You are on page 1of 5

Pining

This story is fiction yet based on Filipino History of their cultures, traditions
and beliefs. It portrays the negative effect of Social Stratification back then.

Characters:

• Maningning - Ang tinuturing na makapangyarihang babae sa puod dahil sa


ginagabayan ito ng mga umalagad; Anak ni Rajah Linangan sa ibang babae
• Songil - Ang lalaking umibig at napaibig kay Maningning; Anak ni Rajah Mapera
• Hiyas - Ang binukot na laging nagseselos sa lahat ng nakukuhang atensyon ni
Maningning sa kanyang baba. Siya rin ay naging paborito anak ni Agang.
• Kuling - nakababatang kapatid ni Hiyas na masaya sa piling ni Maningning dahil na
rin sa dahilang ayaw sa kanya ng kanyang iloy na si Agang dahil umaasa sila nang
lalaking anak.
• Agang - Ang traydor at sakim na ina nina Kuling at Hiyas; Asawa ni Rajah Linangan
• Rajah Linangan - Ama ng tatlong binukot
• Rajah Mapera - Isang kinatatakutang pinuno na mabagsik at walang patawad sa
kanyang mga kaaway.
• Paratawag - Apo ng Punong Babaylan

Extended Characters:

• Lola Pining - Ang tauhan ni Maningning nung tumanda ito.


• Lolo Ingil - Ang tauhan ni Songil nung tumanda ito.
• Bagani - Ang maisog at mapagkakatiwalaan na pinuno ng mga kawal ni Rajah
Mangubat.

Glossary:

• Puod - Territory
• Baroto - Boat
• Karakoa - Warship
• Kampilan - a heavy pointed sword.
• Binukot - Young women (usually the daughters of a Datu or Rajah) who were kept
inside the house away from public eye.
• Umbo - Older Sister
• Iloy - Mother
• Baba - Father
• Uripon - Slave
• Umalagad - Ancestor Spirits
• Bana - Husband
• Alabay - Babaylan Apprentice
• Babaylan - Shaman, Priestess
• Batuk - Tattoo
• Panagang - Anting-Anting

Scene 1 | Ang Simula

Lola Pining: O tulog na mga anak. Walang magpupuyat. Tama na muna laro.

Anak 1: Opo. Pero kwentuhan nyo muna po kami para makatulog kami.

Anak 2: Oo nga po, nay. Please...

Lola Pining: Sige na nga. O heto na...

Scene 2 | Ang Kinatatakutang Rajah


Nagsimula ang lahat sa isang puod na kinikilala ng marami dahil sa kinatatakutang
pinuno nito, si Rajah Mapera.

Rajah Mapera: Tinipon ko kayong lahat para sabihin na magsipaghanda kayo para sa
susunod nating pagsalakay sa ibayong puod.

Mga Kawal: Masusunod, rajah.

Rajah Mapera: Bagani, dapat handa na ang inyong mga kampilan at siguraduhin mo na
nasa magandang kondisyon ang mga ito at ang lahat.

Bagani: Masusunod, Rajah. Ihahatid ko na ang impormasyon sa ating mga kawal para
maihanda na din nila ang kanilang mga baroto at karakoa.

Kinilala sa balat ng lupa si Rajah Mapera bilang isang hindi matalo-talong


mandirigma.

Scene 3 | Ang Mga Binukot

Sa kabilang banda naman, si Maningning ay nasa piling ng kanyang mga kalahating


kapatid na mga kaparehang binukot.

Maningning: Baba, turuan nyo ho ako gumamit ng kampilan.

Rajah Linangan: Aba, napakadelikado para sa batang tulad mo humawak ng kampilan


baka masugatan ka.

Maningning: Hindi ho. Magiingat ako, baba.

At mabilis naman natuto ang binukot na si Maningning.

Rajah Linangan: O mauna nako, anak. May gagawin pa ako. Sa susunod na lang natin
ituloy to.

Maningning: Sige ho, baba. Magiingat kayo.

At dumating ang kanyang kapatid na si Hiyas na kanina pa nanonood sa kanila.

Maningning: Umbo, nandiyan ka pala.

Hiyas: Nagpabida ka na naman sa baba naten no. Pwede ba, ang mga binukot na tulad
naten ay walang karapatan na humawak ng kampilan kaya wag ka na magambisyon na
matutunan ang mga ganyan.

At lumisan na si Hiyas, na siya namang pagdating ng kanyang isa pang kapatid na si


Kuling.

Kuling: Pagpasensiyahan mo na si Umbo Hiyas. Lagi na lang may dalaw yun. Ang sungit
sungit.

Maningning: Ayos lang yun. Sanay naman na ko pinagiinitan ni Umbo Hiyas. Siya nga
pala may bago ako natutunan kay baba, gusto mo ituro ko sa iyo?

Kuling: Aba oo naman, umbo. Salamat, umbo.

Scene 4 | Ang Traydor na Asawa

Ipinadispatsa ni Agang si Maningning sa isang uripon noong bata pa ito. Ngunit


dahil na rin sa gabay ng mga umalagad ni Maningning, siya ay nakaligtas.
Agang: Ilihim mo at itikom mo na lang ang iyong bibig, uripon. Huwag na huwag mo
sasabihin ito sa aking bana.

Uripon: Masusunod ho.

Dahil sa masamang kagustuhan ni Agang para mapalayo kay Maningning at dahil sa


masamang loob sa kanyang irog, tinalikuran niya ito.

Agang: Mahal na Rajah, aking isusuplong ang aking asawa sapagkat may plano ito
kasama ang iba pang mga datu ng rebelyon laban sa inyo.

Nang dahil dito, namatay si Rajah Linangan sa pagsalakay ng mga kawal ni Rajah
Mapera.

Scene 5 | Ang Pagiging Uripon ng Binukot

Pagkatapos mamatay ni Rajah Linangan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni


Maningning at isa na dito ang kanyang pagiging uripon.

Agang: Simula ngayon, hindi ka na isang binukot. Isa ka nang hamak na uripon na
lamang sapagkat diyan ka dapat lumugar katulad ng iyong iloy.

At pinunit ni Agang ang damit pantaas ni Maningning bilang simbolo ng pagiging


uripon nito. Dahil dito, nakilala siya ni Songil, ang susunod sa trono ni Rajah
Mapera.

Songil: Ano ho ang ginagawa ninyo sa kanya? Hindi ho makatarungan ang ginagawa
ninyong pananakit sa kanya.

(Iyak na lamang ng iyak ang uripon)

Pinrotektahan ni Songil si Maningning sa abot ng kanyang makakaya sa mga pang-aapi


nina Agang at Hiyas.

Scene 6 | Ang Muling Pagbangon

Sa tulong ng mga umalagad ni Maningning, ay naging alabay ito.

Maningning: Baba, para ho sa inyo 'to. Ipaghihiganti ko kayo laban kay Mapera. Pero
bago ko gawin yun, kailangan ko muna maging isang babaylan, ng sa gayon ay
magkaroon ako ng mataas na estado sa puod at doon ko na isasagawa ang aking mga
plano.

Nag-aral siya ng panggagamot, mga relihiyosong ritwal at tradisyon. At ng nagkaroon


ng lubhang sakit si Songil...

Maningning: Subukan nyo itong mga halamang gamot na nakuha ko malapit sa batis.
Mabisa itong mga 'to.

Rajah Mapera: O ano pa ginagawa nyo, pagalingin nyo na agad ang aking anak. Di sya
pwede mamatay.

Kinabukasan, gumaling na nga ang anak ng Rajah.

Rajah Mapera: Nang dahil sa pagpapagaling mo sa aking anak, hihirangin kita na


maging isang Punong Alabay.

Sa kabilang banda, nalaman ni Maningning na ang apo ng kasalukuyang punong alabay


na si Paratawag ang tao na may pakana sa pagpatay kay Songil.

Maningning: Songil, may sasabihin ako.

Songil: Ano iyon, Maningning?

Maningning: Nais ko lamang ipaalam sa inyo na ang nagtangkang pumatay sa iyo ay si


Paratawag.

Songil: Ha? Parang di naman ata kapani-paniwala yan?

Maningning: Maniwala ka sa akin. Narinig ko ang kanilang usapan ng punong babaylan.


At mayroon silang balak na rebelyon laban sa iyong baba.

Songil: Ngunit... Pano magagawa iyon ni Paratawag? Parang napakaimposible, isa siya
sa mga kinagigiliwan na tagasunod ng aking baba. Kaya hindi nya iyon magagawa.

At hindi na nga naniwala si Songil. Hanggang sa isang araw, sumugod ang mga kasama
ni Paratawag. At napatay nila ang Rajah ng puod.

Scene 7 | Ang Pag-angkin sa Trono

Nang mamatay ang Rajah, ang pumalit dito ay si Paratawag. Hindi pwede si Songil ang
mamuno, sapagkat nagsinungaling siya sa kanyang unang batuk.

Paratawag: Pinatawag ko kayong lahat para sabihin na itataas na ang ating buwis.

Uripon 1: Mahal na Rajah, ano ho ang dahilan bakit itataas ang buwis? Lumalago
naman ho ang ating puod.

Paratawag: Sapagkat marami ang pangangailangan ko ng sa gayon ay mapamahalaan ko ng


maayos ang ating puod.

Uripon 2: Ngunit ano na lamang ang amin kikitain kung itataas ang buwis?

Uripon 3: Oo nga, wala na kami makakain. Hirap na kami matugunan ang mga
pangangailangan namin.

Paratawag: Kaya nga nandito ako para sa inyo, di ko kayo pababayaan, di ko


pababayaan ang mahal nating puod. Hanggang dito na lamang ang ating diskusyon.
Makakaalis na kayo lahat.

Sa kasamaang palad, mas lumala ang kalagayan ng puod sa pamumuno ni Paratawag.

Scene 8: Ang Panandalian na Pamumuno ni Agang

Nagplano ng rebelyon ang pangkat ni Songil laban kay Paratawag, at nagtagumpay sila
na patayin ito.

Agang: Ito na ang pagkakataon ko para maging isang Rajah.

Ginawa niyang pinuno ang kanyang sarili sa buong puod. Sinindak nya ang mga tao sa
paggamit ng panagang mula sa mga babaylan para sila ay maging sunud-sunuran sa
kanya sa pamamagitan ng panlilinlang na siya ay may direktang komunikasyon
sa Diyos. Ngunit hindi rin nagtagal ang pamumuno nito. Namatay siya sa tulong ng
mga umalagad ni Maningning.

Scene 9: Ang Pagtatapos


Lola Pining: Maraming mga pagbabago ang nangyari sa puod, kagaya ng pagbibigay
ng karapatan sa mga alipin o uripon at ang pantay-pantay naoportunidad sa edukasyon
at negosyo.

Anak 1: Ano ho nangyari kina Maningning at Songil?

Anak 2: Oo nga ho. Ano ho nangyari sa kanila?

Lola Pining: Sila ay nagkatuluyan at nagkaroon ng dalawang anak. Sila ay


nagmamahalan hanggang ngayon.

Biglang dumating si Lolo Ingil.

Lolo Ingil: O tara na Maningning, mga anak. Tulog na tayo. Tama na yan.

Anak 1: Ah kayo po si Maningning? At siya po si Songil?

Anak 1 & 2: At tayo ang dalawang anak?

The End

You might also like