You are on page 1of 2

Enteria, Lourey Ann Joy V.

BSBA FM 1-2

Pagsasalin sa Filipino G. Wilbert Lamarca

Pagsasalin

Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang latin na nangangahulugang pagsalin at


metafora naman sa griyego na may pagkakahulugang salita-sa-salitang pagsalin. May
iba-iba man itong pinaggalingan na salita ito pa rin ay naguugat sa mga layunin na isalin
ang mga salita mula sa simulaang lengguwahe patungo sa tunguhang lengguwahe upang
makapagdagdag ng impormasyon, mailahok sa pambansang kamalayan ang mga taong
parte ng bansa at mapagyaman ang kamalayan. Ito rin ay may malaking ambag sa isang
bansa sa paraan na sa pagsasalin ay kaya nitong mapagyaman ang wikang Filipino,
mapaunlad ang panitikang Filipino at matampok ang karanasang panrehiyon. May
dalawang level ng pagsasalin na pumapabor kina, isa ay ang pagtatapatan ng mga salita
o sa salita ni Nida ay tinatawag na Formal equivalence at ang isa naman ay ang
pagsasalin lamang ng mensahe at karanasang nakapaloob mula sa simulaang
lengguwahe o dynamic equivalence. Tinitignan at kinokonsidera na ang pagsasalin ay
bumibilang sa agham at sining. Ayon kay Liban-Iringan, ito ay kaugnay sa agham at
sining, na may kaugnayan naman sa sinabi ni Babhan na ito ay isang subhetibong sining
na kaiba sa agham, nagbigay tugon rin si Enami na ang pagsasalin ay isang modernong
agham. Gayunpaman, ang dalawang pinaka gamiting lengguwahe sa Pilipinas ay ang
salitang ingles at filipino, dahil na rin sa ito ay ginagamit sa pang araw araw at kabuhayan
ng ating mga kapwa Filipino. Ayon kay Goethe, may dalawang prinsipyo ng pagsasalin,
ang una ay ito dapat ay nagdadala ng tunay at malinaw na pagkakalarawan sa orihinal
na akda at ito ay dapat tignan ng tagasalin bilang kanyang sariling materyal.

Ang taong nagsasalin ng mga akda mula sa ibang lengguwahe patungo sa isa pa
ay tinatawag na tagasalin. Isang malaking responsibilidad ang magsalin ng isang akda,
maraming kategoryang kultural ang dapat isaalang-alang tulad ng pagkain, kilos, gawi at
ekspresyon, kaugalian, kasuotan, kostumbre at tradisyon, paniniwala at heograpiya at
kalikasan. Nararapat rin na ang isang tagasalin ay may malawak na kasanayan sa
pagbasa, pananaliksik, pagsulat at panunuri bilang pagtugan sa kahingian ng kanyang
responsibilidad na maghatid ng mensahe ng orihinal na awtor patungo sa iba pang
mambabasa. Ang pagsasalin ay isang komplikadong proseso at dapat ay maingat na
inuunawa ang bawat salita upang iangkop sa mismong ideya nais ipahatid ng awtor. Ayon
kay G. Almario may apat na proseso ang pagsasalin, una ang Pagtumbas mula man ito
sa wikang Filipino o katutubong wika, pangalawa ang paghihiram sa salitang Kastila kung
ang isang salita ay walang katumbas sa wikang Filipino, pangatlo ang paghihiram sa
salitang Ingles at ang panghuli ay ang paglikha ng bagong salita na may angkop na
pinanggalingang salita na may koneksyon sa nais ipabatid ng akda. Dapat rin ay
magkaroon ng malakang na kaalaman ang isang tagasalin sa mga paraan na dapat
niyang gamitin, ito ay ang mga sumusunod: isa sa isang salin, pagpapanatili ng ritmo,
pagpapaikli, pagdaragdag, leksikal sihonim, adaptsyon at paghihiram, functional na
metodo, modulasyon at kuplet.

Sa kabila ng lahat ng ideya at gabay na ito sa pagsasalin, dapat isaalang alang na


walang perpektong salin. Sa kahit anong pagtutumbas mula sa simulaang lengguwahe
patungo sa tunguhang lenggwahe, ay palaging may maibabawas na salita. Ang pinaka
layunin nito ay upang maghatid ng mensahe ng isang akda upang maunawaan ng mga
taong tumatangkilik ng ibang lengguwaheng bukod sa ginamit ng orihinal na awtor; at sa
pagkakaunawang ito ay makapagdaragdag ito ng mas mayabong na kaalaman mula sa
ibang perspektibo, mas maitataguyod ang kultura ng bansa sa pamamagitan
pagpapayaman ng kanilang sariling wika at mas magkakaroon ng malalim na koneksyon
ang mamamayan sa kanilang pinanggalingan. Samakatuwid, ang pagsasalin ay hindi
basta basta lamang na pagtutumbas ng salita, ito rin ay isang gawain na
nangangaialangan ng malawak na kakayahan at pagunawa, at higit sa lahat ay ang
kagustuhang magbigay tulong sa mga kapwa mamamayan na hindi kaya at walang
prebelehiyong aralin ang iba pang wika bukod sa kanilang nakagisnan.

You might also like