You are on page 1of 6

Ikalawang Markahan

Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB

May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang hayop at ang tao. Paano naiiba ang tao sa ibang
nilikha?
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay
nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon
kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o
katawan.

Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang
maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.

Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay
na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.

Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang
instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan
niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag
na kilos-loob. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik
upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong
upang makamit ang katotohanang ito.

ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency),
sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa
kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama.

Modyul 6: ANG KAUGNAYAN NG KONSIYENSIYA

SA LIKAS NA BATAS-MORAL

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na
konsiyensiya, mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay
“knowledge” o kaalaman. Samakatuwid ito ay nangangahulugang “with knowledge” o may kaalaman. Ipinahihiwatig
nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng
kilos na ginawa.

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas de
Aquino:

a. Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Ang konsiyensiya ay
tumatayong testigo sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya
ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Ang konsiyensiya ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat
at hindi dapat gawin.

c. Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di
maayos o mali. Sa kalagayang ito, ang konsiyensiya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring
nagpapahirap sa tao. Ang konsiyensiya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng
katagang “hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking konsiyensiya”.

Paano nga ba nalalaman ng konsiyensiya ang tama at mali? Ibinabatay ng konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos
sa obhektibong pamantayan ng Likas na Batas-Moral.

Ang Likas na Batas-Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan
at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang
pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.
Ang Likas na Batas-Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na
ito. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.

Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas-Moral:

a. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay
natutuklasan lamang ng tao.
b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas-Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas
na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin.
d. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng
tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago.

Ayon kay Lipio, binibigyang-direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang batas-moral upang
magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang
pangalagaan ang kapakanan ng lahat.

Maaari ring magkamali sa paraan ng paggamit ng panuntunang ito. Dahil dito, ang konsiyensiya ay maaaring uriin bilang
tama at mali ayon sa Likas na Batas-Moral (Esteban, 1990).

Uri ng Konsiyensiya

1. Tama. Ang paghusga ng konsiyensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng
obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsiyensiya kung hinuhusgahan nito
ang tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay, ).
2. Mali. Ang paghusga ng konsiyensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang
tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsiyensiya kung hinuhusgahan nito ang mali
bilang tama at ng tama ang mali.
Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsiyensiya kung gayon, naisasagawa ang pangkalahatang pamantayang moral sa
pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa
ayon sa Likas na Batas-Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging sitwasyon.

Modyul 7: KALAYAAN

Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya. Binigyang-
kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos
tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong
gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para
sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Hindi malaya
ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may
limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na BatasMoral.

URI NG KALAYAAN May dalawang uri ng kalayaan:

1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang
kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin
Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan
ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng
puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang
gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya
ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.
Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan. Ang tao ay kailangang maging
mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa
paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat (common good).
Itinatalaga rin ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong pampamayanan o
maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may
katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos kundi
ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral. Ang Likas na Batas-moral ay ibinigay sa tao
noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang
siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang
tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.

Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito
sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Ito ang tunay na mensahe ng gintong
aral (Golden Rule. Sinabi ng Diyos “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa
Kaniyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at kakayahan. Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay
nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng
lahat ng tao.
Plano ng Diyos, na tunay na nagnanais na matanggap ng bawat indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa
kaniyang kapwa. Inaasahan Niya na yaong nabiyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan ay magbabahagi ng mga
biyayang ito sa mga taong nangangailangan ng mga ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na
isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at
regalo na natanggap ng bawat tao mula sa Kaniya.

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa
kaniyang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan,ay may
dignidad.

May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat
mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at
pumili nang malaya.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.

Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
sumusunod:

1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa

2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o
gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin.
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay
na anumang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalangsa karapatan ng iyong kapwa,
pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting
pakikipagugnayan.

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang
bagay na ibig mangyari.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy
mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa.
ahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip
at kilos-loob.

Modyul 8 Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin.
Mahalaga na makita mo kung ang pipilin mo ba ay nakabatay sa makataong pagkilos.

May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12
yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at kilos-loob. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang
pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. Ngunit kung
daraan siya sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos. Naririto ang
mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang isip at kilos-loob.

ISIP KILOS-LOOB

1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin

3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Moral na Pagpapasiya

Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang isasagawang pasiya, kinakailangang
isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito.
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba
ng mga bagay-bagay. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang

Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago
ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen process). Ito ay isang malalim na
pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa
ngayon at mula rito matututuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa
anumang moral na dilemma.

Naririto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya:

1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang
iyong sarili. Naririto ang mga halimbawa ng tanong:
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga
pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan
nito
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang
mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng
inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya.
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward).
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help). Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng
pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin.
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang
iyong sarili kung bakit mo ito pinili.

You might also like