You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan


Ikatlong Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin:
- naibabahagi sa klase ang karaniwang sinasakyan ng pamilya.

II. Paksa: Salitang-kilos


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng
paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na
impormasyon
2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng
pamilya
Sanggunian:
K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)
pah. 19-22
Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at
pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw , ay pag-uusapan natin ang iba’t ibang
transportasyon sa inyong lugar.

3. Tukoy-Alam:
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

4. Paglalahad:
A. Iparinig ang awit na “Bangkang Papel”
Pagkatapos ng ulan, paligid ay pagmasdan
At sa ating bakuran, may naipong tubig-ulan
Tubig-ulan (2x) , may naipong tubig-ulan…
Kaya’t kumuha ng papel, itupi-tupi ito
ayan bangkang papel, makapaglalaro ako!

Bangkang papel (2x), gumawa tayo ng bangkang papel!


Halika na, halina, palutangin na natin
Sa ibabaw ng tubig, Bangka ay paglayagin
May malaki, at maliit, at may pinakamalaki
Dali lakasan ang ihip, unahan, unahan tayo,
talunin mo ang Bangka ko, tatalunin ko ang sa ‘yo…
Bangkang papel (2x), kay tulin, ng bangkang papel (2x)
5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Anong sasakyan ang nabanggit sa awit?
Nakasakay na ba kayo sa bangka?
Marunong ba kayong gumawa ng bangkang papel?
Paano nakatutulong ang bangka sa kabuhayan ng mga tao?
Anu-ano pa ang iba pang uri ng sasakyan o transportasyon sa inyong
lugar?

6. Paglalahat:
Ano ang ibig sabihin ng transportasyon?
Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Tandaan:
Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa
paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.
Ang iba’t ibang uri ng transportasyon ay :

Bangka kotse eroplano


barko dyip helicopter
balsa bus jet
submarine bisikleta
yate motorbike
tren
tricycle

7. Kasanayang Pagpapayaman:
Kumuha ng larawan ng sasakyan , sabihin kung ito ay
Pang-lupa, Pang-tubig o Pang-himpapawid
Hal. larawan ng dyip

IV. Pagtataya:
Iguhit ang sasakyang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya.
Tawaging isa-isa ang mga bata upang magkwento tungkol sa kanilang
iginuhit.
Hal. larawan ng tricycle
Araw-araw dito kami sumasakay kasama ang aking mga kapatid patungo
sa ating paaralan.
Dito rin sumasakay si nanay kapag pumupunta siya sa palengke para mamili.

V. Kasunduan:
Gumupit at magdikit ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa inyong notbuk.
Lagyan ng pangalan ang bawat isa.

Inihanda Ni:

ESTHER TUGATOG
Guro
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t
ibang sitwasyon ng pang-araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Inililigpit ang higaan

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Tama o Mali
Gumawa ng gawain kahit hindi inuutusan.
Naghihingi ng bayad bago sumunod sa utos.
Nangangapit-bahay para makaiwas sa utos
3. Balik-aral:
Paano nakakatulong ang paggawa ng kusa ng mga gawain?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong
bahay?

2. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng batang nagliligpit ng
hinigaan/pinagtulugan.
Itanong: Ginagawa mo ba ang gawaing ito sa inyong tahanan?
Bakit mo ito ginagawa sa inyong tahanan?
Ano ang mangyayari kung bigla ka na lamang aalis nang hindi
inililigpit ang iyong pinagtulugan?
.
C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga
magulang o mga nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga
magulang o mga nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagliligpit ng sariling higaan.

D. Paglalapat:
Ipasakilos ang wastong pagliligpit ng higaan nang pangkatan.

IV. Pagtataya
Iguhit ang sarili habang nagliligpit ng higaan.

V. Kasunduan:
Tandaan: Dapat sundin ang tuntunin sa tahanan tulad ng pagliligpit ng
higaan.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na


______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Inihanda Ni:

ESTHER TUGATOG
Guro
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
I. Mga layunin
Nakikilala ang mga bilang mula 61 hanggang 70.
Nabibilang at nasasabi ang bilang ng mga bagay sa pangkat. (sampuan at
isahan.)
nababasa at naisusulat ang bilang na 61 hanggang 70 sa simbulo
II. Paksa
A. Aralin 1: Konsepto ng bilang na anim na pu’t isa hanggang pitumpo.
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 35
Pupils’ Activity Shet pp. 40-45
C. Kagamitan: mga pamilang(stik, hole, etc.)
place value chart
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto 61-70
Rote Counting

III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak
Magkaroon ng maikling paligsahan sa pagbasa ng mga bilang sa
plaskard.(51-60)
2. Balik-aral
Magpakita ng set ng mga bagay. Ipabilang at ipasabi ang laman nito sa
mga bata. Ipakuha din ang bilang na katumbas nito sa plaskard.
Ilan ang 60?
B. Paglalahad:

1. Gumamit ng tunay na bagay o larawan.


Magpakita ng 6 bundle ng straw.
Hayaang bilangin ng mga bata ang laman ng isang bundle.
Ilan straw ang nasa bundle? (sampu)
Ipakilala ang salitang sampuan para sa bundle.
Dagdagan ng isang straw ang 6 bundle ng straw.
Ilan na lahat ngayon ang mga straw? (anim napu’ t isa)
Gamitin ang katulad na pamamaraan hanggang maipakilala ang bilang 62
hanggang 70.
2. Gamit ang place value chart
Ilagay ang plaskard na 6sa hanay ng sampuan at 1 sa hanay ng isahan.
sampuan isahan
6 1 = 61
(anim na pu’t isa)
3. Pagtalakay:
Ano ang ibig sa bihin ng 61? 62? 63? etc.
Ilan ang sampuan? isahan
Tandaan: Ang anim na pu’tisa–isa ay mayroong anim na sampuan at
isang isahan. o animnapu at isa.
C. Pagsasagawa ng Gawain
Gamit ang popsicle sticks, hayaang ipakita ng mga bata ang bilang na
sasabihin ng guro.
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Ipakita ang bilang na 61 at hayaang
iguhit ng mga bata ang katumbas ng bilang o simbulo na ipapakita ng
guro.
Gawin hanggang 70.
.
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong tinalakay. Hayaang ang mga
bata na itaas ang bilang ng counter na kailangan sa bawat bilang na
ipapakita ng guro.
2. Magpakita ng set ng mga counter. Hayaang ipakita ng mga bata ang
plaskard ng salitang bilang at simbolo nito.

F. Paglalahat
Ang simbulong 61 ay binabasa bilang animnapu’t isa , 62 ay animnapu’t
dalawa, etc. hanggang 70.
Ilan ang sampuan mayroon ang 70?

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang hanay A at Hanay B nang wasto.
Hanay A Hanay B
7 sampuan 70
6 sampuan at 2 isahan 62

V. Takdang Aralin
Isulat sa inyong kwaderno ang mga bilang mula animnaput isa hanggang
pitumpo.
Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang
nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Inihanda Ni:

ESTHER TUGATOG
Guro
ARALING PANLIPUNAN I
Ika-apat na Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
- nailalarawan at naiguguhit ang panahon at ang pagbabago nito.
(maulap)

II. PAKSANG-ARALIN: Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan


A. Aralin 16: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay Patungong Paaralan
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 11
Teacher’s Guide pp. 81-82
Activity Sheets pp.___
C. Kagamitan: cut –outs ng mga hugis, gamit sa paaralan, weather chart
(cloudy day), larawan ng mga gawain
D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga gawain ang maaring gawin ng mga tao kung tag-ulan?
2. Pagganyak:
Nakaranas na ba kayong magpiknik?
Sa anong uri ng panahon masarap magpiknik?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang iba’t ibang panahon?

2. Paglalahad:
Gumamit ng larawan na nagpapakita ng mga gawain ng mga tao kung
panahong maulap.
Hal. namamasyal, nagpipinta sa parke, nagpipiknik, nagbibisekleta, atbp.

3. Pagtalakay:
Anong uri ng panahon ang inilarawan sa mga larawan?
Anu-anong gawain ang maaring gawin kapag maulap?
Paano nakakatulong ang ganitong uri ng panahon sa mga tao?

4. Paglalahat:
Tandaan:
Maulap ang isa sa mga uri ng panahon na nararasan sa ating lugar.
Maraming gawain ang nagagawa ng mga tao sa ganitong uri ng panahon.

5. Paglalapat:
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa panahon ng
maulap sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa ibaba.

Ano ang paborito mong gawin kapag maulap?

IV. Pagtataya:
Gumuhit ng larawan ng isang maulap na araw
Pumili ng gawain ng mga tao sa panahong ito.

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang nagsasagawa ng isang gawain sa panahong
maulap ang langit.

Inihanda Ni:

ESTHER TUGATOG
Guro

You might also like