXIV: Ang Kasal

Ang kabanatang itoy naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:

-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao


kahit itoy di lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa
katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang
ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.

-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan,


binyagan at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang
kanilang makakaya. Ang ibay kahit na mangutang.

Kabanata XXXV: Ang Pista

-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa


mga piling panauhin. Sinasabing Bilang na, natimbang na, hati ang inyong
kapangyarihan. Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga
maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang
nagkulang at nakgkasala.

-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan,


ayon sa relihiyong Romano.

Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb

-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong


panahong iyon.

Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga

-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang
lihim na hindi nahahayag.

Kabanata XXXVIII: Kasawinan

-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang


pakundangan sa kanilang mga kababayan.

Kabanata XXXIX: Katapusan

-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.

-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.
-Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang
katarunga.

-Ang kalayaay maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng


katuwiran at ng karangalan ng tao.

-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

mula sa Mga Pahiwatig ng mga kabanata sa El Filibusterismo

You might also like