You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
Polomolok National High School
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Pamagat: Pagtatalumpati
Petsa: Oktubre 15-17, 2018
Lugar: Silid-aralan ng HUMSS (Foster & Favila) at ABM (Forex)

I. Rationale:
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at pangangatwiran sa isang
partikular na paksang pinag-uusapan. Bilang guro sa asignaturang Filipino,
pagtutuunan ng pansin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng
sariling talumpati at paghahandaan ang piyesa bago pa man ito bigkasin sa
harapan ng tao. Kung kaya ang bawat awtput ng mga mag-aaral ay
bibigyan ng tuon bago pa man ito bigkasin sa madla. Mabuting
nakapaghanda ng isang komprehensibong sulatin upang mas maging
kapani-paniwala at kahi-kahikayat ito sa mga nakikinig.
Isa pang pagtutuunan sa gawaing ito ay ang pagpapahayag ng mga
mag-aaral ng kani-kanilang ideya o kaisipan sa paraang pasalita na
tumatalakay sa isang partikular na isyu sa lipunan. Susubukin ang mga mag-
aaral sa pamamagitan ng biglaang talumpati (impromptu) at maluwag na
talumpati (extemporaneous). Sa paraang ito, mahahasa sa mga mag-aaral
ang makrong kasanayang huhubog sa kanilang kakayahan na makatutulong
nang malaki sa pagharap sa hamon ng buhay.
Bilang pagtugon sa kompetensi na lilinangin ng mga mag-aaral na
makagagawa ng sariling talumpati, bawat isa ay magbabahagi ng kani-
kanilang obra mula sa natutunang disiplina sa paggawa ng talumpati. Ang
mga isinumiteng talumpati ay kinapapalooban ng natatanging paksa o
kahang-hangang nilalaman na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga
guro sa Filipino. Ang mga ito ay nagpapakita ng katatagan ng isang mag-
aaral ng Senior High School sa pagtanggap ng hamon sa mga kompetensing
inilatag.
Sa kasalukuyan, ang mga talumpating ito ay magiging halimbawang
lunsaran at sandigan ng mga mag-aaral sa gagawing portfolio ng mag-aaral
sa huling bahagi ng kwarter sa unang semestre panuruang taon 2018-2019. Sa
mga nailahad, nagpursige ang guro sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan (Akademik) na magkaroon ng pagtatalumpati: pagbabahagi
sa napiling pinakamagaling na manunulat sa talumpati na siyang bibigkasin
ng mag-aaral, pagkakaroon ng impromptu at extemporaneous naman sa
mga hindi napiling mag-aaral. Gaganapin ito sa loob ng silid-aralan ngayong
Oktubre 15-17, 2018 upang maisakatuparan ang pamantayang pagganap sa
asignaturang ito.

II. Layunin
1. Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na makasulat ng isang
talumpating nakabatay sa pananaliksik.
2. Nalilinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsasalita sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling pananaw sa
obhetibong pamamaraan ayon sa pangkasalukuyang isyu ng lipunan.
3. Naipapakita ang angking talino ng mga mag-aaral gamit ang
mapanuring isipan at kritikal na pag-iisip sa pagsagot sa anumang
isyung panlipunan na lalong nagpapaunlad sa kanilang kumpiyansiya
sa sarili.

III. Mga Kalahok


Ang aktibiti na ito ay kabibilangan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng
Senior High School ng Polomolok National High School: HUMSS – Foster, HUMSS
– Favila, at ABM – Forex na naenrol sa unang semestre panuruang taon 2018-
2019 at guro sa Filipino.

IV. Pamamaraan
Ang pagtatalumpati ay gaganapin sa mga silid-aralan ng HUMSS –
Foster, HUMSS – Favila at ABM – Forex. Ang mga napiling magtatalumpati
(manuskritong talumpati) ng kani-kanilang obra ay magtatanghal sa
itinakdang araw samantalang ang iba pang mag-aaral ay bubunot kung
anong uri ng pagtatalumpati ang gagawin (impromptu o extemporaneous)
kung saan ibabatay sa iba’t ibang isyu ng lipunan na nangibabaw sa
kasalukuyang taon. Lahat ng kalahok sa impromptu ay tahasang bubunot ng
hashtags (#) na magsisilbing katanungan at dagliang ilalahad ang kanilang
mga pananaw at paniniwala hinggil sa isyu sa loob lamang ng tatlong minuto.
Ibibigay rito ang paksa sa oras mismo ng pagsasalita. Samantalang sa
extemporaneous naman, parehong bubunot din ng hashtags (#) at bibigyang
ng karampatang oras ang mag-aaral ng tatlong minuto para
mapaghandaan ang ilalatag na opinyon at tatlong minuto sa para sa
pagbabahagi. May mga gaganap na adjudicators maliban sa guro upang
mabigyan ng karampatang paghahatol na nakabatay sa mga sumusunod
na pamantayan:
Impromptu Extemporaneous
Pamantayan: Pamantayan:
Kaalaman sa paksa – 40% Nilalaman/Kaugnayan sa paksa – 35%
Tiwala sa sarili – 15% Tiwala sa sarili – 10%
Dating sa Madla – 10% Pagsunod sa Mekaniks – 10%
Kasanayan sa Pagsasalita – 35% Dating sa Madla – 10%
(Bigkas, tiig, tindig, kumpas at kilos) Kasanayan sa Pagsasalita – 35%
Kabuuan – 100% (Bigkas, tiig, tindig, kumpas at kilos)
Kabuuan – 100%
Manuskritong Talumpati
Pamantayan: Tiwala sa sarili - 20%
Dating sa Madla - 30%
Bigkas at Tinig - 25%
Ekspresyon, Tindig at Kilos – 25%
Kabuuan - 100%

Sa pagtatalumpating ito, tatanggap ang mga mag-aaral ng sertipiko


ng pagkilala ayon sa sumusunod na karangalan.

Pinakamagaling na Mananalumpati - Unang Gantimpala


- Ikalawang Gantimpala
- Ikatlong Gantimpala
Pinakamagaling na Manunulat - Unang Gantimpala
- Ikalawang Gantimpala
- Ikatlong Gantimpala
Pinakamagaling sa Impropmtu
Pinakamagaling sa Extemporaneous

V. Badyet
Sertipiko (papel na ginamit) - Php100.00
Tinta sa pag-imprenta ng sertipiko - Php100.00
Kabuuang Halaga - Php200.00

VI. Pagmumulan ng Pondo

Ang pondo ay mula sa donasyon na dalawang daang piso (200.00)


galing kay G. Jefferson Gloria na pinadalhan ng donation letter ng guro sa
Filipino.

Inihanda ni:

MERBEN P. ALMIO
Teacher I

Kinilala ni:

MARY ANN F. BAJAR


Assistant School Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
Polomolok National High School
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

MATRIX NG AKTIBITI

Oras Aktibiti

12:00 – 12:30
Preparasyon

Pagtsek ng Atendans

Panalangin

Palabunutan para sa Impromptu at


Extemporaneous

12:30 – 1:30
Aktibiti

Unang Bahagi:
Pagtatalumpati – Pagbigkas
(Manuscript)

Ikalawang Bahagi:
Impromptu
Extemporaneous

1:30 – 2:00
Feedbacking (Pangkalahatan)

Paggawad ng Sertipiko
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
Polomolok National High School
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Pamagat: Dulang Pantanghalan at Dulang Panradyo


Petsa: Oktubre 19, 2018
Lugar: Silid-aralan ng GAS - Fluorite

I. Rationale:
Ang dula ay paghuli sa bahagi ng buhay. Mula sa mga uri ng dula,
binigyang-tuon ang dulang pantanghalan na isinasagawa o itinatanghal sa
entablado kung saan ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang emosyon
sa pamamagitan ng pagsasadula ng isang natatanging kuwento at ang
dulang panradyo na isang uri ng dula na isinasagawa o isinasadula sa radyo
kung saan ang boses lamang ng mga tauhan sa isang dula ang ang maririnig
at mga ibat-ibang tunog katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog
ng mga kagamitan kanilang hinahawakan at iba pa.
Bilang kahingian na kompetensing malinang sa mga mag-aaral ang
guro sa asignaturang Filipino ay pagtutuunan ng pansin ang pagsasagawa ng
worksyap mula sa natutunang iba’t ibang metodo o paraan sa pagtatanghal
maging sa radyo o tanghalan. Susubukin ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagganap sa mga natatanging linya ng mga kilalang
personalidad sa radio at artista sa linilakang tabing. Sa paraang ito, mahahasa
sa mga mag-aaral ang makrong kasanayang huhubog sa kanilang
kakayahan na makatutulong nang malaki sa pagharap sa hamon ng buhay.
Ipapakita ng mag-aaral ang kani-kanilang kakayahan sa pagganap ng
mga tauhang minsang nagbukas ng mata ng mga mambabasa na maaaring
mangyari sa totoong buhay. Sa huling bahagi ng kwarter sa unang semestre
panuruang taon 2018-2019 nagpursige ang guro sa asignaturang Malikhaing
Pagsulat na magkaroon ng pagsasadula: dulang panradyo at dulang
pantanghalan. Gaganapin ito sa loob ng silid-aralan ngayong Oktubre 19,
2018 upang maisakatuparan ang pamantayang pagganap sa asignaturang
ito.

II. Layunin
1. Natutuloy ang iba’t ibang elemento / sangkap, teknik at kagamitang
pampanitikan ng dula;
2. Nagagamit ang iba’t ibang metodo o paraan para sa pagtatanghal
na nagsaalang-alang sa iskrip ng dula;
3. Nauunawaan ang intertekstwalidad bilang teknik ng dula.
III. Mga Kalahok
Ang aktibiti na ito ay kabibilangan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng
Senior High School ng Polomolok National High School ng GAS - Fluorite na
naenrol sa unang semestre panuruang taon 2018-2019 at guro sa Filipino.

IV. Pamamaraan
Ang pagsasadula ay gaganapin sa silid-aralan ng GAS - Fluorite. Bago
pa man itatanghal ang dulang panradyo at pantanghalan, napili na ang
magsisipagganap sa dalawang dula mula sa ginawang worksyap.
Magpaplano ang bawat pangkat sa maaaring disenyo ng kanilang dula sa
tanghalan maging sa paghahanda ng mga kagamitan sa dulang panradyo.
Isasabuhay ng mga napiling tauhan ang ibinigay na iskrip at pag-aaralan ang
bawat dayalogo. Upang lubos na maging ganap ang gagawing
pagtatanghal sa tanghalan at radyo, nagtalaga ang guro ng mga direktor at
kasama sa produksiyon. Pinagtutulungan ng bawat pangkat ang lahat na
kailangan nang sa gayon maayos na maisakatuparan ang pagtatanghal. Sa
araw ng pagtatanghal, bibigyan ng karampatang paghahatol ang bawat
pangkat na nakabatay sa mga sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos

Angkop ang kilos, ayos, damit at entablado para sa dulang 35


pagtatanghalan

Angkop ang boses, ayos ng sound effects at kagamitan para


sa dulang panradyo
Malikhain ang ginawang pagtatanghal 35

Malinaw ang pagtatanghal ng mensahe 30

Kabuuan 100

Sa pagtatalumpating ito, tatanggap ang mga mag-aaral ng sertipiko ng


pagkilala ayon sa sumusunod na karangalan.

Pinakamagaling na Aktor sa Dulang Pantanghalan / Dulang Panradyo


Pinakamagaling sa Aktres sa Dulang Pantanghalan / Dulang Panradyo
Pinakamagaling na Direktor sa Dulang Pantanghalan / Dulang Panradyo

V. Badyet
Sertipiko (papel na ginamit) - Php100.00
Materyales sa tanghalan - Php150.00
Tinta sa pag-imprenta ng sertipiko - Php100.00
Kabuuang Halaga - Php350.00
VI. Pagmumulan ng Pondo
Ang pondo ay mula sa dalawang piso (5.00) kontribusyon ng mga mag-
aaral para sa sertipiko at tinta sa pag-imprenta nito. Ang iba pang pondo ay
ginamit sa pagbili ng mga materyales sa tanghalan.

Inihanda ni:

MERBEN P. ALMIO
Teacher I

Kinilala ni:

MARY ANN F. BAJAR


Assistant School Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
Polomolok National High School
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

MATRIX NG AKTIBITI

Oras Aktibiti

8:00 – 8:30 Preparasyon


Pagtsek ng Atendans
Panalangin
Pagbibigay ng Panuntunan ng Guro
sa kabuuan ng dulang panradyo at
pantanghalan

8:30 – 9:30 Aktibiti


Unang Bahagi:
Dulang Pantanghalan (Unang
Pangkat)

Ikalawang Bahagi:
Dulang Panradyo (Unang Pangkat)

9:30 – 10:30 Aktibiti


Unang Bahagi:
Dulang Panradyo (Ikalawang
Pangkat)

Ikalawang Bahagi:
Dulang Pantanghalan (Ikalawang
Pangkat)

10:30 – 11:00 Feedbacking (Pangkalahatan)

Paggawad ng Sertipiko
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
Polomolok East District
Polomolok National High School
Brgy. Cannery Site, Polomolok, South Cotabato

Agosto 16, 2018

SPO2 G. Jefferson Gloria


Police Officer - Passi Post
Passi City, Iloilo

Dear Sir:

Greetings of Peace!

I am writing this letter because I planned to have an activity for speech


performance of my Grade 12 students in their Filipino subject. I am humbly
asking your support for the materials needed in the activity. It is a big help for
me and for my students upon considering this letter.

Hoping for your positive response. Thank you very much.

Respectfully yours,

MERBEN P. ALMIO

==============================================================
==
Donation slip

Please check the box below.

50 100 200 500 1000

You might also like