You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Mathematics I

I. Layunin
Napagsasama ang dalawang isahang-digit na numero na may kabuuang
bilang na 7 hanggang 10..
Nabubuo ang addition combinations sa addition table.
Nalilinang ang pagkakaisa sa lahat ng pangkatang gawain.
II. Pakang Aralin
A. Paksa: Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang
na 7 hanggang 10.
B. Sanggunuian: Lesson Guide in Elem Math I pah. 127-130
C. Kagamitan: manila paper
III. Pamamaraan

Gawaing Pang-Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin
magsitayo muna tayo para sa ating
panalangin. (Magsisistayo ang mga estudyante para sa
panalangin)
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po Maam
Salamat, maaari na kayong magsi-upo.

3. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa ating klase
ngayong araw? (Unang grupo (Sasabihin ng mga lider ng bawat grupo kung
hanggang huling grupo.) sino ang liban sa klase)

4. Pagtala ng Takdang Aralin


Mayroon ba tayong takdang-aralin? (Sasagot ang mga estudyante.)

5. Balik-Aral
Bago tayo magsimula sa bagong paksa,
ano ba ang paksang tinalakay kahapon? (Sasagot ang mga estudyante.)

6. Paghahanda
Laro: Pagsamahin ang 2 set at bumuo ng
bagong set gamit ang counters. (Sasagot ang mga bata)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Awit: 1 and 1 , 2
2 and 2 , 4
3 and 3, are 6 for me
4 and 4, 8
5 and 5, 10
Little fingers of my hand.

2. Paglalahad
Magpakita ng mga plaskard na may bilang na
7, 8, 9, 10
Anu-anong bilang ang nakikita ninyo? (Sasagot ang mga estudyante.)
Gamit ang inyong counters, bubuo tayo ng
mga number combinations para sa sum ng 7, 8,
9, 10.
Anu-anong 2 bilang ang makapagbibigay ng
sum ng 7? 8? 9? 10?
1+6 6+1
2+5 5+2
3+4 4+3
7+0 0+7
Gayahin lamang ang proseso para sa sum ng 8,
9, at 10.
3.Pagtalakay
Anu-anong bilang ang pagsasamahin
para sa:
7? 8? 9? At 10?

1 + 1 ay tinatawag na addends
+ plus sign
= equal sign

4. Paglalahat
Anong salita ang addends? Ang addends ay ang dalawang bilang na
pinagsasama.

Ano ang gamit ng plus (+)? Ang plus sign (+) ay simbulong ginagamit sa
addition o pagsasama.
Ano ang gamit ng equal sign( =)? Ang equal sign ay simbulong ginagamit para sa
sagot.
5. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Magbigay ng mga addition
combinations para mabuo ang
addition table. Sa ibaba.
+ 0 1 2 3 4 5
0
1 3
2 3
3
4 6
5
(Pag uulat ng kanilang napiling kaklase.)

IV. Pagtataya

Isulat ang nawawalang bilang.

1. 2+6=

2. 5+4=

3. 9+1=

4. 5+5=

5. 5+2=

V. Takdang-Aralin:

Gumawa ng sariling plaskards na may sum ng 6 hanggang 10. Humanda sa paligsahan sa


susunod na pagkikita.
Checked and Approved to:

ESPERANZA D. SANTIAGO
(Cooperating Teacher)

Prepared by:

ELY ROSE S. SIAWINGCO


(Student Teacher)

You might also like