You are on page 1of 1

Group 1: Benjamin​, Jazzmin ​Dante​, John Marc ​Lagrada​, Gayl ​Magat​, Nica ​Valencia​, Geroe

Filipino 40: ​Prop. Zarina Joy Santos-Eliserio

Mungkahing Papel para sa Dokumentaryo:


Pagsasakatutubo ng ​Memes​ sa kontekstong Pilipino

Deskripsyon ng Paksa

Ang teknolohiya at ​internet ay nagbigay daan sa iba’t ibang mga pagbabago sa konteksto ng
panahon. Nariyan ang pagkakaroon ng ​social media sites gaya ng ​facebook na siyang
nagbukas ng ating mga pintuan tungo sa isang “borderless” na palitan ng mga idea’t kuro kuro..
Sa pamamagitan nito, naging malaya ang midyang banyaga na makapasok at maging
asimilisado sa kulturang Pilipino. Isang manipestasyon nito ay ang pagsasakatutubo ng ​Memes
- isang midyang kadalasang nasa porma ng isang imahe o larawang may pagka-talisik sa
pagbibigay aliw sa iba’t ibang tema o sitwasyon. Sinasabing nagmula ang salitang ​Memes sa
salitang ​Mimeme ng mga Griyego na ang ibig sabihin ay “upang gayahin”. Ang mekanismong
ito ang itinuturong pinagmulan sa katangian ng Memes bilang isang instrumento ng pag-gaya
na may pang-uuyam sa iba’t ibang konteksto1.

Mga Layunin ng Dokumentaryo

Sa mungkahing paksang ito, bibigyan diin ang kultural na aspekto ng ‘​Filipinized Memes’ sa
larang ng wika​, ​politika, at pagtugon sa sakuna (bilang mekanismong pangkaya). Layunin ng
dokumentaryo na mapalitaw ang iba’t ibang elemento sa bawat larang upang mas mabigyang
kahulugan sa konteksto ng lipunang Pilipino. Bukod sa mga elemento, nais ding maibahagi ng
dokumentaryo ang paraan kung papaanong nagiging kasangkapan ang “​Filipinized Memes”
upang magpalaganap ng mga ideolohiya sa bawat larang na nabanggit. Sa huli, nais din ng
dokumentaryong ito na mas maintindihan ng mga manonood ang mga mekanismong
pumapaloob sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa Memes na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto
ng Sikolohiyang Pilipino.

Iminumungkahing Metodolohiya

Gagamit ng iba’t ibang kaparaanan ng pananaliksik ang dokumentaryong ito tulad ng pagsusuri
sa mga artikulong akademik sa internet at ilan pang mga estadistika’t ​data na may kinalaman
sa paksa. Bukod dito, magsasagawa rin ng panayam ang grupo sa ilang dalubhasa mula sa
departamento ng Sikolohiya ng UP Diliman, partikular ang mga propesor sa Sikolohiyang
Pilipino upang mas mabigyan ng konkretong paliwanag at pagsasalarawan ang paksa sa larang
na nabanggit.

1
Base sa artikulo ni Johanna Mayer na pinamagatang “The Origin Of The Word ‘Meme’” noong taong
2018. Upang mas maunawaan, maaring hanapin ang artikulo sa
https://www.sciencefriday.com/articles/the-origin-of-the-word-meme/

You might also like