You are on page 1of 11

Macalintal, Frederick L.

BM 205

I. Panimula

Ang hangganan ng teritoryo ng mga bansa ay ang kadalasang sanhi ng pag-aalitan

sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bansa. Noon pa man ay nagtatag na ng

kanikanilang mga teritoryo ang lahat ng bansa ngunit may mga pagkakataong mayroong

isang lupain or karagatan na pinaniniwalaan ng dalawa o higit pang bansa na ito ay kanila.

Dahil dito, ay nagkakaroon na ng territorial dispute o pakikipag alitan sa teritoryo.

Ayon kay Fravel (2014), ang ‘territorial dispute’ ay ang pagkakasalungat sa pag-

angkin ng dalawa o higit pang bansa sa iisang teritoryo. Ang karaniwang sanhi ng

pagaalitan dahil sa teritoryo ay ang yaman na matatagpuan sa isang bahagi ng lupain

kaya naman handang makipag agawan ang iba’t ibang bansa para sa isang teritoryo.

Bukod doon, mayroong mga teritoryong mataas ang kinatatayuan kaya para sa isang

bansa, ito ay kalamangan para sa kanila kung sakaling magkaroon ng digmaan.

Halimbawa na lamang ang tinaguriang “Doklam Standoff 2017” kung saan nagpagawa

ang Tsina ng karsada na sobrang lapit na sa teritoryo ng India kaya nagpadala ng

madaming sundalo doon ang India para tigilan ang pagpapagawa at iyon din naman ang

ginawa ng Tsina. Pinalakas ng parehong partida ang campo nila doon at 73 araw naging

mainit ang tensyon sa Doklam, isang teritoryo na ayaw ng India mapapunta sa Tsina.

Para maging katakot takot naman ang isang bansa upang manaig sa isang

teritoryo ay pinapalakas nila ang kakayahan sa militar. Ito ay sinosuportahan naman ng

ilang gobyerno sa pamamagitan ng pagtataas ng badyet para sa militar kaya hindi na


kagulat gulat na maraming kampo ng militar, paliparan at naglalakihan jet sa mga pinag

aagawang teritoryo.

Gayunpaman, hadlang sa pag-unlad ng isang bansa ang paggastos para sa

pagpapalakas ng militar. Bumabagal ang pag-unlad dahil lahat ng bansa ay madaming

problemang hinaharap ngunit kung sa isang aspeto lamang magtutuon ng pansin ay hindi

uunlad ang isang bansa. Bukod pa dito ay hihina rin ang pakikipagkalakalan ng bansa at

bababa ang kita dahil walang negosyo galing sa ibang bansa ang gusto mamuhunan sa

isang bansa na posibleng maging sangkot sa digmaan.

Kaya naman nais ng pag-aaral na ito magbigay ng malalim na pagtatalakay kung

bakit nakakasama sa pag-unlad ng isang bansa ang sobra sobrang paggastos ng

gobyerno sa pagpapalakas ng kakayahang militar. Higit pa, nais din nito magbigay ng

mungkahi para malutas ang mga problemang dinulot ng pakikipagpalakasan ng militar

lalo na ang pag hina ng ekonomiya ng isang bansa.

Layunin din namang masagot sa papel pananaliksik na ito ang mga katanungan

upang makapagbigay ng mas malalim ng pagkakahulugan sa isyu ng pag-aalitan dahil

sa teritoryo. Ang unang tanong ay anong mga bansa ang nagkakaalitan sa kasalukuyan

dahil sa teritoryo? Sunod naman, ano-ano ang mga benepisyong nakukuha ng mga

partido sa pakikipag palakasan para angkinin ang isang teritoryo? Bilang wakas, ano ang

mga posibleng paraan para magkasundo ang dalawang bansa sa kanilang

nasasakupang teritoryo?
II. Pagtatalakay

Hindi mawawala ang pangalan ng Tsina at India pag dating sa diskusyon ng territorial

conflict dahil noong 1962 pa lamang ay nagkaroon ng ng digmaan dahil sa hindi

pagkakasundo sa paghati ng teritoryo ng Asakai Chin. Noong 1967 naman ay

nagkaroong ng sandatahang alitan sa pagitan ng nabanggit ng bansa na naging resulta

rin ng pakikipag-agawan ng teritoryo. Taong 1986 at 1987 naman nagkaroon ng unang

stand-off ang dalawang bansa dahil muling hindi nagkasundo ang dalawang bansa.

Mainit ang tensyon sa panahong itinagal ng stand-off ngunit wala namang digmaan na

naganap sa mga panahong iyon. Ang huling stand-off sa pagitan ng Tsina at India sa

teritoryo ng Doklam ay naganap noong nakaraang 2017 at mapapansing mabilis na ang

pag-unlad ng parehong bansa sa aspeto ng militar dahil nagkaroon na ng karagdagang

paliparan at bumili na ng mga jet ang parehong bansa na handang sumabak sa digmaan

kung sakali. Sa kasalukuyan ay mayroon pa ring tensyon sa pagitan ng dalawang bansa

ayon sa ulat ng isang US geopolitical intelligence kaya hindi maitatanggi na ang

pakikipag-agawan ng teritoryo ang sanhi ng digmaan sa dalawang bansa. Inilarawan nga

ito ni Brunet-Jailly (2015), na ang territorial dispute ay nagbabanta na tapusin ang

kasalukuyang katayuan ng isang estado.

Bagkus, kinakailangan nila maglaan ng mas mataas na pondo na nakalaan para sa

militar kung gusto nila ipaglaban ang pinaniniwalaan nilang kanila teritoryo. Kaya naman

ayon sa huling datos na isinapubliko ng Trading Economics (2017), nasa tinatayaang

$228 bilyon ang ginastos ng Tsina sa militar noong 2017, samantalang ang India ay nas

$59 bilyon sa kaparehong taon. Kung ikukumpara sa buong mundo, ang Tsina ay

pangalawa sa pinakamalaking gastos para sa militar habang ang India ay ika-lima.


Ang badyet na inilalaan nila sa militar ay higit na mas malaki kung ikukumpara sa

ibang pinaggagastusan ng gobyerno. Halimbawa na lamang ay ang ulat ng The

Economic Times (2017) ba ang pondo ng Tsina para sa Research and Development para

bawasan ang polusyon at iba pang pangkalikasang suliranin ay $2 bilyon na kung

tutuusin ay kakarampot lamang dahil sa lala ng polusyon ng Tsina. Bagaman nasa $6

bilyon ang nakalaan sa Research and Development, kulang pa rin ito para mabigyang

solusyon ang pangkapaligirang problma ng bansa. Kinalaunan ay umangat ang tingin ng

marami sa hukbo ng Tsina at India, ngunit ito ay hindi sapat sa mga mamamayang

nakakaranas ng samu’t saring problema tulad ng polusyon na hindi naman agarang

lutasin ng kanilan pamahalaan.

Sa kabilang banda, bakit nga ba patuloy silang nakikipagpalakasan ng hukbo o

militar? Ayon sa isang ulat mula sa World.com ay sinasabing may mahalagang papel ang

pagkakaroon ng malakas na hukbo sa kaunlaran ng isang bansa. Una raw ay ang

kalamangan ng bansa pag dating sa ekonomiya kung mayroong malakas na hukbo.

Tulad ng ginagawa ng Tsina sa India na naging sanhi ng Doklam stand-off, gumawa sila

ng kalsada na humahagip sa lupain ng India. Ginawa nila ito para sa transportasyon ng

mga kalakal, ngunit ito ay ikinagalit ng India. Dahil nga malakas ang hukbo ng Tsina ay

nagkaroon sila ng kakayahang protektahan ang teritoryo, kayamanan at daan ng

pangangalakal laban sa mas mahinang bansa. Kaya din ipagtanggol ng isang malakas

ng hukbo ang lahat ng mamamayan na naninirahan sa bansa kaya mas madaming tao

ang naniniwalang ligtas sila sa oras ng digmaan. Isa pang aspeto ay ang kalikasan kung

saan kaya itong protektahan ng malalakas na hukbo kung sakaling mayroong ibang

bansa na gusto tangkaing kumuha ng likas na yaman sa teritoryo ng may-ari. Sumunod


pa ay nag polikal na aspeto dahil ang malakas na militar ay may mahalagang papel pag

dating sa pagkakaroon ng maayos na pagkakakatatag ng isang mabuting politika. Kapag

malakas ang relasyon ng militar at politika, maaring makamit ang mas mataas na antas

ng politika. Maiihalintulad ito sa pelikulang “Mulan” kung saan ang mga Huns na

mayroong malakas na hukbo ay ginustong sakupin ang Tsina para sila ang mamuno sa

buong kaharian ng Tsina. Alam nila kung gaano makapangyarihan ang Tsina at itong

kapangyarihang ito ay mapupunta sa kanila kung magiging matagumpay sila sa

pananakop. Mahalaga rin namn ang papel ng militar pag dating sa teknolohiya dahil

maraming bagay ang mayroon tayo ngayon dahil sa pangmilitar na pananaliksik. Tulad

na lamang ng wi-fi na unang ginawa para sa madaling komunikasyong ng mga sunadalo,

masa napadali ang buhay natin at ginamit din natin ito upang makipag-usap sa ating mga

minamahal. Kahit na nauubos sa paggastos ng militar ang pondo ng parehong bansa ay

masasabi rin namang may kabulohan ito dahil nakatutulong ito sa napakadaming aspeto

ng kaunlaran, ngunit ang kasamaan nito ay parang naghahanap ng gulo ang bansa kapag

mayroong itong malakas na hukbo. Itinataas din nito ang posiblidad na magkaroon ng

digmaan dahil mas lalakas ang loob ng marami na maging kasangkot sa labanan at

karahasan.

Bagkus, kung mapapansin ay mahirap ang buhay sa dalawang bansang nabanggit.

Ayos kay Liu (2017), mahirap ang buhay sa Tsina dahil una sa lahat ay laganap na ang

polusyon lalo na sa malalaking siyudad tulad ng Beijing. Sa siyudad daw na iyon ay hindi

ka na makakakita ng malinis ng hangin dahil puro smog na lamang ang makikita na

nakakasama naman sa kalusugan ng marami. Talamak din daw doon ang mga

magnanakaw kaya hindi sila nakakasigurong lahat ng kanilang kagamitan ay magiging


ligtas mula sa masasamang loob. Isa pa rin sa problema nila nag edukasyon dahil

malaking porsiyento ng kanilang sahod ay nagagastos para lamang mapag-aral ang

kanilang anak. Samantalang sa India naman ay hindi nalalayo ang hirap ng buhay. Base

sa isinulat ni Jena (2017), ang kalinisan sa India ay hindi binibigyang pansin at kahit saan

tumingin ay makakasalamuha mo ang dumi ng paligid na ikinakahiya ng mga edukadong

Indyano ngunit ito raw ay isang katotohanan na kailangan nilang tanggapin. Isa pa sa

kanilang problema ang pagkakaroon ng korapsyon sa bansa. Ang problemang ito ay

naging bahagi na ng kasaysayan ng India at dahil din dito ay lubhang bumabagal ang

pag-unlad ng bansa.

Upang maiwasan naman na maging mas komplikado pa ang problema ng pakikipag-

alitan ng teritoryo, mayroon namang iminungkahi ang isang pag-aaral mula sa Carter

Center. Ang una dito ay ang pagsulong ng problemang may kinalaman sa pag-aalitan ng

teritoryo sa Permanent Court of Arbitrations (PCA). Ito ay isang institusyon na binubuo

ng 121 na miyembro at nais nitong bigyan ng solusyon ang territorial conflict ng dalawa

o higit pang mga bansa. Sa pamamagitan ng isang arbitrasyon at iba pang diplomatikong

paraan. May iba pa ring mapayapang resolusyon sa mga territorial disputes na tinatawag

na “Alternate Dispute Resolution” o ADR kung saan laging may ikatlong partido na kasali

para lamang mapag-ayos ang kasunduan sa mga bansang kasangkot ng territorial

dispute. Una sa ADR ang Conciliation kung saan ang ikatlong partida ay kukunsultahin

ang parehong partidong nag-aalitan at itong ikatlong partido naman ay ang siyang

magbibigay ng isang suhestyon upang wakasan na ang pakikipag-alitan. Sunod naman

ay ang “Facilitation” na tumutukoy sa proseso kung saan may ikatlong partida na nag-

aasikaso ng ADR. Ito ay maaring isagawa ng kahit anong organisasyon, tao o partido
basta ito ay papayagan ng dalawang partido na nag-aalitan dahil sa teritoryo. At ang huli

naman ay ang “Good Offices” kung saan magkakaroon ng importante at ipinag-utos na

pandaigdigang kaganapan. Ang mga opisyales na bubuo sa kaganapan na ito ay maaring

ang secretary-general ng United Nations or iba pang pandaigdigang organisasyon.

Samantalang kung ito ay ihahambing ulit sa pelikulang “Mulan”, ang ginawa naman ng

Tsina doon ay itinayo ang Great Wall of China upang bigyang diin na hanggang doon ang

kanilang sinasakupan. Ito rin ay nagsilbing depensa laban sa mga nagnanais na sakupin

Tsina. Pinatunayan ng sagot sa katanungang “Ano ang mga posibleng paraan para

magkasundo ang dalawang bansa sa kanilang nasasakupang teritoryo?” na hindi lagi

kinakailangan ng marahas na solusyon para lamang malutas ang isang problema dahil

mayroon pang ibang mas mapayapang paraan para lutasin ang isang problema.

III. Paglalagom

Batay sa mga datos na naipresenta, masasabing maraming negatibong epekto ang

paggastos ng gobyerno sa militar. Dahil dito, bumabagal ang pag-usad ng ekonomiya at

ang iba pang aspeto na nakatutulong para umunlad ang isang bansa kaya naman

nananatiling mahirap ang buhay sa India at Tsina kung pagbabasihan ang estado ng

pamumuhay ng karaniwang mamamayan. Dahil naman sa sobrang paggastos ng

gobyerno para sa militar, natuklasan sa pag-aaral ni d’Agostino, et. al. (2017) na ang

pagdagdag ng badyet sa militar ay patungo lamang sa pagbagal ng paglago ng

ekonomiya ng isang bansa. Nalaman ding sa loob ng 20 taon, ang 1% pag taas ng badyet

sa militar ay binabawasan ang pag unlad ng ekonomiya ng 9%. Ayon naman kay Collier

(2006) sa journal na isinulat niya, lumabas sa pag-aaral ng World Bank at International


Monetary fund na una ay ang pag doble ng military expenditure ay nagpapabagal ng

kaunlaran sa isang matagal na panahon at posibleng 20% ang ibawas nito sa kabuoang

kinikita ng bansa sa isang taon. Sabi ni Preble (2018) sa isang interbyu, walang naman

katiyakan na mananalo ang isang bansa sa isang digmaan kapag tinaasan nila nag

badyet para sa militar. Kahit pa man mayaman at makapangyarihan ang isang bansa,

makakaranas pa rin ito ng pinsala sakaling maging sangkot sila sa isang digmaan at ito

namana ay magreresulta sa pagbaba ng kaunlaran ng bansa kung may masisirang

mahalagang mga inprastraktura o di kaya lupa para sa agrikultura. Dagdag pa niya na

ang pagdagdag sa gastos ng militar ay hindi magreresolba sa problema at posible lamang

itong lumala. Halimbawa na lang kung dadagdagan ng mga bansa ang produksyon ng

nuclear weapons mas tataas ang posiblidad na magamit at at isang nuclear war ang

maaring asahan.

Subalit para maiwasan ang problema sa pag-unlad ng bansa na sanhi ng sobrang

paggastos sa militar para protektahan ang kanilang teritoryo, mayroong mungkahing

isinapubliko ang Carter Center noong 2010. Inimungkahi ng grupo na maki-isa sa

Permanent Court of Arbitration o PCA na may mahalagang papel para masolusyonan

ang pakikipag-alitan ng teritoryo dahil gingamitan nila ng arbitrasyon at diplomatikong

pamamaraan ang pagkamit ng solusyon. Ngunit, mayroong ibang pamamaraan upang

lutasin ang problema ng territorial dispute at ito ay tinatawag na “Alternate Dispute

Resolution.” Una ang “Conciliation” kung saan may ikatlong partido na kukunsulta sa

partidong nag-aalitan tsaka naman magbibigay ng mungkahi para masolusyonan ang

suliranin sa pagitang ng mga partido. At ang isa pa ay ang “Good Offices” kung saan

magkakaroon ng importante at ipinag-utos na pandaigdigang kaganapan. Ang mga


opisyales na bubuo sa kaganapan na ito ay maaring ang secretary-general ng United

Nations or iba pang pandaigdigang organisasyon.

Sanggunian:
Fravel, M. (2014). Territorial and maritime boundary disputes in asia. Retrieved from
https://dspace.mit.edu/openaccess-disseminate/1721.1/92742
HistoryPlex. (2017, July 14). A brief description of the India-China war of 1962.
Retrieved from https://historyplex.com/brief-description-of-india-china-war-of1962
IndiaToday. (2018, March 28). Where is Doklam and why it is important for India?
Retrieved from https://www.indiatoday.in/education-today/gk-current-affairs/story/where-
doklam-why-important-india-china-bhutan-1198730-2018-03-27
Marcus, J. (2018, January 26). China-India border tension: Satellite imagery shows
Doklam plateau build-up. Retrieved from https://www.bbc.com/news/world-asia-china-
42834609
TradingEconomics. (2017). India government spending. Retrieved from
https://tradingeconomics.com/india /government-spending

TradingEconomics. (2017). India military expenditure. Retrieved from


https://tradingeconomics.com/india/military-expenditure

TradingEconomics. (2017). China government spending. Retrieved from


https://tradingeconomics.com/china/government-spending

TradingEconomics. (2017). China military expenditure. Retrieved from


https://tradingeconomics.com/china/military-expenditure
World Bank Group. (2017). GDP (current US$). Retrieved from
https://data.worldbank.org/indicator/NY.GDP.MKTP.CD

The Economic Times. (2018, January 29). India’s R&D spend stagnant for 20 years at
0.7% of GDP. Retrieved from
https://economictimes.indiatimes.com/news/economy/finance/indias-rd-spend-stagnant-
for-20-years-at-0-7-of-gdp/articleshow/62697271.cms

The Economic Times. (2018, January 07). China to spend over USD 2 billion in R&D
this year. Retreived from
https://economictimes.indiatimes.com/news/international/business/china-to-spend-over-
usd-2-billion-in-rd-this-year/articleshow/62403032.cms

Brunet-Jailly, E. (2015). Border disputes: a global encyclopedia. Retrieved from


https://www.researchgate.net/publication/301649487_Border_Disputes_A_Global_Ency
clopedia

Marcus, J. (2018, January 26). China-India border tension: Satellite imagery shows
Doklam plateau build-up. Retrieved from https://www.bbc.com/news/world-asia-china-
42834609

Bancroft, T., & Cook, B. (Directors). (n.d.). Mulan [Video file]. Retrieved from
https://www6.123movies0.com/movie/mulan/watching.html?ep=1&sv=1

Liu, L. (2017). Is life hard in China? Retrieved from https://www.quora.com/Is-life-hard-


in-China

Jena, S. (2017) 5 reasons why life in India is tough. Retrieved from


https://www.soamjena.com/2017/09/15/5-reasons-why-life-in-india-is-tough/
d’Agostino, G., Dunne, J. P., & Pieroni, L. (2017). Does military spending matter for
long-run growth?. Defence and Peace Economics, 1-8. Retrieved from
https://peacesciencedigest.org/effects-military-spending-economic-growth/
Collier, P. (2006). War and military expenditure in developing countries and their
consequences for development. The Economics of Peace and Security Journal, (1) 1.
http://i-r-e.org/bdf/docs/a006_eps-journal_v1n1_expenditure.pdf

Big Think. (2018, July 4). Why more military spending is a bad idea [Video file].
Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=6q1uDuBwtE8

You might also like