You are on page 1of 26

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Sa pagdaan ng maraming panahon, maraming salita ang nagpabago sa takbo

ng buhay ng bawat tao. Ang halimbawa nito ay ang umuusbong na salitang balbal

na gay lingo. Ang gay lingo ay mga salitang binuo at ginamit ng mga taong nasa

pangalawang kasarian na kung saan rumami at nagkalat sa bansa. Ito rin ay isang

balbal na salita na patagong ginagamit ng mga homoseksuwal na nagmula sa

pagpapalit wika ng tagalog at ingles. Kung minsan pati ang mga sikat na

personalidad o artista ay ginagamit na rin. Mapabata man o matanda, babae man o

lalake ay gumagamit na rin ng salitang gay lingo o swardspeak kung tawagin

minsan.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay bigyang katuturan ang salitang gay

lingo gamit ang mga naturang impormasyon tulad ng mga paraan sa paggamit at

mga tunkulin nito sa komunikasyon. Nais din ng mga mananaliksik na bigyang

pansin ang kasaysayan ng wikang gay lingo, kung paano ito nabuo at mga pwedeng

proseso na pinagdaanan.

Marami sa ating mamamayan ang umanong tumatangkilik sa salitang

swardspeak na ginagamit sa pakikipag-usap sa kapwa upang maitago ang pinag-

uusapan ng bawat isa. Ayon kay Lim (2009), ang gay lingo ay naging alinsunod sa

pidgin, isang uri ng wika na nabuo sa kadahilanang may pangangailangan ang isang

grupo ng tao na mag-usap gamit ang mga salitang sila lamang ang nakakaintindi
2

nito. Naging daan din ang media sa progresibong tinatamasa ng gay lingo.

Sa pagbuo ng anumang wika, marami ang paraan ng pagbuo at pagpayaman,

isa na rito ang salitang gay lingo tulad ng pagkabit ng mga panlapi. Maliban sa

paggamit ng panlapi na nagtataglay ng susi at mga semantik na panlapi, maraming

mga panlapi na maaraing ikabit na hindi magbabago ang kahulugan ng salitang

kinakabitan. Ang mga panlapi na ito ay hindi nagtataglay ng karagdagang

kahulugan. Ikinakabit lamang ito upang lalong maging mas makulay at

makahulugan ang mga salita para lalong hindi maintindihan ng mga taong hindi

kabilang sa grupo at para mang-aliw.

Gayumpaman, ang gay lingo ay umiiral na at sabay sa pag-iral nito

maraming salita nanggaling mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan tulad ng

medya, mga lenggwahe at iba pa. Ang mga salitang balbal na tulad ng gay lingo ay

pabago-bago at lumilikha ng mga salitang may pagkahawig sa Ingles, Hapon,

Espanyol, Pranses at iba pa. Dulot ng pagdami ng mga salitang gay lingo, nakabuo

ito ng bokabularyo na kung saan naging kaakit-akit, matalino at katuwa-tuwa.

Dulot ng mabilisang pagbabago at pag-iral, maraming salita ang nadagdag.

Kaya minsan nagiging masama ang impluwensya nito sa bawat isa. Minsan

nakakainsulto, minsan nakakaaliw pero nakadepende pa rin sa taong gumamagamit,

paraan ng paggamit at ang taong tagatanggap. Hindi natin maitatanggi na

maimpluwensya ang salitang ito, kagaya ng paggamit nito sa pakikipagtalastasan sa

ibang tao para maiparating ang gustong sabihin para maging sikreto.

Upang mas lalo pang mapalawig at mas maunawaan ang layunin, ang mga
3

mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral upang mapag-aralan ang kasaysayang

nakapaloob dito at kung paano ito mabilisang lumaganap sa kalipunang Pilipino.

Pangunahing maririnig natin ang mga salita ng gay lingo o swardspeak sa midya

partikular na sa radio, telebisyon at iba pa na karaniwan nang nangunguna sa pag-

impluwensiya sa maraming kabataan. Isa ang gay lingo sa nagpapatunay na buhay

at dinamiko ang wika sa Pilipinas na tulad nito ay nagbabago ang kahulugan, nag-

iiba ang gamit at iba-ibang terminolohiya na dumdepende sa estado ng buhay ng tao

ang paggamit ng wika. Layunin din sa pag-aaral nito ang pagtuklas sa kahulugan ng

gay lingo, mga terminolohiyang kanilang ginagamit at tungkulin nito.

Sa makatuwid, binigyang diin ng mga mananaliksik ang mga gamit at

katuturan ng gay lingo para maiparating ang mga bagay na lilinaw at lalawak sa

mga kaalaman ng bawat mamamayan sa mga impormasyong nakalap ng bawat isa.

Sa panahong, malaki ang naging ambang ng ating wika kaya sa pag-iral ng salitang

gay lingo, dapat na mapag-aral ng maigi ito dahil marami rin ang epekto ng salitang

ito sa pakikipagpalitan ng mga naiisip o pakikipag-usap sa bawat isa. Ang layunin

pag-aaral na ito ay mabatid ang mga gamit at kahulugan ng bawat salita.

Paglalahad ng Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipaliwanag ang mga gampanin ng gay

lingo sa lipunan at mga wastong gamit nito. Upang maintindihan pa at maunawaan

ng malinaw ang lenggwaheng gaylingo. Bukod dito, ang gay lingo ay mabilis na

naglago at nagbago, nagkaroon ng iba't ibang kahulugan ang bawat salita na


4

matatalakay sa pag-aaral na ito. Dulot nito, nagkaroon ng maraming epekto sa

nakagisnang wika na nagbago sa daloy ng ating kultura na tinatamasa natin ngayon.

Sa kadahilanang ito, nagsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral sa Gay

Lingo: Isang Pag-aaral sa Kayarian Nito, para malaman ang kahalagahan ng gay

lingo sa lipunan. Sa tiyak na pamamaraan, ang pananaliksik na ito ay may layuning

sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1) Anu-ano ang mga gaylingo na ginamit ng mga kabataan?

2) Anu-ano ang mga tungkulin ng wika sa pagkakagamit nito?

3) Paano nabuo ang gaylingo na ginamit?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral na

pwedeng matututnan ng bawat isa. Nakatuon ang pag- aaral na ito sa mga gamit ng

gay lingo at mga pwedeng epekto sa lahat ng nakakaintindi. Wala sa kasarian ang

paggamit sa salitang ito kaya sakop nito ang bawat isa o damay ang lahat dito

hanggang alam mo ang salitang ito. Ang salitang ito ay walang sinusunod na batas

gramatikal kaya malaya itong gamitin kahit anong paraan man ang gusto ng mga

tagahatid ng mensahe. Hanggat nagbabago at lumalago ang salitang balbal na ito,

dadami at kukomplikado ang kinagisnang wika na ating ginagamit natin ngayon.

Saklaw at Delimitasyon
5

Nakalahad sa pananaliksik na ito ang mga kahulugan, kasaysayan at mga

epekto ng salitang gay lingo sa pakikipagkomunikasyon. Sa pakipag-usap marami

ang pwedeng gamiting salita para maiparating ang mga gustong sabihin, kaya sa

pag-aaral na ito ay gustong linawin na ang gay lingo ay pwedeng gamitin ng lahat

para sa komunikasyon para maitago ang pinag-uusapan ng mga grupo na maaring

ito ay isang sikreto o iba pa. . Maraming epekto sa lipunan ang paggamit nito,

maaaring maganda o makakasira sa kultura o tradisyong pangwika dahil sa salitang

balbal o pabago-bagong wika na tinatamasa ng salitang gay lingo.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Nakalahad dito ang mga salitang bibigyang pansin at mga katuturan nito

para maintindihan pa ng maayos. Ang mga salitang ito ay maaaring galing sa

diksyonaryo, internet at iba pa.

 Swardspeak- nagmula sa salitang “sward” na ang ibig sabihin ay

lalaki na may pusong babae, at ang “speak” ay salita sa tagalog.

 Gay lingo- mga salilang ginagamit at pinausbong ng mga nasa

pangatlong kasarian o bakla kung tawagin ng marami.

 Omz- tumutukoy sa mga kalalakihan

 Sinetch- sino

 Jowabels- tumutukoy sa kasintahan

 Was / Waz- wala

 Wako bet- wala pang nagugustuhan


6

 Fes

 Sey- masabi

 Nota- tumutukoy sa ari ng mga lalaki

 Wit- pinagbabawalan

 Keri- kaya

 Rampage- tinutukoy nito ang salitang rampa

 Nyosawa- tumutukoy sa salitang asawa

 Pudrang / Mudrang- tumutukoy sa mga magulang (tatay o nanay)

 Jutay- tumutukoy sa mga maliliit na bagay

 Magbeltak- magmake-up

 Bet- gusto

 werla- nagtatanung kung saan

 Keribels- okay lng

 Andats- tumutukoy sa pera

 Tayelz- tayo o ikaw

 Balur- sasabihin

 Kamsya- halika

 Werlalu- nagtatanung kung saan

 Balur- bahay

 Jongga- maganda, magara o bongga

 Junakes- anak
7

 Shupatids-tumutukoy ito sa kapatid

 Ditey- dito

 48 years- sobrang tagal

 Aketch – tumutukoy sa sarili

 gabung- gabi

 Cheese- tumutukoy sa chismis

 Anik- ano

 Ganitech / ganitey- ganito

 Butay- bahay

 Purita Kalaw- walang pera


8

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Karaniwang Gaylingo na


Ginagamit ng Kabataan

“Jowabels,” “keri,” “mudrang/pudrang,” at “bet,” ay ilan lamang sa mga

salitang ginagamit ng mga bakla ngayon. Ito ay naging natural at naging lenggwahe

na ginagamit hindi lang ng mga bakla, kundi pati na rin ang mga kabataan o

matatanda, mapababae man o lalaki, sa mga eskwelahan man o mapamidya. Ang

mga sumusunod ay ang mga iba pang salitang gaylingo at ng kanilang mga

kahulugan na ginagamit ng mga karamihan ngayon.

 Omz- tumutukoy sa mga kalalakihan

 Sinetch- sino

 Jowabels- tumutukoy sa kasintahan

 Was / Waz- wala

 Wako bet- wala pang nagugustuhan

 Fes- mukha

 Sey- masabi

 Nota- tumutukoy sa ari ng mga lalaki

 Wit- pinagbabawalan

 Keri- kaya

 Rampage- tinutukoy nito ang salitang rampa

 Nyosawa- tumutukoy sa salitang asawa


9

 Pudrang / Mudrang- tumutukoy sa mga magulang (tatay o nanay)

 Jutay- tumutukoy sa mga maliliit na bagay

 Magbeltak- magmake-up

 Bet- gusto

 Werla/Werlalu- nagtatanung kung saan

 Keribels- okay lng

 Andats- tumutukoy sa pera

 Tayelz- tayo o ikaw

 Kamsya- halika

 Balur- bahay

 Jongga- maganda, magara o bongga

 Junakes- anak

 Shupatids-tumutukoy ito sa kapatid

 Ditey- dito

 48 years- sobrang tagal

 Aketch – tumutukoy sa sarili

 gabung- gabi

 Cheese- tumutukoy sa chismis

 Anik- ano

 Ganitech / ganitey- ganito

 Butay- bahay
10

 Purita Kalaw- walang pera

Tungkulin ng Wika sa Paggamit


ng Gaylingo

Ayon kay Hernandez sa kaniyang papel na pinamagatang “Pasok sa Banga:

ang mga sosyolek bilang batis ng mga salita sa Filipino,” ang wika ay masasabing

sumasabay sa pagbabago ng panahon at lipunan, isang mahalagang katangian sa

paghubog ng wika.

Ang wika, giit niya, ay may baryasyon na tinatawag na sosyolek. Ito ay dulot

ng mga pagpapangkat ng mga grupo ng mananalita at pakikipag-uganayan ng mga

mananalita sa ibang sektor ng lipunan. Isa sa mga pinakamatingkad na sosyolek sa

lipunan ay ang “swardspeak” o mas kilala bilang gay lingo. Ayon sa kaniya, isang

mahalagang katangian ng salitang bakla ay ang “pagkukubli,” kung saan ang

orihinal na anyo ng salita ay iniiba ang pamamaraan ng pagbuo upang hindi

maintindihan. Sa tingin ni Hernandez, ito ay dahil sa konteksto ng

pakipagtutunggali ng mga bakla sa kulturang patriyarkal ng lipunan, kung saan

nagkakaroon ng stigma na ang pagiging bakla ay isang kasalanan o kamalasan. Ang

katangiang ito ang siyang dahilan ng mabilis na pagbabago ng mga salita at ito ay

nagsisilbing instrumento ng mga bakla upang makipagtunggalian sa lipunang

mapanghusga. Dagdag pa niya, sa larangan ng showbiz, kung saan makikita na

talamak ang paggamit ng salitang bakla, ang media ay nagsisilbing instrumento ng

pagpakakalat at pagpasisikat ng mga salita sa lipunan. Bagaman hindi lahat ng

salitang bakla ay pumapasok sa kamalayan ng maraming Filipino, masasabing ang


11

isang salita ay nagiging ganap na bahagi lamang ng pambansang wika pagkatapos

nitong dumaan sa pagiging slang ng mga Filipino.

Pagbuo ng mga Salitang Gaylingo

Ang pagbubuo at pagpapayaman ng gaylingo ay maraming iba’t ibang

paraan. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano binubuo ang salitang

gaylingo:

 Pagkakabit ng afiks. Halimbawa: ganders + -um = gumanders- gumanda

 Substitution. Halimbawa: kapatid- shupatid, anak- junak

 Panghihiram. Halimbawa: dako (Hiligaynon)- malaki, mujer (Espanyol)-

babae

 Pagkakaltas. Halimbawa: wala- was

 Metatisis. Halimbawa: tao- otaw, daan (pera)- anda

 Paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na lugar at personalidad.

Halimbawa: Indiana Jones- hindi pagsipot, Reyna Elena- umuulan.


12

KABANATA III

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga instrumenting ginamit at

pamamaraan sa pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito ang mga karaniwang ginagamit ng

mga bakla na wika sa iba`t ibang salita, irekord ang mga ito at isalin sa wikang

Filipino.

Pamamaraang Ginamit

Para sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito, gumamit ang mananaliksik ng

iba`t ibang salik para makakuha ng iba`t ibang datos.

Internet. Nagsaliksik ang mga mananaliksik sa mga iba`t ibang websites sa

internet na may kinalaman sa mga gaylingo na ginagamit ng mga bakla, at mga

depinisyon ng bawat wika na gaylingo gaya ng Badingtionary.

Pagrerekord. Bawat mananaliksik ay pumunta sa mga iba`t ibang lugar

gaya ng parlor, parke, at kung saan maraming kabataan ang maaring gumagamit ng

salitang gaylingo. Habang ginagamit ng mga kabataan ang wikang gaylingo, ang

mga mananaliksik naman ay abala sa paggamit ng kanilang gamit na pangrekord

para irekord ang mga iba`t ibang pag-uusap na ginagamitan nila ng gaylingo.

Pagsasalin. Isinalin ng mga mananaliksik ang mga narekord nilang pag-


13

uusap ng mga bakla na ginagamitan ng mga wikang gaylingo sa pamamagitan ng

wikang Filipino gamit ang Badingtionary.


14

KABANATA IV

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay naglalayang ipakita ang mga

interpretasyon at pagtatasa ng mga datos na kanilang nakalap. Upang malaman at

maintindihan kung paano ginagamit ang gaylingo at tungkulin nito na nagayon ay

ginagamit na ng lahat. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng iba`t ibang paraan o

instrument para makakuha ng mga datos.

Usapan 1

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Dec. 18, 2015, 1:48 PM


Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng bakla

Ispiker 1: Adda kanu omz mo ket. Sinetch? Hahaha!


Ispiker 2: Halololo. Jowabels?
Ispiker 3: Ay.. was! Wako bet ang fes ng iting.
Ispiker 4: Awan maibagakon ahaha.
Ispiker 3: Was ma sey iting?

Translation:
Ispiker 1: May lalaki ka raw. Sino? Hahaha!
Ispiker 2: Halololo. Boyfriend?
Ispiker 3: Ay.. Wala! Wala pa akong nagugustuhan.
Ispiker 4: Wala na akong masabi hahaha.
Ispiker 3: Wala ka ng masabi?

Sa usapan 1, makikita na ang mga salitang omz, sinetch, jowabels, was,

wako bet, fes at sey ay mga salitang gaylingo na ginamit ng mga estudyante.
15
16

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom, kongklusyon at

rekomendasyon ng pag-aaral tungkol sa “Gaylingo: Isang Pag-aaral sa Kayarian

Nito.”

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Gaylingo: Isang Pag-aaral sa Kayarian

Nito.” Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga intsrumento para sa pagre-rekord

upang maitala ng maayos ng mga mananaliksik ang mga kumbersasyon ng mga

kabataang gumagamit ng mga salitang gaylingo. Ang wikang gaylingo ay

karaniwan ng ginagamit ng mga tao ngayon, hindi lang ng mga bakla kundi pati na

rin ang mga kalalakihan at kababaihan. Ginagamit din ang wikang gaylingo sa mga

iba’t ibang lugar tulad eskwelahan, midya at mga parlor.

Sa pag-aaral na ito, naglalayon na malaman ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga gaylingo na ginamit ng mga kabataan?


2. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika sa pagkakagamit nito?
3. Paano nabuo ang gaylingo na ginamit?

Kongklusyon

Ayon sa nakalap na mga datos ng mga mananaliksik, ang mga karaniwang

salitang gaylingo na ginagamit ng mga kabataan ay was (wala), bet (gusto), keri

(kaya), tayelz (tayo na), anda (pera), kamsya (halika), at balur (bahay). May anim

na paraan kung paano bumuo ng salitang gaylingo. Ito ay ang mga pagkakabit ng
17

afiks, substitution, panghihiram, pagkakaltas, metatisis at paggamit ng mga

pangalan ng mga sikat na lugar at personalidad.

Rekomendasyon

Base sa mga nabanggit na konklusyon ng pag-aaral, ibinibigay ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga susunod na estudyante na

gumawa ng pananaliksik papel tungkol sa karaniwang paksang pinag-uusapan ng

mga bakla sa eskwelahan at mga parlor.

Iminumungkahi din na gumawa ng diksyunaryo para sa mga salitang

gaylingo upang makilala na ang gaylingo ay kabilang na sa ating wika.


18

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Bacardi, B. (2010, October 15). Tagalog gay lingo 101. Retrieved on Jan. 25, 2016
from http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/.
Badessa, M. (2010, March 6). Gay lingo. Retrieved on Jan. 25, 2016 from
http://buhaybadikla.blogspot.com/2010/03/gay-lingo-101.html.
Butchay. (2010, January 4). Filipino Gay Language. Retrieved on Jan. 25, 2016
from http://butcholle.com/?p=1450.
BuhayPinoy. (2008, March 26). Gay dictionary (pinoystyle). Retrieved from Jan. 25,
2016 https://tapsilugansakanto.wordpress.com/2008/03/26/gay-dictionary-
pinoy-style/.
Depante, L. (2015, April 18). Bekimon-Gaylingo at epekto nito sa lipunan.
Retrieved on Jan. 26, 2016 from http://documents.tips/documents/bekimon-
gay-lingo-at-ang-epekto-nito-sa-lipunan.html.
Evangelista, P. (2010, October 1). Bekimon: Ebolusyon ng salitang bakla. Retrieved
on Jan. 26, 2016 from
http://varsitarian.net/filipino/20101001/bekimon_ebolusyon_ng_salitang_bakl
a.
Herrero, J. (2015, April 13). Pagtuklas sa mga salitang karaniwang ginagamit sa
usapan ng mga taong nasa pangalawang kasarian. Retrieved on Jan. 26, 2016
from http://documents.tips/documents/pananaliksik-sa-gay-linggo.html.
Jalalon, D. (2011, March 18). Gaylingo ng Ozamiznon: Isang pagsusuri. Retrieved
on Jan. 26, 2016 from https://prezi.com/djt-aysj6jpk/gay-lingo-ng-ozamiznon-
isang-pagsusuri/.
Michaelangelo. (2010, October 15). Da gay code-revealed. Retrieved from
http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/2010/10/da-gay-code-
revealed.html.
Michaelangelo. (2010, October 15). More gay words from Philip. Retrieved on Jan.
25, 2016 from http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/ .
19

APENDIKS

Mga Kumbersasyon

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Dec. 18, 2015, 1:48 PM


Barangay
Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng bakla
Paksa: Kasintahan

Ispiker 1: Fitche, adda kanu omz mo ket. Sinetch? Hahaha!


Ispiker 2: Halololo. Jowabels?
Ispiker 3: Ay.. was! Wako bet ang fes ng iting.
Ispiker 4: Awan maibagakon ahaha.
Ispiker 3: Was ma sey iting?

Translation:
Ispiker 1: Fitche, may lalaki ka raw. Sino? Hahaha!
Ispiker 2: Halololo. Boyfriend?
Ispiker 3: Ay.. Wala! Wala pa akong nagugustuhan.
Ispiker 4: Wala na akong masabi hahaha.
Ispiker 3: Wala ka ng masabi?

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Dec. 19, 2015, 10:12 AM


Barangay
Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng bakla
Paksa: Nagugustuhang lalaki

Ispiker 1: *Pinapakita ang isang larawan ng nagugustuhan niyang lalaki na may


kasamang babai* Nagsakit gays! Detoy tay jak man maiturturoganen.
Ispiker 2: Putolem tay nota nan sis para wala ng rason. Hahahaha!
Ispiker 1: Gaga! Wit a! Anan to pay ti kayamanak? Hazhaz!

Translation:
Ispiker 1: *Pinapakita ang isang larawan ng nagugustuhan niyang lalaki na may
kasamang babai* Ang sakit! Hindi na naman ako makakatulog nito.
Ispiker 2: Putolin mo na lang yung t*t* niya sis para wala ng rason. Hahaha!
Ispiker 1: Gaga! Huwag! Ano na ang magiging kayamanan ko niyan? Hazhaz!

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Dec. 24, 2015, 10:04 AM


Barangay
Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng bakla at babae
Paksa: Pagrampa sa mall
20

Ispiker 1: Hahaha ana buyaen tay nukwa?


Ispiker 2: Tay haunted house. Hahaha!
Ispiker 1: Matayak nukwan hahaha!
Ispiker 3: Jak kayat agbuya. Nagadut pila nukwa.
Ispiker 1: Hahaha 26 nukwa te. Keri eta. Sapaen tayo nukwa.
Ispiker 2: Buya then Rampage! Ilibre nak ni Kevin.
Ispiker 1: Okim Purita Kalaw hahaha.

Translation:
Ispiker 1: Hahaha ano’ng papanoorin natin?
Ispiker 2: Yung haunted house. Hahaha!
Ispiker 1: Mamatay ako niyan hahaha!
Ispiker 3: Ayaw kong manood. Mahaba ang pila.
Ispiker 1: Hahaha sa 26 na tayo manood. Kaya yan. Agahan nating pumunta.
Ispiker 2: Nood tapos magrarampa tayo! Ililibre ako ni Kevin.
Ispiker 1: Wala akong pera hahaha.

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Dec. 26, 2015, 1:02 PM


Barangay
Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng bakla
Paksa: Pagma-make up

Ispiker 1: Bektis, bet mo magbeltak?


Ispiker 2: Bet werla?
Ispiker 1: Geh keribels lang dyutay peang?
Ispiker 3: Keri! Andats pa rin yan.
Ispiker 1: Geh tayelz na sa balur para magbeltaken.

Translation:
Ispiker 1: Gusto mong magmake up?
Ispiker 2: Gusto saan ba?
Ispiker 1: Sige. Okay lang kahit konti ang bayad?
Ispiker 3: Oo naman pera pa rin yan
Ispiker 1: Sige. Ikaw na ang sasabihin kong mag make up.

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Jan. 06, 2016, 9:17 AM


MMSU
Mga Nag-uusap: Mga matatanda
Paksa: Pamamasyal
21

Ispiker 1: Sis kamsya adda papanan ta.


Ispiker 2: Werlalu?
Ispiker 1: Umay ka latta balur’en ah
Ispiker 2: Wen sis
Ispiker 1: Ag outfit ka ti jongga ah
Ispiker 2: true sis. Urayen nak, agsukat nk lang,shupateds ram?
Ispiker 1: adda ditey, umay kan 48 years nak agururayen
Ispiker 1: was mo ibagbaga ken nyosawak inta maki birthday
Ispiker 2: mabain aketch, ag motor ta
Ispiker 1: tayels ket baka gabong makadanun tan.

Translation
Ispiker 1: sis halika may pupuntahan tayo
Ispiker 2: saan?
Ispiker 1: punta ka na lang sa bahay ah
Ispiker 2: ok sis
Ispiker 1: mag suot ka ng bongga
Ispiker 2: totoo sis,hntayin mo ko,magdadamit lang ako,nandyan ba kapatid mo?
Ispiker 1: nandito siya halika na ang tagal
Ispiker 1: wag mong ipagsabi punta tayo sa asawa ko
Ispiker 2: nahihiya ako, mag motor tayo
Ispiker 1: punta na tayo,baka gabi na pag dumating tayo dun.

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Jan. 09, 2016, 2:47 PM


Barangay
Mga Nag-uusap: Mga estudyanteng ng CTE
Paksa: Tsismis

Ispiker 1: uy adda icheese ko a


Ispiker 2: anik man ang ma sey mun?
Ispiker 3: alah! talaga sika
Ispiker 2: ala ibagamun ah
Ispiker 1:ganitech Sovietscaya Bacud ni didiay nyosawa ni kapitan
Ispiker 3: wen kano bes, nagapa da kan di kalman ado pay ti agbuybuya
Ispiker 1:I damag mu mt,adda kan pay dagidiay junakes na d agap apa da
Ispiker 2: nag diyo asi mt dagidiay junakes na
Ispiker 2: agawid nakun, tayels na ket dyak pay nakaluto

Translation
Ispiker 1:uy may chismis ako ah
Ispiker 2: ano naman iyon?
Ispiker 3: Ala. Ikaw talaga..
Ispiker 2: hala sabihin muna
Ispiker 1:ganito, kabit daw niya ung asawa ni kapitan
22

Ispiker 3: oo raw bes, nag ayaw daw sila kahapon,madaming tao ang nanood
Ispiker 1: ay.nabalitaan mo rin, nadoon pa ang mga anak niya nung nag aaway sila
Ispiker 2: ay. nakaka awa naman ang mga anak niya. Uwi na ako,tayo na,dipa ako
nakaluto.

Petsa ng Pagkakatala at Oras: Jan. 12, 2016, 4:35 PM


Kapitbahay
Mga Nag-uusap: Dalawang lalaking magbarkada
Paksa: Combo

Ispiker 1: musta?
Ispiker 2: ganitey ata, was maubra.
Ispiker 1: naggapo ka balur yu?
Ispiker 2: true, rimwar da pudrang ken mudrang.
Ispiker 1: tayels, inta ijay butay, adda kano combo da
Ispiker 2: baka met jutay sa met ti tao
Ispiker 1: kamsya na
Ispiker 2: nu bassit ti tao, intay nukwa latta aglafung’en.
Ispiker 1: sige.

Translation
Ispiker 1: kumusta?
Ispiker 2: ganito pa rin, walang magawa
Ispiker 1: galing ka ng bahay niyo?
Ispiker 2: oo, lumabas sina nanay at tatay.
Ispiker 1: tayo na. Punta tayo dun sa may patay, may combo dun
Ispiker 2: baka naman kokonti lang ang tao
Ispiker 1: halika na
Ispiker 2: kung konti lang ang tao, kakain na lang tayo.
Ispiker 1: sige.

KURIKULUM BITA

Pangalan: Kelvin John Ezekiel A. Aquino

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang

Petsa ng kapanganakan:
23

Lugar ng Kapanganakan:

Edukasyong Natamo

Tersyarya: Kasalukuyang nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in

Mechanical Engineering.

Mariano Marcos State University (Batac Campus)

Sekondarya: Ilocos Norte National High School

Taunang Antas 2011-2015

Elementarya: Shamrock Elementary School

Taunang Antas 2005-2011

Pangalan: Chenille Ena M. Agtarap

Personal na Datos

Edad: 16 taong gulang

Petsa ng kapanganakan: Mayo 15, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte

Edukasyong Natamo

Tersyarya: Kasalukuyang nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in

Mechanical Engineering.

Mariano Marcos State University (Batac Campus)

Sekondarya: Ilocos Norte National High School

Taunang Antas 2011-2015


24

Elementarya: Shamrock Elementary School

Taunang Antas 2005-2011

Pangalan: Rowell C. Santiago

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang

Petsa ng kapanganakan:

Lugar ng Kapanganakan:

Edukasyong Natamo

Tersyarya: Kasalukuyang nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in

Mechanical Engineering.

Mariano Marcos State University (Batac Campus)

Sekondarya:

Elementarya:

Pangalan: Jayson A. Lawaan

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang

Petsa ng kapanganakan:

Lugar ng Kapanganakan:

Edukasyong Natamo
25

Tersyarya: Kasalukuyang nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in

Mechanical Engineering.

Mariano Marcos State University (Batac Campus)

Sekondarya:

Elementarya:

Pangalan: Genesis M. Sina

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang

Petsa ng kapanganakan:

Lugar ng Kapanganakan:

Edukasyong Natamo

Tersyarya: Kasalukuyang nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in

Mechanical Engineering.

Mariano Marcos State University (Batac Campus)

Sekondarya:

Elementarya:
26

You might also like