You are on page 1of 1

Joshua Nathaniel C.

Reyes Philosophy of Law

1E Nov. 2, 2017

Edgar Gil “Edjop” Mirasol Jopson

Ako si Edgar Mirasol Jopson o Edjop kung tawagin ng aking mga kaibigan. Ako ay nag-aral sa
Ateneo sa kursong Management Engineering kung saan ako ay nagsimula bilang isang student leader.
Ako ay mas nakilala noong ako ay tumakbo para sa pagka-presidente ng NUSP o ng National Union of
Students in the Philippines na maaari nating sabihin na iba ang aking pananaw kumpara sa mga mas
radikal na mag-aaral ng UP at DLSU. Naitaguyod ko na maging isang organisasyon ang NUSP bilang
isang alyansa ng mga kabataan na may intelektwal at mapayapang pamamaraan ng aktibismo.

Ang isang katangi-tanging pangyayari sa aking pamamahala bilang president ng NUSP ay noong
kinita ako ng Pangulong Marcos sa Malacanang kung saan siya ay pinapangako ko na hindi na siya
tatakbo pa muli sa susunod na eleksyon na labag sa ating Konstitusyon. Hindi niya to ginawa at naantala
ang aming pagkikita dahil nagkaroon ng kaguluhan sa labasa ng Malacanang kung saan ay binasag ang
bintana ng aking sasakyan pagkat ako raw ay isang “moderate” dahil sa atake ko na non-ideological na
aktibismo. Ako ay naniniwala na parehas lamang ang layunin ng mga tumataligsa sa rehimeng Marcos
noon, nagkakaiba lamang ito kung paano ito gagawin.

Nang ako ay nagtapos, hindi ko tinanggap ang mga alok sa akin dito sa bansa at sa abroad. Mas
pinili kong magtrabaho para sa Philippine Association of Free Labor Unions, at ako rin ay nagaral ng
abogasya sa UP na hindi ko rin tinuloy dahil ang ating mga batas naman ay para lamang sa mga
mayayaman. Noong patindi na ng patindi ang opresyon, ako ay naging isa ng mataas na lider ng NDFP.

Ako ay nahuli noong 1979 sa Maynila kung saan ako ay tinorture at kinwestiyon. Ako ay
nakatakas at nagtago. Ako ay naging isa sa mga most wanted na may reward na 180,000 pesos sa aking
ulo. Ako ay nagtago sa Mindanao hanggang ako ay nahuli sa Davao at namatay. Ako ay naging isang
simbolo ng mga kabataan na may idealistikong pananaw na ibinigay ang lahat, kahit buhay, para sa ating
bansa, at sa ating mga Kababayan.

You might also like