You are on page 1of 1

Patricia S.

Gabisay Hunyo 20, 2019

Grade 11- Marie Curie Gng. Slyvia P. Jacob

Sanaysay- Takdang Aralin

Sosyolek na Barayti: Daan sa Kaunlaran

Mayroong iba’t ibang barayti ang isang wika. Ngunit sa ating kasalukuyang panahon, kung
saan tayo ay malaya sa kung ano ang nais nating gawin, nangingibabaw ang sosyolek na barayti
ng wika.

Ang sosyolek na barayti ay isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
Nabubuo ito dahil nakabatay ito sa mga pangkat ng lipunan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng
mga bakla ng gay lingo at ng mga kabataan ng jejemon. Nagpapakita ito na mas dumadami pa ang
mga salitang nauuso at nadadagdag sa diksyunaryong tagalog. Ibig sabihin, ang ating wika ay
patuloy na umuunlad nang dahil sa bukas na pagtanggap sa kontribusyon ng mga salitang
ginagamit na mula sa katutubong wika. Sa ibang salita, nang dahil sa sosyolek na barayti mas
nagiging buhay o dinamiko ang ating sariling wika.

May implikasyon man ang barayting sosyolek sa pagunlad ng ating wika, hindi dapat
nating kalimutan na mayroon ding limitasyon ang paggamit nito. Kailangang mayroong masusing
pag-unawa at pag-intindi upang walang tao ang mapahamak. Importante din na marunong tayong
mag-analisa ng mga sitwasyon. Isang konkretong halimbawa ay ang paggamit ng mga angkop na
salita sa isang pormal na sanaysay sa halip na gumamit ng jejemon na lingguwahe.

Hindi lang ang sosyolek ang may kahalagahan sa pakikipagtalastasan. ang bawat barayti
ng wika sa pangkalahatan ay mahalaga sapagkat nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa
ang lahat ng tao. Mawawalan ng pakahulugan ang lahat ng ating sinasabi kung wala ang bawat isa
sa mga ito.na Maaaring hindi nahihirapan tayong intindihin ito, ngunit darating ang panahon na
ang lahat ng ito ay magkakaroon din ng saysay.

You might also like